Nandito ako ngayon sa apat na sulok ng kwarto ko umiiyak , nag mumukmok at nakayuko.
Im just thinking kung bakit nangyayari sakin to? Wala naman akong ginagawang masama nag mamahal lang ako ng mga taong nasa paligid ko.Masama ba ako? Masaya naman ako dahil until now na sa tabi ko pa din si arky kahit na hindi asawa ang turing niya sakin. Kailan ko pa ba mararamdaman yon? Kailan pa.
Nakatulog ako sa pagiisip ko.
Pero hindi padin ako tumatayo , nawawalan ako ng gana harapin ang labas.
Parang mas gusto ko nalang dito. Ako lang at wala ng iba ,tahimik at walang ingay.Nilock ko ang pinto ko. Sinara ko ang bintana ko at binaba ang kurtina , pinatay ko din ang mga ilaw. Gusto ko lang ng madilim dahil ganto naman talaga ang buhay ko. Wala ng liwanag puro sakit at problema nalang. Mas gusto ko nalang mapag isa yung tipong walang taong makakakita sakin.
Tumingin ako sa orasan ko sa side table. It's 12:00 Am na, gusto ko nalang itulog ang lahat.
7:00am
Nagising ako as usual wala akong gana ayokong tumayo gusto ko lang mag mukmok.
Gusto kong takasan lahat lahat ng sakit sa dibdib ko. Lahat ng iniinda ng buhay ko,
Eto nanaman ako umiiyak.
Ayokong lumabas ng kwarto ko, narinig ko si Arkey na sumisigaw. Tinakpan ko ang mga tenga ko,"Hoy babae. Gumising kana diyan wag kang buhay prinsesa!" Sigaw niya at kumakatok pa.
Hindi ako sumagot tanging iyak lang ang nagagawa ko.
"Open this damn door!" sigaw niya pa.
Hindi pa din ako nag reresponse.
Ayoko ayokong mag salita.Hindi niya mabubuksan ang kwarto ko dahil kinuha ko ang duplicate. Nasa akin ang original key at duplicate key.
Halos 2 weeks na akong ganto.
Minsan lang ako lumabas ng kwarto ko, napapansin ko din na nangangayayat na ako.
Hindi ako masyadong lumalabas ng kwarto ko,To be coninueeee
BINABASA MO ANG
A Battered Wife
RomanceNa sakin na ang lahat. Ang lalaking hinahangad ng karamihan sobrang saya sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo diba? Nawala ang aking mga magulang at eto ako ngayon hindi pa din nag iisa. Mas lalo akong minahal ni Ark at halos hindi ko maramd...