KABANATA 35

1.7K 69 3
                                    

Clear

She felt Donny's piercing look as she turned her gaze back to Jairus again. Hawak parin nito ang kanyang kamay at sya naman ay lito parin sa mga sinasabi nito sa kanya.

"Jairus..."
She called him. It's like she's silently begging him to explain everything because she couldn't seem to understand.

Paanong mahal sya nito? Sa paanong paraan?

"Sharlene, I..I'm in love with you."
Matapang nitong pagtatapat sa kanya.  She looked at his weary eyes. It's shining like a water. Hindi nya alam ngunit pakiramdam nya ay luha ang kumikislap sa makikinang nitong mata. It's like it's the words that he kept for so long. Mga salitang matagal na nitong itinago sa kanya at ngayon ay tuluyan na nitong ibinunyag sa harapan nya. His eyes tell her that she's the only one he could see at the moment.

"Paanong--"
Kinagat nya ang kanyang labi para pigilan ang sariling magtanong. She doesn't want to confuse herself even more. She sighed. She still couldn't believe it.

"Will you let me be your man?"
Hinila sya nito at hinawakan ang kaniyang magkabilang braso. Tiningala nya ulit ito. She's sure of herself. Alam nyang hindi nya kayang magsinungaling sa kanyang sarili. Jairus is a good man. Kaya hindi madaling sabihin dito ang totoo nyang nararamdaman.

"Will you?"
Halos pabulong nang pagmamakaawa nitong tanong sa kanya.

"She will never let you,"
Malamig na boses ang sumagot kay Jairus. She felt Donny moved and take his steps towards them. Halos makatatlong hakbang lang ang mahahaba nitong binti para maabot ang kinatatayuan nilang dalawa.

"Engineer, why are you here?"
Kunot noong tanong ni Jairus sa kay Donny. Alam nyang kanina pa alam nito na nandito si Donny ngunit ngayon lang ito nagkaroon ng pagkakataon na mapansin ito dahil kausap sya nito.

"Well, I'm here to claim what's mine."
Mayabang na deklara ni Donny sa harapan nilang dalawa ni Jairus.

"Anong---"
Hindi na tinapos pa ng kaibigan ang sasabihin dahil gulat ito ng hawakan sya sa kamay ni Donny.

"Just so you know, Aquino. Sharlene is mine to begin with and we will be each other's end game which only means you do not have even a little chance of getting her. Sa akin sya. Sa akin lang."
Inilayo nito ang nagbabagang mga tingin sa kaibigan at hinila sya nito. Ramdam nya ang tensyon sa braso ni Donny kaya naman ay hindi nya magawang magsalita. She's sure as damn he's mad. Bawat salita nito ay madidiin at may pagbabanta na para bang kung hindi seryosohin ang mga binibitawan nitong salita ay may magagawa itong tiyak na hindi mo gugustuhin na makita.

"Let's go,"
Hinila na sya nito palabas. Wala syang ibang magawa kundi ang sumunod dito.

She looked at the huge man who's now dragging her out of the building. Hindi nakalampas sa kanyang paningin ang nakakunot noo nitong itsura dahil patuloy ang pagsulyap nya dito kahit pa ang tingin nito ay nasa daraanan nila.

"Donny.."
She called him.

Sa totoo lang ay nanginginig na sya sa kaba. He's very intimidating. Ang katahimikang naghahari sa kanilang dalawa ay hindi nakakatulong upang kumalma ang nagwawala nyang puso.

Nang tuluyan na silang makarating ng parking lot ay agad syang pinapasok nito sa loob ng kotse at pinasakay doon bago umikot sa driver seat. Walang imik itong nagdrive at wala syang ibang ginawa kundi ang sulyapan ang pigura nito sa manibela.

For about 15 minutes she felt the car stopped to a building which she assumed to be a condominium building. Mabilis itong bumaba ng kotse para pagbuksan sya ng pinto.

"Baba,"
Malamig na utos nito sa kanya. Dahan dahan syang bumaba at kaagad na nag-angat ng tingin sa nakakunot noong mukha ni Donny na ngayon ay hinagilap ang kanyang kamay para kunin iyon at alalayan sya.

To Love Someone (SharDon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon