Nakasimangot akong nakipapagsiksikan para makalabas na sa party na to.
Hindi ko man lang nakita ang dalawa, pano kaya ako uuwi?
Papalabas na ako ng pinto ng biglang may humawak sa balikat ko at mabilisan pinasok ang kamay sa damit ko.
Sobrang kinabahan ako at nabigla kaya naitulak ko ang kung sinuman na bastos yun at nakitang tumilapon sa gilid at may nabasag na base.
Nakilala ko agad ang lalaking nakahandusay sya yung nasigawan ko kanina sa bar at matiim na nakatingin saakin at sabay din kaming tinignan ang paligid.
Madaming nakatingin na mukhang tinuigil ang mga ginagawa at pinanonood lang kami.I am mad.
Akala ko titigilan nya na ako. Ayokong makasakit pero hindi ko kasalanan ang nangyari at napapahiya sya ngayon.
Humanap lang pala ng tyempo para mambastos ulit.
Alam ko namang hindi dapat ako nandito.
I dont deserve this right? Huh!
Lalapit sana ako para pagsabihan sya pero masyadong madaming nakatingin kaya tumalikod ako at walang lingon na lumabas.
Pagkababa ko naman bumungad sakin sina Marco at Daniel na parehong may kaakbay na babae at gulat na gulat na nakatingin sakin.
Hindi na ako nagsalita naalala ko lang siya ulit pagkakita ko dito sa dalawa kay diretso akong naglakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Narinig ko ang boses nina Ice kaya lumingon agad ako sa pinanggalingan nito at ayun nga ay nagtatatakbong lumapit saakin. Buti naman nandito na sila.
Ayoko na dito.
"Bakla?! Anong eksena yun?"
"Okay ka lang ba?"
"Lasing ka na ba?"
"Anong nangyare?"
Sunod sunod na tanong nila na hindi ko pinansin dahil mas gusto ko nang umuwi.
"Gusto ko ng umuwi Ice. Pwede bang ihatid nyo nalang ako tapos saka nalang kayo bumalik dito? Tsaka bukas na ako magkukwento."
Tanging nasabi ako at matagal akong tinignan saka marahang tumango ang dalawa.
"Saan ang sasakyan mo Irish?"
Tanong ko pa kasi sya ang may dala saamin ng sasakyan.
"Ay oo nga pala friend, pinahiram ko muna kasi sa kaibigan ko mamaya pa yun mababalik ng mga 2. Hindi ko naman kasi alam na may ganitong eksena."
Nakokonsenyang tinitignan ako ng dalawam 12 palang 2 hrs oa ako maghihintay. Tumango nalang ako. Dito nalang ako sa labas. Mas okay naman dito kesa sa loob tsaka nasa loob ang party wala dito so technically wala ako sa party.
"Sige maghihintay nalang ako dito basta bumalik kayo agad ah-
Pinutol agad ako ni Irish at sinabing."Wait lang may alam akong makapaghahatid saatin, saglit lang ah hanapin ko lang andito lang yun e."
At nagmamadaling naglakad papunta sa loob ng bahay. The party continues like nothing happens.Better.
"Friend okay a lang ba?" Nagaalalang tanong ni Irene habang nakatingin pa saakin.
"Oo naman pagod lang ako, tara upo muna tayo?"
Sabay hila ko sa kanya sa nakitang kong upuan. Nasa garden pala kami.
Kaya tahimik."Bakla walang iyakan masisira make up ko buti ka kasi uuwi ka na ako di pa wala pa akong maiuuwi e" puna nya saakin at hinaplos haplos pa ang buhok ko.