KABANATA 21

1.5K 43 1
                                    

Love

"Wag ka munang bumaba."
Donny said before getting something at the backseat and then out of the car.

Sinundan nya ng tingin ang pag ikot nito patungo sa pintuan ng passenger seat ng kotse nito na bababaan nya. She only looked at him still unable to move because of the uneasiness.

Nasa may harapan na sila ng building na tinitirahan nito kaya naman ng buksan na nito ang pintuan ng kotse ay agad itong naglahad ng kamay na agad nya din namang ibinigay ang kanya para maalalayan sya nito pababa.

Maingat ang ginawa nyang paggalaw at ng tuluyan nang makababa ay pinigil ni Donny ang kanyang paglakad paalis at pinanatili sya sa kanyang kinatatayuan hawak ang kanyang bewang at hindi pa sinasara ang pintuan ng kotse dahil nakaharang pa sya at ang matayog nitong bulto.

"Donny, ano? Hindi pa ba tayo aakyat? I'm dizzy."
She said.

She heard Donny exhaled and then she felt him crouched and leaned like hugging her. Napaatras sya sa biglaang galaw nito at naitaas nya pa ang kanyang mga kamay at ang kanyang mga mata at bibig ay literal na namilog sa gulat. Aalma na sana sya sa napakaweirdo nitong kilos dahil sa dami ba naman ng lugar na pwede nitong gawin iyon at sa oras na iyon ay ito pa ang napili nitong gawin.

But she didn't get to talk when she realized that Donny isn't really in the idea of hugging her but only to put the jacket on her waist. Tinali nito iyon.

"I bet you got stains. Medyo natagalan akong bumili e."
Sabi pa nito at nag angat na ng tingin sa kanya.

She met his beautiful eyes. His soulful eyes that always made her heart melts with unexplainable joy. He really makes her feel something she's always not familiar with.

Pumaere ang mahahaba at malapat na kamay ni Donny para magtungo sa buhok nyang alam nyang magulo. Hinawi nito ang mga hibla palayo sa mukha niya at inipit iyon sa likod ng kanyang tenga bago nito ipinadausdos ang mga palad sa kanyang kamay para mahawakan iyon at mahila na sya paakyat sa condo nito.

Donny's other hand were holding a paper bag at nasulyapan nya na sa loob na iyon ang mga supot ng napkin na hindi lang nag-iisa kundi dalawa!

Nag-init ang kanyang pisngi sa ideya na nabubuo sa utak nya; ang pagbili nito ng napkin para sa kanya na sigurado sya ay hindi madaling gawin dahil hindi naman nito iyong normal na ginagawa. Imagine a Donato Antonio Pangilinan who's handsome and seriously eyeing every brand of napkins and carefully deciding what to get and how would it looked like when he will be paying to the counter letting the cashier see what he bought! Ano naman kayang kahihiyan iyon para dito diba? He did that to help her and she's really thankful to that!

Nararamdaman nya ang pagpisil pisil nito sa kanyang kamay na nakasalikop sa kamay din nito. Sanay narin naman syang sobrang malapit kay Donny kaya hindi nya na iyon pinansin at hinayaan nya nalang itong gawin kung anong gusto.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na silang dalawa sa condo nito at kagaya ng lagi nitong ginagawa ay hinubad nito ang kanyang sapatos at pinagsuot sya ng pink na tsinelas na suot nya rin ng huli syang bumisita sa lugar na iyon.

Bumalik uli ang mga kamay ni Donny sa kanyang palad at nagpatuloy na sila sa pagpasok doon bago sila tumigil sa sala at hinarap sya nito.

"Give me your bag."
Donny said but she didn't get the chance to do it dahil ito na din mismo ang nagtanggal nun sa likod nya. Ang tanging ginawa nya lang ay hayaan ito at magpatianod sa gusto nitong mangyari.

She felt her vision became blurry at sumakit ang kanyang sentido kaya napahawak na sya doon.

She's always been like that whenever she's on her red days. Madalas ay talagang bagsak sya sa kama at iniinda ang sakit na dulot ng kanyang dysmenorrhea at madalas ay hindi sya makagalaw ng maayos. Nanginginig ang kanyang mga binti at patuloy na sumasakit ang kanyang balakang.

To Love Someone (SharDon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon