"Cha! Cha!" Rinig kong sigaw ni Marx sa labas ng bahay namin. Tumingin ako sa oras. 9:30 na ng gabi at talagang nambubulabog pa sya dito ha.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Binuksan ko yung pinto and there he is. Nakatayo sa labas ng may malaking ngiti.
"Anong gina..."
Hindi nya ako pinatapos magsalita. Basta nalang nya akong hinila papunta sa hotel. Habang papalapit kami doon nakakarinig na ako ng ilang ingay. Oo nga pala. May event ngayon dito. May band na kakanta pero wala akong idea kung anong band yun kasi wala naman akong balak makigulo sakanila. Hindi ko din tinanong si Angge.
"Mahilig kang kumanta diba? So feeling ko matutuwa ka. Sana." Napahinto sya sa pagsasalita ng tumingin sya sakin. "H-hindi mo ba nagustuhan?"
Nakatingin ako dun sa banda na kakanta. Sila Rocco kasama ang bagong singer nila. Namis ko sila. Namiss kong kumanta.
Nagsasalita na yung singer. At sila Rocco nakatingin sa pwesto namin. Alam kong nakita na nila ako.
Nakikisabay ako sa pagkanta nila. Nakikisabay kami ni Marx sa pagtalon-talon ng mga taong nakikinig sakanila. Sobrang saya talaga ng pakiramdam ng ganito.
May ilang beses pa na nagkakatinginan kami ni Marx at parehas may ngiti sa labi.
"Akala ko hindi mo magugustuhan eh." Rinig kong bulong nya sakin. I just smiled.
After ng song nila. Bumaba si Rocco at lumapit samin.
"Cha." He hugged me. "Kamusta ka na?"
"Okay ako. Ikaw? Kamusta? Yung banda. Infairness ha. Ang galing nung nakuha nyong pinalit sakin."
"Syempre, ayaw ko namang mabatukan mo ako pag napanuod mo kami."
We both laughed.
"By the way, Rico. Si Marx nga pala. . . ."
"Boyfriend mo?" He asked.
I punched him sa braso nya. "Sira. Friend ko."
"Nice meeting you, Dude." He offered his hand to Marx and he accepted it.
"Same, Dude. Same." Marx said.
"Cha, tara sa hotel. Ipapakilala kita sa new singer namin. Para naman makita mo na din ang iba nating bandmates. They really missed you, Cha."
//
"Nice meeting you, Cha." Nakangiting sambit ni Faith. Yung new singer nila.
"You did a nice performance kanina. Gustong gusto ka ng mga audience mo. Keep it up."
"Well, Rocco told me how much you love the band. Kaya ginagalingan ko din."
"Magkakasundo tayo nyan Faith. Sana magkita pa tayo ulit."
"Sana hindi pa ito yung last, Cha."
I smiled. "Sana nga."
I saw Rocco looked at me sadly. Alam ko na ang tingin na yun. Pero hindi ko pinapahalata sakanya na naaapektuhan ako ngayon.
//
Naglalakad lakad kami ngayon ni Marx sa dalampasigan. Tapos na din yung event at kailangan ng magpahinga nila Rocco kaya umalis na rin kami.
"Thank you." I said.
"For what?"
"For tonight. Hindi pa tayo ganun nagkakasama ng matagal pero naalala mo pa."
Huminto si Marx sa paglalakad. "Ganun talaga pag mahalaga sakin ang isang tao. Hindi ko nakakalimutan ang tungkol sakanya."