They really look familiar.
I've been thinking about it since yesterday matapos silang ipakilala sakin.
I feel like i've already seen them somewhere and it keeps bugging me for the entire day.First day ko pa naman hindi na agad ako makapagfucos. Natanggap ako kahapon at ngayon nga ang first day ko.
Bago sila makapagsalita ay dumating na si lola at sinabing okay na daw at makakapasok na ako kinabukasan. Umuwi na kami pagkatapos kong ipakilala sina irish at irene kay lola. Tuwang tuwa nga kasi nagkaroon daw ako agad ng kaibigan.
Kanina nga pagpasok ko agad kong nakita yung dalwa nagboboyhunting daw sila kakatapos lang daw kasi ng midterm pang patanggal ng stress sa exam. Hinatid nila ako sa first class ko magkatabi lang naman pala classroom namin kaya sabay sabay nalang daw kami maglunch mamaya.
After class sabay sabay kaming pumunta ng canteen.
'Bakla bat di ka naimik?
Uncomfortable ka ba samin?
Kanina ka pang ganyan?'
Tanong ni irene sabay ikot ng mata. Mukhang naiinis sya sa pananahimik ko.'Duh kahapon pa yan ganyan. Di ka talaga observant.'
Naghilahan sila ng buhok. Anggulo talaga ng dalawang to.Natawa talaga ako sa kanila.
'Bruha ka!' Sabay hila sa buhok ko. 'Kailangan pa talaga namin magsabunutan bago ka matawa'.
'Hindi naman naaalala ko lang mga kaibigan ko sainyo. Magulo din sila katulad nyong dalwa.'
'Andun naman pala mga friendship mo bakit ka lumipat dito?'
Parankang tanong ni irene sakin. Natigil ako sa pagkain at tinignan sila.
'Hindi namin kailangan ngayon ang isat isa.'
'Aba bakla umaawra sa kdrama. Napanood ko na yan.'
'Drama mo naman girl. Change topic na ayoko ng madrama. Kakatapos lang ng exam. Ayoko ng eksena.'
Madramang pahawak hawak pa sa dibdib ni irish na tumigil na din sa pagkain.
'Buti pa nga. So girl yung pinakilala namin sayong tatlo hotdogs kahapon sinong bet mo? Ako bet si Marco.'
at nandilat ang mata sakin ni irish. Tinaasan naman sya ng kilay ni irene.
'Akin si marco babe kapal mo ako kinausap nya una kahapon e'.
At nagstaring contest na dalawa sa harap ko.
'Hoy baka kayo magkatuluyan nyan.'
Puna so sa dalawa at sabay na nandilat ang mata na at tumungin sakin na parang baliw.'OMGEEEE! no way. Bakla di kayang lunukin ng pagkababae ko ang sinabi mo.'
'Whut?! Kay marco babe lang ang ganda ko. Pinagsasabi mo?'
' Makikiagaw ka lang e.
Inunahan ka na nga namin. Eeksena ka pa.'
Exaggerated pa na baling sakin ni irene. At tumingin naman sakin ng masama si irish.'O.A nyo naman hindi ko type si marco. Wala naman akong nagustuhan sa kanila. Simple kong sagot at exaggerated na tumingin ulit sila sakin.
'Chooosy?! Kabago bago mo aawrahan mo talaga kami. Girl swerte natin kahapon kasi linapitan tayo. Biyaya yun friend biyaya!'
'Oo nga tatlo sila tatlo din tayo wala kang magagawa tigiisa talaga tayo pumili ka nalang except kay marco babe ko FO na tayo kapag nakiaagaw ka pa.'
Magkasunod na sinabi ng dalwa. Hays Wala na akong nasabi.
'Kung makasigaw ka naman friend. Agaw eksena ka lagi. Pinagtitinginan ang alindog ko dito naawkward ako para sayo.'
Sabay hila paupo ni irish kay irene.'Bakla paguusapan natin to mamaya, next class na. See you.'
Paalam nila sakin sabay beso.'Sige ingat kayo.'
'Sila ang magingat saamin.' Sabay pa nilang sagot paalis.
Pagpasok ko ng classroom tinginan agad sakin dali dali agad akong naghanap ng mauupuan sa likod. Ganito talaga pagbago umaawra daw sabi ni irish.
Pagtingin ko sa harapan may nakatingin na pala sakin. And I can't help but really feel awkward kung tama pagkakatanda ko sina marco at daniel sila at mukhang classmate kami ngayon.
Hindi nila kasama yung isa kahapon. Matangkad din yun matangos ang ilong matatalim na mata na kung makatingin akala mo ay alam nyang lahat ng sikreto mo.Andami ko palang napansin.
Ayoko sa kanya. Kahit sabihin na nating crush material sya.
Mga mukhang katulad nila yung mga kinukuha magmodel.
Sigurado akong kung nandito lang sina aubrey at mica kanina pa nagfangirl yung mga yun. Actually kasama pala ako. Kung hindi lang ako natutu.Nakangiti sila tumingin ulit sakin.
Gorgeous set of teeth huh?
Face?
Hair?
Lahat ata gwapo sa dalawang to. I wonder sa pangatlo.
If i remember it right his name is kael.
Kael huh?
He is the more familiar among the three.These two keep smiling at me. And i dont know what to do. I dont seem friendly yesterday. I kind of expecting them to back off. So what's with them being all smile to me again.
Wala naman siguro masama ngumiti celine. Wala ka na sa inyo. You can smile, laugh be friendly and carefree just the way you are. It woudn't hurt to smile back right?
So smile back.
Nagulat ako ng biglaan silang tumayo at lumapit at sabay pang naupo sa harap ko.
'Hi I'm marco. Hindi tayo nakapagkilala ng maayos kahapon. Natatandaan mo pa ba kami?'
'Tama si kael mukha ka ngang suplada. I'm daniel by the way. Kami yung pinakilala kahapon sayo nina Ice.'
So si kael nga yong pangatlo.
' Ah oo kahapon. I'm celine. Natatandaan ko kayo. Pero sinong Ice?'
Naguguluhan kong tanong hindi ko talaga kasi matandaan na may kilala akong Ice.
'Ah sina irish at irene Ice tawag namin sa knila pareho naman I yung first letter ng pangalan nila kaya Ice.'
Tumatango tango pang paliwanag ni daniel.'Ah okay.' Simple kong sagot. Wala naman kasi na akong sasabihin.
'You look familiar though. Kaya kami lumapit syo kahapon. Taga saan ka ba? Have we met?'
Tanong ni marco.Tinignan ko silang dalawa. So hindi lang pala ako.
Bago ako makasagot ng hindi pumasok na yung professor ata namin at nagsibalikan na sila sa upuan.
After class diretso na akong umalis though nakita ko na nagmamadali silang humabol sakin hindi ko na pinansin. Last class ko na yun sa hapon na to. Uuwi na ako. Bukas nalang kami magkita nina Ice.
They're curious. I knew it. But then life teaches me about boys. And I can say it really did a good job. I learned. And it was not fun nor good. It was never that thing.
"I was once sweet and innocent and then shit happened"