KABANATA 38

1.6K 48 2
                                    

Ready

Mabilis ang ginawa nyang hakbang. Her heart was beating loudly at the sight of Donny outside his car. Nakasandal ito doon at mukhang kanina pa sya hinihintay. She saw relief from his eyes when they immediately met each other's gaze.  Gusto nyang maiyak. She did what she needed to do. Hindi nya na nilingon ang cafe kung saan sya nanggaling. She's afraid she might get guiltier.

Nakita nya ang pagtuwid nang pagtayo ni Donny. His crossed arms loosened. Mabilis nito iyong ibinuka para hintayin ang sungab nya ng yakap. With that, mabilis nyang ginawa iyon.

"How did it go?"
Malumanay na tanong nito sa kanyang tenga. Hinalikan nito ang kanyang buhok at malambing na hinaplos ang kanyang likod. She felt him crouched down to reach her. Isinubsob nya lang ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib.

"Not fine. Hurting someone's never fine with me."
She sobbed.

"At least you made it clear. You've  been honest. Sa tingin mo ba kapag pinatagal mo pa iyon ay hindi mo sya mas masasaktan? You just saved him from getting more hurt."
He whispered. Inilayo nito ang kanyang ulo na nakapahinga sa dibdib nito at sinulyapan sya.

Maingat nitong pinalis ang mga luha sa kanyang mga mata He even kissed her eyes after that. The soft gaze his giving her made her feel warm inside. Nalusaw nito ang pangamba nya at napalitan iyon ng ginhawa. Paano nito iyon nagagawa?

She called Jairus for them to meet. Nais na nya itong kausapin para maayos narin ang lahat. She knows she made a mistake when she just walked away with Donny. Dapat ay tahasan na nyang sinabi iyon dito. Dapat ay hindi nya na pinalipas ang ilang gabi para kausapin ito. Jairus had been one of her realest friend. Naroon ito para sa kanya kahit ano man ang mangyari. Naging sandalan nya na ito sa halos mahabang panahon. Hurting someone as special and important to you felt terrible. But she had no choice. Para sa kanya ang piliin ang totoo ay tama. Dahil iyon ang dapat na ipinamamalas at ipinakikita.

Jairus already expected her rejection. Naging totoo din ito sa kanya na nasaktan ito. He said he needs time to accept it but they are still friends. She wanted to say that she's going to get married with Donny but before she could tell him that ito na mismo ang unang nag-congratulate sa kanya. He said he wanted to come to her wedding but he couldn't. Pupunta daw ito ng New York para sa isang exhibit na gugululin doon ng higit na ilang buwan dahil mag-uumpisa palang itong magpinta. Hindi nya alam kung umiiwas ba ito sa kanya ngunit nagpapasalamat sya at masaya ito sa kanya. She couldn't forget the last words he said to her.

"I want to see you happy. I want to witness that. But probably not now, Shar. I am still hurting. I'll see you after I am done with my thing on New York. I'll see you. Take care and be happy. I'll miss you."
Ngumiti ito sa kanya ng malungkot. She wanted to hug her friend but she chooses not to.

"Baby?"
Napalingon sya at hinanap ang nag aalalang mukha ni Donny sa driver seat. Kanina pa ata sya nagsspace out.

"Are you okay? Nandito na tayo."
Tanong nito sa kanya. Agad naman nyang sinulyapan ang labas ng kotse. Nasa harap na sila ng bahay ng mga Pangilinan.

Mabilis syang bumaba ng kotse at pumasok na kasama si Donny. Hawak nito ang kanyang kamay nang matagpuan nila sa living room ang mga kapatid nito na busy sa paglalaro ng videogame.

"Ate Shar!"
Nangisi agad sya ng halos tumalon sa sofa si Solana upang agad syang lapitan. Ngayong medyo nagdadalaga na ito ay nakikitaan nya na ito ng pagkakapareho ng features ni Donny. They really have beautiful genes. Ang morena nitong balat at ang magagandang labi ay tila nagsusumigaw ng dugong Pangilinan. Soon, she will be one and probably they would have a new one. Someone who looks like Donny and her at the same time. Ipinilig nya ang ulo sa pumasok na ideya sa kanyang utak. She's not yet sure if she's ready. Masyado ata syang excited at pumayag sa lahat ng gusto ni Donny na maikasal silang kaagad na dalawa without knowing what is going to happen after.

To Love Someone (SharDon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon