Hindi ako makapaniwalang nasabi niya yun sakin. Kala ko ganon lang kami pero ngayon gusto niya ng umalis ako dito.
Ang tanga tanga mo kasi ems kung nag tiis kana lang edi sana andito ka pa ngayon kasama mo pa siya.
Sabi ko sa sarili ko.Nag impake ako. Kinuha ko ang mga gamit ko inilagay ko lahat sa maleta ko. San ako pupunta ngayon? Wala na akong parents patay na sila 5 years ago. Si carl nalang ang pag asa ko pero ayoko. Ayokong malaman niya ang nagyayari sakin ngayon.
May pera pa naman ako. Mag rerent nalang ako ng apartment at mag hahanap ako ng trabaho.
Umalis ako sa kwarto ko. dala dala ko ang mga gamit ko.
Nakita ko si Ark na naka tayo sa gilid ng pinto niya.
Naglakas loob akong kausapin siya."ark. Ginawa ko ang lahat para sayo para maging isang asawa mo. Kung naniwala ka lang sakin sana hindi tayo nag kaganito, sana masaya pa din tayo. Hayaan mo kung ito ang makakapag pasaya sayo. Gagawin ko, sorry kung mga nakaraang araw masyado akong nawala sa sarili ko kase i just want to fulfill the happiness na nawala sa pagkatao ko. Gusto kong kalimutan ang lahat lahat ng masasakit na nangyayari sakin.
At kay Jane i know masaya na siya because she's sucessful to ruin our relationship. I hope na sana gumising na si tita" Saad ko na lumuluha. Mag hihintay sana ako ng sasabihin niya pero kahit ni isang salita ay wala akong narinig nakatingin lamang siya sakin dahilan para mailang ako at makaalis na.Binuksan ko ang compartment ng kotse ko at doon ko nilagay ang maleta ko.
Saka ako sumakay sa kotse at bago ko paandarin ay tumingin muna ako sa bahay.
"I love you Ark and i Always do" bulong ko habang umiiyak.Nag drive lang ako ng nag drive nawawala ako sa sarili ko. Bakit niya ba nagagawa sakin to, Bakit ba niya ako ginaganto. Kung mahal niya ako diba dapat may tiwala siya pero hindi. Umiiyak kong bulonh habang nag dridrive.
Sa sobrang labo na ng mata ko dahil sa kuha hindi ko napansin ang truck na pasalubong at paikot sakin. Huli na para maipreno ko, at everythings went black.To be continueee
BINABASA MO ANG
A Battered Wife
RomanceNa sakin na ang lahat. Ang lalaking hinahangad ng karamihan sobrang saya sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo diba? Nawala ang aking mga magulang at eto ako ngayon hindi pa din nag iisa. Mas lalo akong minahal ni Ark at halos hindi ko maramd...