Chapter 3

9 1 0
                                    

Iniisip ko pa rin yung narinig ko kagabi. May nakakilala na agad sakin dito. Hindi naman ako lumabas natulog lang naman ako kahapon pagkarating ko. Mukhang madaming chismosa dito o chismoso mga lalaki yung kagabi.

Sinabi ko kay lola na dito muna  ako magaaral sa kadahilanang nakakasawa sa syudad kelangan ko ng bagong environment para mainspire ulit at makapagumpisa.

Mukha naman syang naniwala at mas makakabuti naman talaga na may makakasama na siya dito.

''Celine pwede ko pa naman mapakiusapan ang kaibigan ko sa school na papasukan mo dito. Sayang naman kasi kung uulit ka ng isa pang sem diba?''

Nasabi ko kasing dito ko tatapusin sana ang isang sem kaso baka hindi na ako tanggapin kasi masyado ng late 1 month nalang summer na. Tsaka public school ang papasukan ko pahirapan talaga kaya akala ko malabo na matapos ko.

''Kung pupwede pa po pala ako na pumasok okay lang po lola. Wala naman akong gagawin dito e.''
Kailangan ko pa rin magpatuloy.

''Sige magayos ka na at tatawag ako doon at sasamahan kita.''

''Lola naman. Di naman kailangan nang sumama kayo para naman akong bata nyan na ihahatid pa. Kaya ko na po.''
 
Nakakahiya naman kasi.

''Wala ka pang kilala dito mahirap na tsaka alam mo ba papunta doon?'' Nakataas na kilay na tanong nila.

Umiling ako.

''Sasamahan kita . Pinal nyang sagot. "Bihira lang naman ako lumabas. Mas gugustuhin ko ngayong may kasama ako.
Sige na magbihis ka na.''

Tumango nalang ako at umakyat sa kwarto. Sabagay mas mapapadali siguro kapag kasama ko si lola alanganin pa naman din ang paglipat ko.

Pagbaba ko binigay sakin ni lola ang susi ng kotse nya yun nalang daw ang gamitin namin at baka mabulok na dahil hindi na na gagamit.

Pagpasok palang nakikita ko na ang dami ng students dito. Break time ata madaming nasa labas at nakatambay lang at may kanya kanyang grupo.

Namimiss ko nanaman sila. Ganyan din kami pagwalang ginagawa nagkukumpulan at nagaasaran.

Kinalabit ako ni lola at pumasok na sa gate.
Pinagtinginan agad si lola. Tinignan naman ako ni lola ng ngiting ngiti. Ako yata ang pinagtitinginan.
"Bago"
Ang una kung narinig sa nadaanan ko.

''Maganda ka kasi apo kaya napapansin ka agad. Hindi ka ba sanay? Dati naman tuwang tuwa ka pa pagnapapansin ka?'' Nagtatakang tinignan ako ni lola.

'' Napapansin ko na parang malungkot at tahimik ka. Hindi ako sanay.'' Panguusisa pa ni lola sakin.

''Wala po lola naawkward lang ako matagal na kasi mula ng makabakasyon ako sainyo.''

Anlayo ata ng sagot ko kasi mukhang naguluhan si lola.

''Tara na po.''

Yaya ko nalang saka kami tuluyang pumasok sa registrar.

''Dito ka nalang umupo ako ng bahala. ''
Umoo nalang ako.

''O kaya celine lumabas ka na muna kung gusto mo. Hintayin mo nalang ako sa labas.''

Umoo ulit ako kasi may naamoy ako sa loob. Amoy paa nakaaircon pa naman, sa labas nalang ako mukha namang mahangin.

Kaso paglabas ko pinagtinginan ako ulit. Parang gusto kong bumalik kaso parang tanga naman ata kaya lumapit ako sa malapit na upuan at naupo.

Sa kabilang dulo may nakaupo din at sabay nila akong tinignan ng nakataas ang kilay akala ko lalaki kaso mas maganda ang kilay kesa sakin.

The EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon