KABANATA 1

3.6K 87 0
                                    

Pakialamero

Isinara na nya ang libro at huminga ng malalim. Sa wakas ay natapos nya na ang kabuuan ng istoryang iyon sa loob lamang ng isang araw. The whole plot made her really excited about everything kaya wala syang nagawa kundi ang tapusin ang bawat pahina ng librong iyon. Ngayong tapos na nya iyon ay pakiramdam nya isa iyong napakagandang bagay.

"Hanggang dito ba naman, Sharlene?"
Hindi makapaniwalang kausap sa kanya ng kaibigan nyang si Mariko. Nakabusangot na ito sa harapan nya na parang alaga nyang pusa na nanghihingi ng atensyon.

"Why?"
Natatawa nyang tanong kahit alam nya na kung ano iyon.

Hinawi nito ang buhok na mahaba at maalon.
"Palagi ka nalang nakatutok dyan sa libro mo. Kahit nasa kwarto mo tayo yan lang ang kaharap mo na para bang wala kang kasama rito."
Mariko's long brown hair was down on its back and shoulders. Nagmukha itong manika sa paningin nya habang nanunulis ang mga labi.

"Sorry na. Tapos naman na to e."
She smiled apologetically to her friend while fixing her reading glasses on the bridge of her nose.

Hindi naman sya totally nagsasalamin kapag hindi sya nagbabasa. Minsan talaga ay blurry ang paningin nya sa sobrang maliliit na letra kaya nagpagawa sya ng salamin na ginagamit only for her reading sessions.

"Ngayong tapos ka na, maaari na ba tayong kumain?"
Ngumisi na ang kaibigan nya at mabilis syang tumango rito.

"Sure."
Tumayo na sya at agad na isinukbit ang bag sa kanyang balikat at kinipkip ang libro sa dibdib. Inayos nya ng konti ang kanyang damit na bahagyang nagusot at tuluyan ng naglakad at sumunod kay Mariko.

"San tayo kakain?"
Habol nya dito. Mariko only looked at her and smiled.

"We're heading to the School's canteen. Bilisan mo ngang maglakad."
Halakhak nito at mas binilisan pa ang hakbang kaya tuluyan ng lumayo ang agwat nila ng kaibigan nya.

Agaran naman nyang binilisan ang lakad. Naaawa sya sa kaibigan dahil baka gutom na talaga ito at gustong gusto ng kumain kaya naman heto at nagmamadali na para bang mauubusan ng pagkain sa canteen.

Pakiramdam nya ay malalaglag ang libro nyang yakap kaya hinigpitan pa nya ang hawak dito at binilisan pa ang lakad.

"Wait---"
She felt her body and shoulders fell when she realized she bumped into someone.

Marahas ang paghatak ng kung sino sa lalaking nakabangga nya at agad na iyong nakwelyuhan ng isang pamilyar na tindig.

"Watch where you goin', Idiot!"
Malakas na sigaw sa mukha ng lalaki sa nakabangga sa kanya. Napairap nalang sya.

Tumayo sya at inayos ang pagkakahawak sa kanyang libro at inayos ang kanyang bag sa likod bago pinagpag ang damit at mabilis na lumapit sa dalawang lalaki. The guy who accidentally bumped into her looked so scared of the tall man who is now angrily holding his collars. Nilingon nya ang nagbabagang tingin ng lalaki sa nakabunggo sa kaniya.

"Let go of him."
Mariin nyang utos dito.

Nilingon sya nito ng hindi binibatawan ang kwelyo ng kaharap.

His dark brown eyes are now looking at her with disbelief.

"What?"
Sambit nito ng hindi makapaniwala sa kanya.

She lazily tucked the loose strands of her hair before taking one step closer.

"I don't like repeating myself, Donato."
Malamig nyang kausap dito at sya na mismo ang nagtanggal ng kamay nito sa kwelyo ng lalaki.

Donato only looked at her after finally releasing his hands on the man's collar. Sa kabila ng nakakasindak na tangkad nito ay mararamdaman mo ang nagsusumigaw nitong pagkabigo.

To Love Someone (SharDon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon