To Love Someone

4.7K 114 4
                                    

THIS IS JUST A WORK OF FICTION! ENJOY READING!

---
"Why do you always make me feel this way?"
Iniangat nya ang kanyang ulo para salubungin ang tingin nito.

His eyes are void of any emotion. She crossed her arms and lean backwards to her chair.

"What?"
She probed.

Ang totoo nyan ay wala syang pakialam. Ayaw nyang malaman. Ngunit hindi nya alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig nya.

"You're heartless. Hanggang ngayon ba ay hindi mo parin alam? O nagmamaang-maangan ka parin? Why do you have to be this hard?"
Ngayon ay nabanaag nya na ang sakit sa mga mata nito. His brown eyes became glassy but she didn't flinch; even a bit.

"Don't be so stupid, Donato. Why would I ask you if I already know it in the first place?"
She raised her eyebrows. Wala talaga sya sa mood pag-usapan ang kahit na ano.

"I can't believe you, Sharlene. All this time, I've been so sincere to you. I've been really good....W-why do I still feel insufficient when it comes to you?"
Inihalamos na nito ang mga kamay sa mukha at nasabunutan ang sarili sa frustration. Nagulo ang kanina lang maayos na buhok nito ngunit hindi nakabawas iyon sa ganda ng tindig, porma at itsura nito.

Kumunot ang noo nya.

What's wrong with this guy?

Donato Antonio Pangilinan is now vulnerable in front of her. Maaari nya ng ibenta ang impormasyong ito sa mga babaeng nagkakandarapa dito. Problema lang ay wala sya sa mood para sa katuwaan at pangjojoke time nito.

"Stop it, Donato. Go ahead and leave. Stop trying on making me believe all of your bullshits. I don't have any time for this."
Ibinaba na nya ang kanyang mga kamay na nakakrus sa dibdib at binalikan na ang binabasang libro sa kanyang lamesa at itinuon ng muli ang kanyang atensyon sa binabasa.

Hinintay nya ang paglabas nito ngunit wala syang maramdaman na nakaalis na ito. Bumuntong hininga sya at hinarap muli ito.

"What do you want me to do for you to believe me?"
He said desperately.

Isinara nyang muli ang kanyang libro dahil tuluyan nang nakuha ng kaharap nya ang kanyang atensyon.

Iniangat nya ang kanyang pang-upo mula sa kinauupuan at nilapitan ito. The tower figure of Donato Antonio Pangilinan blocked her view from her door. Ngunit hindi sya nasindak kahit nagmukha syang bubwit sa harap nito.

"You don't need to do a thing. Because you will never make me believe you. Now, Leave."
Matigas nyang utos dito.

Bumagsak ang mga balikat ng kanyang kaharap at mabigat ang ginawa nitong pagtalikod sa kanya ng hindi parin tuluyang umaalis.

"Why can't you just let me?"
Mahinang bulong nito na umabot sa kanyang pandinig. Nakayuko ang ulo at nakatigil parin sa kinatatayuan.

She sighed. Tumalikod sya at hinarap ang pader na malapit sa kanina lang na inupuan nya.

"You had effortlessly broken so many hearts, Donato, and you expect me to let you hold mine?"
Ngumisi sya ng mapait. Dahil kahit ano pa ang gawin nito ay hindi sya padadala.

Kahit nararamdaman nya ang pekeng sinseridad sa lahat ng ginagawa nito sa kanya ay hindi sya papayag na makapasok ito sa buhay nya.

Kahit maghabol pa ito ay tatakbo sya palayo at iiwas hanggang sa makakaya nya.

At kahit may kumunoy na hihila sa kanya sa ilalim ay gagawa sya ng paraan para makaahon.

"I'll treat you as my princess and my queen. I promise I won't hurt you. Hinding hindi kita pababayaan."
His offer is really tempting but she won't fall for that. Hinding hindi nya ito tatanggapin.

"Pasensya na dahil wala akong balak pumasok sa kaharian mo."

Because TO LOVE SOMEONE is to surrender and give your all until you're already empty and nothing; until you've already given everything and only left with pain because nothing last forever. Everything is all just temporary. Paano sya makakasiguro na hindi ito magbabago?

Wala syang panahong mag aksaya ng panahon para sa walang kasiguraduhang bagay.

Ayaw nyang sumugal at mabigo.








She doesn't want to fall for Donato Antonio Pangilinan even when she feel like she is already in to that.

To Love Someone (SharDon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon