Sinalakay agad ako ng kaba at takot. Ayoko ng pumasok sa loob. Mas gusto kong umalis na lang ng walang lingon lingon pero masyadong malayo ang bahay na to sa main road. Private property at walang magkakamaling pumuntang sasakyan ng walang permiso. Mahigpit akong nakakapit sa manibela. Walang umiimik samin na katulad kong kinakabahang bumalik.
Pumasok ulit sa bahay.
Nagkatinginan pa rin kami at alam kong mas okay kung ako ang babalik. Wala silang mga damit dahil sa kanina. Ako lang ang meron. Mas maayos naman ang kalagayan ko keysa sa kanila dahil sa tingin ko mas nakakatakot nga ang dinanas nila para bumalik sa loob. They look battered. Pathetically. Huminga ako ng malalim at tumango sa kanila.
"Ako lang ang babalik. Hintayin nyo na lang ako."
Sabay bukas ko ng pinto ng maalala kong hindi ko alam kung asan yung susi mismo. Hindi ako ang may hawak ng susi.
"Asan yung susi?" Natataranta kong tanong sa kanila.
"Nasa akin yun. Nasa bulsa ng shorts ko." Si Erika yung nagsalita habang palipat lipat ang tingin sakin at kay Lily habang pilit inaayos ang pagkaupo.
"Saan? Natatandaan mo ba kung saan ?"
"Sa katabing kwarto lang yun celine. Dun sa kwartong yun." Si Mika na ang sumagot na nakatulalang nakatingin lang kay Lily at tahimik na umiiyak.
Wala na akong sinayang na oras at patakbong bumalik sa bahay.
Nanghina agad ang tuhod ko paglapit sa pinto. Lalo na ng wala akong marinig na ingay. Bumalik agad yung takot ko. Binuksan ko yung pinto at alerto ang mata sa pwedeng mangyari. Wala. Walang tao.
Wala si Lance.
Wala na yung iniwan namin gulo kanina. Palinga linga pa rin ako habang patakbong tinungo yung hagdan. I was focused on getting the keys and get the hell out of here. Mas natataranta ako sa pagahanap sa kwarto at pagiging alerto. Feeling ko sobrang bagal ko. Nahihirapan akong maghanap, biglang parang anlaki bigla nung bahay na nahihirapan akong sa saan babaling at kung saan pupunta. Nahihirapan akong huminga sa kaba at pagaalala. Negative thoughts came rushing again. Hindi ko alam bigla kung saan pupunta. My eyes search frantically for something something that can defend me or something. Feeling ko kailangan ko bigla ng panlaban. Hindi ko alam kung bakit pagbukas ko ng panibagong pinto yung lpg tank agad ang una kong nkita tapos yung mga kutsilyo yung lighter.
Mabilis kung kinuha yung pinakamalaking kutsilyo at ready na sanang lumabas pero dumaan ulit yung mata ko sa gas tank. Tapos yung lighter. Pabilis ng pabilis yung hininga ko sa naiisip ko pero mas nakakaramdam ako ng matinding galit. Nagflashback agad yung nangyari kanikanina lang at nanginginig yung kamay kung binuksan ang gas tank. Apat. Kinuha yung lighter at binitbit ang isang galon ng gasoline na nasa sulok ng pinto bago ako makalabas. Binubuhos ko habang naglalakad hangang sa makaabot ako sa pinto ng kwarto at mas lalong napadiin ang hawak ko sa kutsilyo. I frantically open the door to the other room at mabilisang tinignan ang nasa paligid nakita ko agad yung mga damit ng mga kaibigan ko. Punit punit. Nahanap ko naman agad yung shorts.
Mabilis kong kinapa ang bulsa nung shorts ni Erika pero wala. Wala.Walang susi.
Hinanap ko sa lahat ng nakitang damit. Sa sahig pero wala. May pilit na pumapasok sa isip ko na baka wala nga talaga dito. Pero ayokong bumalik sa kwartong yun. Kung wala dito nasa isa sa kanila. Sa apat na nsa kabilang kwarto na pare parehong walang malay o baka nasa isang hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko alam bigla ang gagawin. Naiiyak akong hinawakan ulit ang kutsilyo at pumunta sa kabilang kwarto.
Yung kwarto.
Pagbukas ko halos maubusan agad ako ng hininga sa nakikita ko. Andaming dugo. Anlansa ng amoy. The smell of blood. My heartbeats fastens thinking i have to search the key to each one of these bloody bastards. Halos makahandusay ako sa pagalapit dahil sa dugo. Biglang anlamig nung kwarto habang kinakapa ko yung bulsa ng isa sa kanila. Alam kung wala silang magagawa sakin sa ganitong sitwasyon pero sobrang nakakatakot lang talaga.