KABANATA 3

1.8K 58 0
                                    

Girl

Tumigil na din sa pangungulit ang kaibigan nya. Wala naman itong magagawa dahil di sya napipilit ng kaibigan lalo ka kapag ayaw nya talagang magkwento; it's not like kakwento kwento naman ang nangyari.

"Good job guys! Makakapasa na tayo!"
Halakhak ng lider nilang si Hazel. Nagpaalam na ang mga ito habang kanya kanyang sukbit sa kani kanilang mga bag. Natapos na din kasi nilang pagplanuhan ang gagawing roleplay sa isang major subject. It's their final output and presentation for the midterms. Masyado ding competitive ang mga kasamahan nya ngunit hindi nya iyon prinoblema. Malaking hatak din kasi iyon sa grades at mas maganda ng sigurado.

Mariko is absent for today. Matapos itong mangulit sa kanya noong nakaraan ay nagkaflu ito ng biglaan. Masyado siguro talagang maharot ang kaibigan at kung ano anong sakit ang nasasagap. Pinadalhan nya narin ito ng mensahe kaninang umaga na uminom ng gamot at magpahinga.

Gagaling din iyon.

She can't help but smiled. Alam nyang walang sakit ang nakakapagpatumba sa kaibigan. Sayang lang din kasi at mag-isa sya ngayon, kahit gusto nya din iyon ay namimiss nya parin ang pagiging madaldal nito.

Naisip nyang pumunta ng library para matulog ng kahit saglit para sulit naman ang isang oras na free cut. Naglakad na sya ng tahimik.

Mahina at tamad ang kanyang mga hakbang. Nakayuko ng bahagya ang kanyang ulo habang nakikita nya ang mga pares ng mga paa sa kanyang dinadaan. Binilisan nya ang lakad.

Sa hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan ay naririnig nya ang mga babaeng impit na nagtitilian sa lugar tungo kung saan sya papunta. Hindi nya alam kung anong meron ngunit nailing sya at napapalatak na lang. Kahit ano pa iyon ay wala syang balak alamin.

Kinuha nya ang kanyang cellphone at earphones para isalpak iyon sa kanyang tenga at ng wala na syang marinig.

Her mp3 player is playing Paraan by Mayonnaise. She hummed as she enters the library.

Matapos syang mag log in ay mabagal nyang nilakad ang pasilyo at pumasok na sa bawat espasyo ng mga bookshelves.

Sumulyap sya sa mga libro at binasa ng tahimik ang mga title habang naglalakad sa dulo ng mga bookshelves.

Natapos ang tugtog sa kanyang player at wala ng sumunod na kanta doon pero hinayaan nya lang na nakalagay iyon sa kanyang tenga at nagpatuloy.

"Come with me tonight, babe."
She heard a very womanly voice that made her stop from her steps.

Ang boses nito ay napakalambing na parang may hinihingi at tila nagmamakaawa.

"Sure. What do you want to do?"
The low voice made her frown as she decided to step forward.

She realized that the voices are coming from where she is about to go. Hinayaan nya lang ang mga ito. Base narin sa dinig nya ay mukhang di rin ang mga ito magtatagal. The two of them are only here to flirt and technically not to read or sleep. She rolled her eyes.

Mga kabataan ngayon.

"Ayos na ang kahit ano. As long as I'm with you."
Hagikhik ng babae.

"Anything? You sure?"
The voice became raspy and sexy and she's feeling like she heard that voice somewhere in her mind.

Konting hakbang pa ay nasulyapan nya na ang uniporme ng babae na masyadong maikli ang cut ng skirt at ang dalawang pares ng mga binti doon. The one pair of flawless legs are for the girl with short skirt and the other long pair of legs are for the guy.

Itinaas nya ang kanyang ulo habang patuloy ang kanyang hakbang. Her heart literally got shocked the moment she saw who are those people.

Her widened eyes and shocked heart are immobile for a while as Donato Antonio Pangilinan lifted his gaze to look at her direction. Kagaya nya ay nagulat ito pagkatapos ay tila napapasong inalis ang kamay na nakapahinga sa maliit at makurbang bewang ng kasamang magandang babae. Umatras din ito ng bahagya palayo sa kasama.

To Love Someone (SharDon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon