KABANATA 5

1.8K 58 0
                                    

Sasama

"Come here, Cloud."
She called her white cat and it immediately purred; slowly walking from the edge of her bed to her lap. Hinimas nya ang makakapal at maputing balahibo nito habang nakapahinga ito sa kanyang kandungan.

She got home earlier than usual. Her mom and dad are still not home. Clark; her younger brother is still at school. Mabilis lang syang nagpalit ng uniporme at agad ng dumiretso sa kanyang kama.

"I missed you, Cloud."
Kausap nya sa pusa nya na sinagot sya ng ingay na likha nito.

Hindi nya alam kung nakauwi na ang kasama nya kanina o pumunta pa ito pabalik ng school. Matapos silang kumain ay iniwan nya na kaagad ito. She shuts down his idea of taking her home. Mahirap ng magpaliwanag sa kanyang mga magulang kung sakaling  nakauwi ang mga ito ng maaga na nagpahatid sya sa taong kakakilala nya lang sa school. Donny waved at her smiling and telling her to text him when she gets home; as if she had his number and as if she would asks for it. Kung makaasta  ay parang pumayag na syang tanggapin ang pakikipagkaibigan nito.

Hindi nya alam ang sagot doon. Bilang isang indibidwal na hindi ganoong nakikipagkaibigan at mapili sa kinakaibigan ay hindi nya alam kung tama bang tanggapin iyon. For her isn't something you asked for, kusang ibinibigay iyon. Hindi iyon pinag uusapan na parang deal or kasunduan na para iyong bind sa isang business deal.

Sa mga oras na iyon ay isinawalang bahala nya ang sinabi at pinag-usapan nila nito. Tutal ay aminado naman syang hindi nya pa alam ang gagawin at maaring itugon.

Ipinilig nya ang kanyang ulo sa pagbabakasakaling maalis lahat ng isiping iyon sa kanyang utak. Nagpasya syang abalahin na lamang ang sarili sa pagpapakain at paliligo sa kanyang pusa.

Bumaba sya bitbit ang alaga sa kanyang dalawang bisig at bumaba na sa kanyang kwarto. Dumiretso sya sa kusina at kinuha sa ilalim na cabinet ng kanilang kusina malapit sa kitchen sink ang pagkain ng kanyang pusa at inalagay iyon sa bowl nito na may pangalan ng kanyang alaga.

Cloud.

She looked at how her cat slowly eat its food. Mukha itong gutom pero mabagal parin ang ginawa nitong pagkain.

"Ate? You're home already?"
Narinig nya ang pagbukas ng kanilang pintuan at ang pagtawag sa kanya ng kapatid mula sa pintuan.

Tumayo sya at iniwan ang kanyang pusa. Naglakad sya papunta sa kapatid. Her little brother is still on his uniform at malaking bag na may tatak na spiderman.

"Yes. Anong oras daw ba uuwi sila Mama? Hindi ka nila sinundo?"
Kausap nya sa kapatid habang pinagmamasdan itong sumalampak sa kalapit na sofa at na ngayon ay nagtatanggal na ng sapatos.

"Nope. May sumundo sakin. Don't worry ate. Kilala mo sya."
Maligayang sagot sa kanya ng kapatid. Kumunot ang kanyang noo.

Sometimes, she would ask Mariko to fetch her little brother from school lalo na kapag wala ang kanyang mga magulang para gawin iyon at may kailangan pa syang asikasuhin sa school at kapag pinauuna nya na lamang ito para makiusap na sunduin ang kanyang nakababatang kapatid.

"Okay. Kumain ka na ba?"
Tanong nya dito.

"Yes Ate. Your friend took me to a fancy restaurant! Busog na busog ako!"
Hinawakan pa nito ang  tiyan na para bang sayang saya ito at sarap na sarap sa nakain nito sa kung saan kainan man iyon.

Napangiti sya. Hindi nya alam kung magseselos ba sya sa kapatid at sa kaibigang si Mariko dahil sobrang close ng mga ito. Pero nagpapasalamat sya sa ginawa nito para sa kapatid at para narin sa kanya.

"I'll be upstairs Ate. I need to do my homework. Call me when Mama and papa arrives."
Clark stands up from the couch. Lumapit ito sa kanya at hinalikan sya sa pisngi bago bibong umakyat sa hagdan ng kanilang bahay sukbit ang bag nito sa balikat.

To Love Someone (SharDon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon