KABANATA 12

1.5K 52 2
                                    

Confused

Wala syang pinagsabihan tungkol sa sinabi sa kanya ni Donny. Maging ang kanyang kaibigang si Mariko na tumawag din sa kanya noong hapon matapos umuwi si Donny ay hindi nya masabihan tungkol sa mga nangyari.

Matapos sabihin sa kanya ni Donny na hayaan nya lang ito ay hindi na sya muling nakaimik. Maraming tanong ang bumagabag sa utak nya at sa sobrang dami nun ay hindi nya na alam kung ano ang una nyang sasabihin.

Donny went home after a few minutes; ni hindi nya man lang ito naihatid sa labas. Masyado syang nagulat sa lahat ng nangyari kaya ng magpaalam ito ay tanging tango lamang ang kanyang naitugon. Donny kissed her on the forehead then walked out of their door disappearing like smoke and leaving her to wonder if it is all dream or not; na sana ay panaginip nalang para  makalimutan nya na din iyon kung magising man sya.

Ang totoo nyan ay hanggang ngayon ay wala parin syang maintindihan at sa sobrang pagkalito nya sa lahat ng nangyari ay isa lang ang pumasok sa utak nya.

That Donato Antonio Pangilan likes her. Dahil iyon lang naman ang sinabi nito. Hindi daw ito nanghahalik ng babaeng hindi nito gusto at kusa narin iyong lumabas sa bibig nito.

The kiss that made her forget a lot of things. Sa mga nobela na minsan ay nababasa nya sa kaunting pagkakataon; sa telebisyon at teleserye; sa mga post sa facebook at sa mga tao sa paligid nya maging sa mga magulang nya; ang ganoong klase ng bagay ay hindi normal na gawain ng magkakaibigan.

Sure. You can kiss your friend on the forehead, cheeks, nose or hair but definitely not on the lips. Mas pagkakaiba parin ang intimacy between friends and romantic partner.

Romantic? What?

Sa gabing iyon ay hindi sya makatulog. Papalit palit na sya ng pwesto sa kanyang kama at nagawa nya naring mahiga sa carpeted floor sa sahig ng kanyang kwarto ngunit kahit kaunting pagkaantok ay hindi dumalaw sa kanya.

Hindi pa naman ganoong kalate sa gabi pero pakiramdam nya ay hindi talaga sya makakatulog buong gabi. Hindi sya mapakali, hindi sya mapirmi. Her erratical heartbeats are really bothering her. Hanggang ngayon ay hindi parin sya makaget over.
She stared at her door like it would help her calm down but she failed to her own attempt.
Sinabunutan nya ang sarili sa inis. She kicked her legs violently and stopped when her phone beeped.

Kinuha nya  ang kanyang cellphone sa carpeted floor sa tabi nya lang. Her eyes widened when she read the notification.

donny_pangilinan: I missed you.

She didn't open the message. She didn't know what to say. How she would react and approach Donny. Tumayo nalang sya sa carpet floor at pumunta sa study table para kunin ang laptop nya. Binuhay nya iyon habang naglalakad pabalik sa pwesto nya kanina. He place the laptop on the carpet at dumapa sya bago mabilis na nag log in sa twitter.

Unang bumungad sa kanya ang tweet ni Donny na Let me in your heart.

Tinitigan nya iyon at hindi nya matandaan kung paano lumabas ang tweet nito sa feed nya ngayong hindi niya naman ito nifollow. But she sighed whe she realized she did follow Donny whe they became friends.

Nangulit ito isang beses sa kanya na dapat ay ifollow nya daw ito dahil friends na sila kaya para matahimik na ito ay ginawa nya iyon. She still didn't reply to any messages from Donny on social media even if she already followed him. Donny followed her a long time ago na daw.
Iniscroll nya ulit ang kanyang feed pataas at may nakita na naman syang tweet nito.

Your lips are the softest thing that my lips ever touched.

Natulala na naman sya at tiningnan ang kanyang telepono. Itinaas nya iyon at pinagmasdan ang kanyang mga labi at napabuntong hininga na naman.
Umilaw ang kanyang cellphone at nakita nya ulit ang isang dm ni Donny.

To Love Someone (SharDon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon