Hurt
Her first day teaching was good. They had no proper classroom and they only settle under the shade of a tree. Hindi iyon ang kanyang nakasanayan pero sa kaibuturan ng kanyang puso, masaya sya. She enjoyed teaching her new class that is more cheerful than her usual highschool students. Everyone is attentive. Hindi kagaya ng mga estudyante nya minsan na lantaran ang ginagawang pagtulog sa kanyang klase.
"Ma'am Ganda, inom po muna kayo."
Alok sa kanya ng kanyang estudyanteng si Jimboy. Nilingon nya ito at nginitian. Ang mataba nitong pisngi ay mas lalo pang lumobo ng ngumisi ito sa kanya. Inilahad nito sa kanya ang bote ng mineral water."Salamat, Jimboy."
Pagpapasalamat nya.Ginulo nya ang buhok nito. Nakita nya ang pagpula ng pisngi ng bata. He's just too cute.
"Ma'am, tulungan ko na po kayo."
Magalang na kausap nito sa kanya.Hindi nya mapigilan ang ngiti. She didn't bring a lot of stuffs today. Ang tanging dala lang nya ay ang sarili at ang kanyang maliit na pouch. May mga chalck narin naman doon at maliit na blackborad. Hindi na din naman nila kailangan ng pormal na powerpoint presentation dahil naisip nyang mas magandang ideya na turuan nya ang kanyang mga estudyante sa mas tradisyunal na pamamaraan.
"You sure?"
Tanong nya dito na kaagad naman nitong tinanguhan. She gave him her pouch at inayos na ang sarili.Sinikop nya ang kanyang buhok para maitali iyon. Nirolyo nya ang kanyang buhok sa isang bun at pinaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Init na init na sya mabuti nalang ay nakadagdag ang sariwang hangin sa pagpapaginhawa sa kanyang pakiramdam. Nakaligo din naman sya kinaumagahan matapos ang pangyayaring naganap noong gabi. Donny told her that it's not the only place to bath. Mayroong inilaang maliit na palikuran para sa kanila upang makaligo at makadumi; exclusively for women. Hindi nga lang iyon ganoon karangya dahil ano pa ba ang aasahan nya ngayong nasa kabundukan sila. It was just like a simple bathroom na may pintuan. Just a small place with a toilet bowl with a large drum at ang tinatawag nilang tabo na pangsalok ng tubig. De buhos din ang toilet bowl kagaya narin sa ibang restroom na nagagamit nya sa public school. She is aware of it, kahit sa tabo, but she's not usually using it.
Hinawakan nya ang kamay ni Jimboy at nag-umpisa ng maglakad. Ihahatid nya nalang siguro ito sa evacuation area. Isang malaking covered court ang ginagawang tulugan ng mga nasalanta ng bagyo doon at ang iba ay nasa eskwelahan na nasira din. Luckily, mayroon pang matayog at hindi naitumba ng bagyo na mga pasilidad at rooms kaya ang mga taong hindi nagkasya sa court ay doon naglagi.
"Saan ka ba, Jimboy?"
"Sa eskwelahan po."
Mabuti nalang at malapit lang pala ang tinutuluyan nito. She doesn't need to go farther. Kaunting lakad lang ay narating na nila ang eskwelahan.
As usual, almost everything was a disaster. Ngunit may mga ilang nakatayo parin at maaari pang pakinabangan.
"Salamat naman kung ganoon, Engineer. Nahihirapan narin kami sa ganitong sitwasyon. Wala ng bahay at wala narin ang eskwelahan ng mga bata."
She heard someone said."Walang anuman po. Sisimulan na po namin kaagad ang pagpaplano sa pabahay. Ganoon din po ang sa eskwelahan."
Donny politely said."Nanay! Nanay! Nakauwi na po ako! Inihatid po ako ni Ma'am!"
Hinila sya ni Jimboy at wala syang nagawa. Ilang saglit lang ay nasa harapan na sila ni Engineer Pangilinan at ang nanay ni Jimboy na parehas ng nakatingin sa kanya.Nag-iwas sya ng tingin kay Donny. Tiningnan nya ang gawi ng nanay ni Jimboy at ngumiti sya dito. The mother genuinely nodded her head and smiled a little.
BINABASA MO ANG
To Love Someone (SharDon)
FanfictionSharlene San Pedro is just a girl with no interest in having relationship in anyone at all. Even the hottest guy in school; Donato Antonio Pangilinan who's willing to do anything to tame her because she's exception in having the hots for him couldn'...