Chapter 18

140 11 4
                                    





Kanina pa aligagang-aligaga si Angge. Paikot-ikot sya dito sa bahay at tingin ng tingin sa salamin para ayusin ang sarili nya. Ngayon kasi darating si Carlo. Yung boyfriend nya. Kasama ang pinsan nito.

Nang hindi na ako nakapagpigil, tumayo ako at pinatigil na sya sa paglalakad-lakad. Hinawakan ko sya sa braso nya.

"Yung totoo, Amigah. First time nyo bang magkikitang dalawa?"

And finally, umupo na sya. "Hindi naman sa ganun, Amigah. Hehe."

"Excited ka?" I teased her. Pinindot ko pa yung tagiliran nya. Hahaha. "Ayiiiieh. Excited syang makita si Carlo."

"Oo na. Excited ako. Ano ba yan, Cha, tigilan mo nga ako."

"Hay naku, Angge. Tara na nga. Tulungan nalang natin si Nanay sa pagluluto. Maya-maya lang darating na yung mga bisita natin eh. Excited na din akong mameet yang jowa mo."

Hinawakan ko sya sa kamay at hinila na palabas ng bahay. Nag-iihaw kasi sila sa labas.

















"Carlo." Pakilala sakin ng boyfriend ni Angge. In-offer nya yung kamay nya sakin to make shakehands.

"Nice meeting you, Carlo. Glaiza nga pala. Bestfriend ni Angge." Pakilala ko sakanya.

"Nice meeting you too, Glaiza. Pinsan ko nga pala. Si Bela." Hinawakan nya sa magkabilang balikat si yung pinsan nya. "Sinama ko na dito. Rockstar eh. Hahaha." Napansin kong siniko sya ng nung Bela. "Hindi joke lang. Wala kasing magawa sa buhay to kaya sama ng sama sakin."

"Ang kapal mo, San! Ikaw tong nag-aya na samahan ka eh." Protesta naman nung Bela.

"Syempre, para naman hindi ka doon ng doon sa mga rockstar mong kasama. Haha. Kanta ka ng kanta eh."

"Oh my gosh. Kumakanta ka Bela?" Tanong ni Angge na parang excited. Tumango naman si Bela.

"Ah oo eh. Pero konti lang. Hehe." She answered shyly.

"Bongga. Magkakasundo kayo nitong pinsan ko. Mamaya jamming tayo."

"Oh sakto. May dalang ukelele tong si Insan."

Ngumiti naman na parang nahihiya si Bela. Ang alam ko kasi hanggang dito sila hanggang next week. Sila Carlo sa hotel mag-stay. Manyaman. Haha.

"Sa totoo lang. . . Narinig na kitang kumanta, Glaiza." Sabi ni Bela na ikinagulat ko.

"Talaga?"

"Yup. Nasa banda ka dati diba? Napanuod kita twice nung minsan sinama ako ng boyfriend ko sa gig nyo."

"So kilala mo na pala sya. Bakit hindi mo sinabi?" Nakangiting tanong ni Carlo sakanya

"Ehhhh." Napakamot ng batok si Bela. "Medyo nahihiya ako eh. Nung nakita kita sabi ko nalang. Wow. Small world. Hahaha."

"Hahaha. Nice meeting you, Bela. Kanta tayo later ha."

"Oo ba. Sige! Sige! Matagal ko ng pangarap yan. "

Maya-maya pa. Dumating na din sila Marx. Naabutan nila kami sa cottage na nag-uusap.

Tumayo ako para salubungin sila. Bumeso ako kay Marx at Arra. Hindi naman nagpahuli si Amigah at inaasar na naman kaming dalawa nitong si Marx.

"Amigah, tumahimik ka nga." Saway ko sakanya. "Mahiya ka naman dyan sa boyfriend mo. Haha."

"Sanay na ako sakanya. Hahaha." Sabi naman ni Carlo.

Ang swerte nitong kaibigan ko sa jowa nya. Mabait at successful ang buhay. Masaya ako dahil alam kong maiiwan ko syang masaya sya sa lovelife nya.

"Kaya nga mahal na mahal ko 'to eh." Inakbayan ni Carlo si Angge.

"Oh my gosh, San!" Hinampas ng mahina ni Bela si Carlo sa braso. "Hindi ako sanay sa ganyan mo. Cheesy, tol." Astig! Hahaha

"Sira. Magboyfriend ka na din kasi. Para hindi ka naiinggit samin."

