Glaiza's POV
Nasa bayan kami ngayon ni Bela para bumili ng ilang kakailanganin para sa pagluluto mamaya. Sya na ang nagprisintang sumama sakin. Medyo busy din kasi si Angge sa huling araw nya sa trabaho. Kahit si Carlo hindi na nya naasikaso ngayon. Kaya ayun, si Marx na ang kasa-kasama muna which is okay lang naman sakin kahit na medyo namimis ko na sya. Ang clingy ko. Si Arra naman, busy din sa trabaho nya. Marami daw emails ang pinasa sakanya akaya kailangan nyang tapusin agad bago matapos ang week. Meron nalang syang 2 days bago mangyari yun.
"Uy, may free taste ng hotdog doon oh."
Walang sabi-sabing hinila ako ni Bela sa cart ng free taste ng hotdog. Parang bata. Haha. Pero nakakatuwa syang kasama.
"Ate, pwede?" Tanong ni Bela dun sa babaeng nagbabantay. Tumango yung babae at inabutan si Bela ng isa. Pinanuod ko lang sya habang kumakain. "Uy, masarap ha. Magkano yan, Ate?" Kumuha pa sya ng isa at iniabot naman nya sakin. "Try this one, Cha. Swear. Masarap."
Kinuha ko yung hotdog at tinikman. "Masarap nga."
"Diba masarap, sabi sayo eh. Dapat habang nabubuhay ka. Try something new. Try lang ng try. Wala namang mawawala sayo eh."
"Yeah. Habang nabubuhay dapat magtry ng bago." Pagsang-ayon ko sakanya.
"Inulit mo lang ang sinabi ko eh. Hahaha."
"Hahaha. Tama naman kasi yung sinabi mo."
"Kaya mamaya sasama ka sakin." Kumuha si Bela ng pera sa bulsa nya at binayaran nya yung hotdog na kinuha nya.
"Bakit? Saan tayo mamaya?"
Tinignan nya lang ako at nginitian. "Malalaman mo din mamaya. Sigurado akong mag-eenjoy ka doon."
Later that night. Nagpunta kami ni Bela sa isang bar malapit lang sa resort. Kasama namin sila Angge, Carlo at Marx. Ito pala ang sinasabi nyang pupuntahan namin.
"No hard drinks for Amigah ha." Paalala ni Angge samin.
"Ofcourse." Pag-sang ayon naman ni Marx sakanya.
"Fine. No hard drinks. Juice lang ako."
"Good."
"Masunuring bata." Sabi naman ni Bela. Tinapik nya ako sa braso.
"Ano bang gagawin natin dito, Insan?" Tanong ni Carlo kay Bela.
"Matutulog tayo dito, San. Dun ka mamaya sa stage." Sarkastikong sagot naman nya
Napailing nalang kami nila Marx dahil minsan talaga pilosopo si Bela.
"Tsk. Alam mo ikaw, ang tino mong kausap kahit kailan." Natatawang sabi ni Carlo.
"Hahaha. Choz lang yun. Kakanta ako dito ngayon. Kilala ko yung may-ari eh. Nakiusap sakin na kumanta ako kahit isang gabi. Kaya . . Libre ko to."
"Akala ko pa naman malalayo na kita doon sa mga rakista mong kasama. Tsk. Hindi pala." Naiiling na sabi ni Carlo.
"Hayaan mo na. Masaya sya sa pagkanta eh." Sabi naman ni Angge.
"Thanks future Pinsan." Sabi ni Bela.
"Paano ba yan, Carlo? Mukhang ngayong palang mapagkakaisahan ka na nila Bela at Angge?" Pananakot ni Marx sakanya.
"Ihahanda ko na nga ang sarili ko eh. Hahaha." Biro naman naman nito.
//
Umakyat na si Bela sa stage para kumanta. Excited kaming lahat na marinig syang kumanta. Kahit ako excited na. Oo narinig ko na syang kumanta nung unang dating nila dito. Pero iba yung ngayon. May kasama syang banda at parehas kami ng first love. Singing. Hindi maaalis samin ang ganitong hilig. Nakakalungkot lang dahil kailangan ko ng itigil.
"Hi. Magandang gabi sa inyong lahat." Panimula ni Bela. Talagang may speech pa sya ha. "Oo alam ko hindi ako sikat at first time kong kakanta dito. Pinagbigyan ko lang ang request ng kaibigan ko." Tumingin si Bela sa direksyon namin. "At sa pinsan ko na pilit akong nilalayo sa first love ko. ." Nakita ko yung lungkot sa mga mata ni Bela. Napatingin naman ako kay Carlo na halatang nalungkot din. "Pasensya ka na Insan. Ayaw akong layuan eh. Sya na yung kusang lumalapit sakin." Makahulugang sabi ni Bela. "Ganun naman talaga sa buhay diba? Kahit anong gawin mong paglayo sa una mong minahal hangga't nandito sya." She pointed her right chest katapt ng puso nya. "Hindi mo sya maiiwasan. Kasi mahal mo pa eh."
Napa-awww nalang ang mga tao sa loob. Ang lalim ng hugot ni Bela doon.
"Anong problema ng pinsan mo at ang lalim ng hugot?" Rinig kong tanong ni Angge kay Carlo. Nakatingin lang kami sakanya at hinihintay ang sagot nya.
"Baka kakabreak lang?" Paghuhula naman ni Marx.
"Baka." Pag-sang ayon naman ni Angge
Binalik na namin ang tingin kay Bela. Nahuli pa namin ang pagpunas nya ng luha bago sya ngumiti. Ngiting mapait. Oo. Mapait. Alam ko ang ngiting ganun. So may pinagdadaanan nga si Bela. Tsk.
"Okay. Bago pa bumaha ng luha dito, kakanta na ako. Sana magustuhan nyo."
Bela:
🎵
Kay tagal kong sinusuyod
Ang buong mundo
Para hanapin
Para hanapin ka
Nilibot ang distrito
Ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin kaSinusundo kita
SinusundoAsahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayoPati sa kanta ang lalim din ng pinaghuhugutan ni Bela. Kumakanta din ako at alam ko ang mga ganun himig. Himig ng may mabibigat na nararamdaman.
Habang kumakanta sya, nasakanya lang ang focus ko. Dati ako ang nasa taas ng stage at pinapanuod pero ngayon, ako nalang ang nanunuod. Ang saya din pala pag ikaw yung nandito.
🎵
Sa akin mo isabit
Ang pangarap mo
Di kukulangin
Ang ibibigay
Isuko ang kaba
Tuluyan kang bumitaw
Ika'y manalig
Manalig kaSinusundo kita
SinusundoAsahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayoAsahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo
Asahan mo mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo
Pag-ibig ko'y sayo(Asahan mo)
Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sayo'ng sundo
(Asahan mo)
Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sayo'ng sundo
🎵After nyang kumanta, sobrang lakas na palakpakan ang iginawad ng mga taong nanuod sakanya. Pati kami napapalakpak pa dahil nagandahan din kami sa kinanta nya. Magaling si Bela kumanta. Hindi nakakapagtaka na hangaan sya ng marami.