"Kapatid?" Ulit ko sa sinabi nya.
Lumapit sakin yung babae. "Hi. Arra Topacio. Marx's little sister. Nice to finally meet you, Ate Cha."
Himbis na i-offer ang kamay nya, niyakap nya lang ako at bumeso sakin.
"Kapatid ka talaga nya?" Tanong ko ulit.
"Hindi ba halata?" Natatawang tanong ni Arra.
"Medyo. . ."
"Grabe naman kayo saking dalawa." Protesta ni Marx sabay kamot sa ulo nya. Haha.
Lumapit na din sila Nanay at Angge samin.
"Sa wakas! Nagkasundo na din ang dalawa. Group hug." Sabi ni Angge. Natawa nalang kaming apat sakanya at nagyakap-yakap. "Arra, welcome to the family. Hehe." Pahabol ni Angge.
"Thank you. Thank you at tinanggap nyo tong kuya ko sa family nyo." Sabi naman ni Arra.
"Ay naku. Walang problema dyan sa Kuya mo. Lakas kay Cha eh." Pinandilatan ko ng mata si Angge. Kasi medyo nahihiya pa rin ako kay Arra na pinagselosan ko sya. Pero kasi. . . Hindi ko naman sya kilala eh. So okay lang naman siguro yun.
"Osya. Dyan muna kayo. Magluluto lang ako ng hapunan natin." Sabi ni Nanay.
"Ay bongga, Nay. Sama ako. Tara Arra. Sumama ka din samin." Hinila ni Angge si Arra. "Alam mo bang si Nanay ang pinakamasarap na magluto dito sa resort?"
'Really? Great. Baka mapakain ako ng marami."
Yan ang narinig kong usapan nila Arra at Angge.
"I love you." Bulong sakin ni Marx. Hinalikan nya ako sa pisngi na nagpangiti sakin.
"Mahal din kita." Sagot ko sakanya.
//
"Marx." Sambit ko sa pangalan nya.
Nandito kami ngayon sa silong ng puno. Nakahiga at pinagmamasdan ang kalangitan.
"Hmm?"
"Sigurado ka na ba sakin?" Tanong ko sakanya. I don't wanna ruin this perfect moment.
"Sa buong buhay ko. Sayo lang ako naging sigurado, Cha." Sagot nya sakin. Napangiti ako. Nangingilid na ang luha sa mata ko. What did I do to deserved him? "Why?" He asked.
"Nothing."
"Is it about your condition?"
"Marx, ilang araw nalang ang buhay ko. Maeexpired na ako. . . Ouch naman." Pinisil nya yung ilong ko.
"Feeling de lata ka talaga no? Haha."
"Seryoso ako. Iiwanan din kita. Mawawala din ako sayo. Hindi ba dapat, humanap ka nalang ng iba na mas tatagal? Hindi yung katulad ko na mamamatay din naman at iiwanan ka."
Biglang sumeryoso yung mukha nya.
"Eh ano naman kung iiwanan mo din ako? Hindi ka naman mawawala dito eh." Tinuro nya yung dibdib nya. "Walang makakapalit sayo dito sa puso ko. No one can replace you. Sasamahan kita hanggang sa huling araw nating dalawa."
At doon na bumagsak ang luha ko.
"I love you, Marx."
"Mahal na mahal na mahal kita, Glaiza. Lagi mong tatandaan yan." Then he kissed my forehead.