"Nah. Mahal ko pa buhay ko." Sagot naman ni Bela. "Love will kill you."

"Not all the time." Sabat ko. Tumingin ako kay Marx. "Minsan ang love ang syang nagbibigay ng dahilan para mabuhay ka." Nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang napakagwapong mukha na nilalang na katabi ko.

"Sus ko, Amigah. Ang cheesy!"

"Tara, Arra. Tayong dalawa nalang ang magsama. Ang cheesy ng dalawang lovebird natin eh."

"Oo nga, Ate Bela. Tara dun tayo kay Nanay. Samahan natin sya."

Sira talaga yung dalawa. Umalis sila ng sabay at pumasok sa bahay.

Naiiling kaming sumunod nalang dalawa. Tinatawag na din kasi kami ni Nanay para kumain.












//














After namin kumain. Tumambay kami sa labas . Ako, si Marx, Angge, Carlo, Bela at Arra. Si Nanay naman nagpahinga na muna.

Ang dami kong nalaman tungkol kay Carlo at Angge dahil kay Bela. Sobrang kalog din nyang babae at ang lakas ng tawa. Babae ba talaga ang isang to? Hahaha. Natatawa nalang ako sa naiisip ko.

"Hey, Cha. Why are you smiling?" Takang tanong sakin ni Bela.

"Ha? Wala. Wala. May naisip lang ako. Ano nga ulit ang pinag-uusapan natin?"

"About Angge and Carlo. Haha. Sabi ko, mag-ex na sila noon pa. Hindi nabanggit sayo ni Angge noon. Tinago nya sayo. Nice friend diba?"

Tumingin ako kay Angge.

"Hoy, Cha. Naikwento ko na sayo yun no. Nung nasa gig ka sa manila. Kaso di mo ata masyadong narinig kasi maingay. Hehe."

"Hays. Next time na may ganyang chika kwento mo agad sakin ha. Bestfriend kita pero nahuhuli ako sa balita." Kunwaring pagtatampo ako.

"Oo na. Sorry na okay? Nahiya lang kasi ako magkwento sayo nun. Alam mo yun? Kakabreak nyo lang kasi nun ni. . . ."

Natigil sya sa pagsasalita ng pandilatan ko sya ng mata.

"Nevermind. Haha. Bela, asan na yung Ukelele mo? Tara kanta na kayo nitong si Glaiza."

"Ah wait. Kunin ko sa kotse." Sabi naman ni Carlo. Tumayo na sya at naglakad papuntang kotse nila.























"Thanks, San." Sabi ni Bela pagkaabot sakanya ng ukelele nya.

"You're welcome."

"Close talaga kayo no?" Namamanghang tanong naman ni Arra. Actually, kanina ko pa din napapansin yung tingin ni Arra sa magpinsan. Close nga silang dalawa.

"Ah oo. Kasi bata palang kami nito ni Carlo magkadikit na kami eh. Kasya siguro naging ganto ako ngayom dahil sakanya. Haha. Sya kasi lagi kong kasama." Kwento ni Bela.

"Hoy, Bela. Hwag ka ngang kwento ng kwento dyan."

"Totoo naman kasi. Haha." Sabat naman ni Angge.

"Hays. Oo na. Oo na. Dahil na sakin. Sige. Panalo na kayo. Kumanta nalang kayo nyang Idol mo."

"Wait lang shy ako." Sabi ni Bela tapos nagtakip ng mukha.

Natawa nalang kami sakanya.

"Game." Sabi nya.

"Ako mag-Ukelele." Sabi ko.

"Ow. Okay." Inabot nya sakin yun. Kinapa ko muna dahil baka nakalimutan ko na kung paano.

"Anong tutugtugin mo?" Tanong sakin ni Marx.

Napatingin ako sakanya at ngumiti. "Can't help falling inlove."

"Ayown. Hahaha." Pang-aalaska ni Angge.

"Game na." Sabi naman ni Carlo.

"Mamaya na ang lambingan." Si Arra.

"Selos ako. Joke. Haha." Si Bela.

Mga sira talaga. Naiiling nalang na inakbayan ako ni Marx at hinalikan sa noo.

Last 24 hours with YouWhere stories live. Discover now