KABANATA 26

1.3K 41 8
                                    

My

6 years later

"Bye Ms Sharlene! Mag-iingat ka!"
Kumaway sa kanya ang kanyang kapwa teacher na si Mrs. Gregorio. That would be her last day in the school.

Right. She became a teacher. Eventually, she got to love what she's studying in a way that it got deeper that she wants to teach those unfortunate ones. Nagtuturo na sya sa isang public school na sa kasalukuyan ay iiwan nya na din dahil balak na nyang gawin ang isang bagay na matagal na nyang ninanais. Ang maging isang volunteer teacher.

Hindi lingid sa kanyang mga kapwa guro ang kanyang plano at ang kanyang adbokasiya pagdating sa kahalagahan ng edukasyon. Hindi nya alam na aabot sya sa puntong gugustuhin nyang talagang i-career ang pagtuturo. She graduated as the top of her class. Then she applied to a public school in Davao to have an experience of teaching for students in a usual community.

Masaya sa pakiramdam na nakakapagturo. It was an overwhelming feeling. Iginugol nya ang buong anim na taon sa Davao para mas lalo pang hanapin ang sarili. She realized she's been really caged into her room that she was literally afraid of people kaya naman ang buong akala nya ay kilala nya na ang halos lahat ng tao sa mundo kagaya ng madalas na pang-iistreotype nya sa mga nobelang nababasa nya.

She realized that she came to meet a lot of people on her vicinity that is sometimes meant to destroy her just to build herself up for her to became another beautiful art. Nawawasak ang tao at nabubuo. Minsan ay mga taong tumutulong sa'yo para mas unti-unti ka pang mabuo.

"Shar,"
Malawak ang ngiti sa kanya ni Jairus na nakasandal sa kotse nito. Mukhang kanina pa ata ito naghihintay sa kanya.

"Ang aga naman natin, Mayor."
She joked. Mas lalo lang itong nangisi sa kanya. He raised his brows at ibinuka nito ang kamay sa ere na tila naghihintay sa kanyang yumakap. Agad syang tumalima at sinunggaban din ito ng yakap. Naamoy nya na naman ang pamilyar nitong bango.

"Kanina ka pa?"
She asked still not breaking the hug.

"I just got here,"
His laugh vibrated on his chest. Narinig nya rin ang malakas na kabog ng dibdib nito.

She knows it.

Agad nyang dinala ang mga daliri sa dibdib nito at kinurot ang nipples nito. She heard him said "ouch" at saka lang sya umalis sa yakap at nauna nang sumakay sa kotse nito.

Pinaharurot ni Jairus ang kotse nito at nagtungo sa madalas nilang kainan. Iyong restaurant na kinainan nya kasama ang mga kaibigan ni Niks ng ikalawang araw nya sa Davao.

"We are late. They're all probably waiting for us."
Jairus chuckled at tumango na sya at lumabas na ng kotse nito.

Sa pagtulak palang ni Jairus ng pintuan ng restaurant ay rinig na nya ang ingay sa table na madalas nilang pinarereserve. Nakita na nya ang hagikhik ni Cam at ni Jena maging ang dalawang kambal na nagbubulungan sa madalas nitong mga pwesto. They became all of her friends. Solid friends that she can always call to hang-out with. May mga naging kaibigan din naman sya ng nag-aral sya pero halos lahat sa kanila ay busy na sa kani-kanilang mga karera sa buhay. Kahit din naman sila ngayon. Ang dalawang kambal na mismo ang may-ari ng restaurant na ito dahil 3 years ago, muntik na talagang ipasara iyon kung hindi lang nagdesisyon ang dalawa na saluhin at ipagpatuloy which ended up flying again better than before. Jena became a model. Nakapagtapos man ito ng kursong Psychology ay mas pinili nito ang magmodelo at magbukas ng isang clothing line kasosyo ang isa pa nilang kaibigang si Cam na sa ngayon ay ang tumatayong co-owner at presidente ng clothing line na iyon. Jena doesn't like to manage dahil mas gusto nito ang magdisenyo at magmodelo. Samantalang si Cam ay more into business at very practical when it comes to profit. They are both the perfect combination. May tagapamahala at may taga-endorsyo. Nikki on the other hand is now handling her family's business.

To Love Someone (SharDon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon