Chapter 12

112 9 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Woah, Marx. Paano mo nalaman ang mga ganitong lugar dito?" Tanong ko sakanya pagkadating namin sa Tiwi hotspring.

"Google? Internet. Ano pang silbi nila kung hindi din natin pakikinabangan right?"

Tumingin ako sakanya. "Hahaha. May pinaglalaban ka ba?"

"Wala naman. Para ano pa at naimbento sila kung hindi gagamitin sa maayos. Hindi yung puro mobile games, videos. . ."

"Yeah. Yeah. Yeah. I got your point, dude." Maangas kong pagputol sa sasasabihin nya pa dapat. May punto naman kasi talaga sya. Kahit ako naman madalas gamitin ang phone lang sa music at hindi naiisip na hanapin ang mga ganitong magagandang lugar. Kasi nga may sarili akong mundo. Not until malaman ko ang kondisyon ko.

"Gusto mong itry ang tubig?"

Ngumiti ako ng bahagya dahil sa sinabi nya at tumango ng ilang beses. Excited na akong maramdaman ang hotspring na ito.

Sa gilid ng mga mata ko, nakikita kong tinatanggal na ni Marx ang damit nya pang itaas. Pero parang magnet ang katawan nya at pilit na lumiliko sa gawi nya ang mata ko. Bakit ba kasi may abs ang isang 'to? Hotspring na nga to hot pa yung kasama ko. Jusko Glaiza, maghunos dili ka. Please lang. Saway ng isip ko sakin. Tsk. Pati sarili ko sinasaway na ako.

Napukaw nalang ang atensyon ko ng bigla akong matalsikan ng medyo mainit na tubig. Tumalon na pala si Marx. Hindi ko man lang namalayan.

"C'mon, Cha. Huwag mong titigan ang katawan ko. Hahaha." Pang-aasar ni Marx sakin sabay sinabuyan ako ng tubig. Bwiset talaga 'to. Ang hangin.

Binaba ko yung dala kong bag. Hindi na ako nagtangkang magtanggal ng damit ko. Okay na 'to. Tumalon ako sa tubig. Nakakarelax ang medyo mainit na tubig.

"Enjoy the water?" Marx asked me. Nakita ko syang nakatingin sakin at nakangiti.

Ngumiti din ako at tumango ng ilang beses.

Tumalikod ako at sumisid. Halos 30 seconds lang akong nasa ilalim at umahon na. Pag-ahon  ko, sakto akong tumapat kay Marx. Napahawak pa ako sa dibdib nya ng aktong magtatama na kaming dalawa. Nagkatinginan kami, mata sa mata. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Pabilis ng pabilis.

Habang tumatagal, nararamdaman kong unti-unti ng lumalapit ang mukha nya sakin hanggang sa . . . Maramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nya sa labi ko. Tumagal yun ng ilang segundo. Nang matauhan na ako, bumitaw ako at nag-iwas ng tingin sakanya.

"C-cha. . ." Pagsambit nya sa pangalan ko. Lalapit sana sya sakin pero pinigilan ko sya.

"Don't. . . Please." Pagpapahinto ko sakanya.

Nagmamadali akong umahon sa tubig at kinuha yung gamit ko. Hindi ko na sya hinintay. Nagpatiuna na ako sa kotse at doon nalang sya hinintay. Kung kanino man ang kotse na 'to. Paaensya na at nabasa ko.

Pagdating nya sa kotse. Iwas ako sakanya. Hindi dahil naiilang o ayaw ko nung ginawa nya pero nahihiya ako. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko din naman alam ang sasabihin. Natatakot ako.

"C-cha." Hinawakan nya ako sa kamay pero mabilis ko din naman inilayo yun sakanya. "I'm sorry. H-hindi ko s-sinadya yun."

"It's okay. Bumalik nalang tayo sa resort. Gusto kong magpahinga. Napagod ako sa kakalangoy." Pagdadahilan ko.

"Okay."

Sinimulan na nyang paandarin yung kotse at umalis na kami sa lugar na iyon.

Pagdating namin sa resort. Hindi na ako nag-abala pang hintayin na pagbuksan nya. Nauna na ako sa pagbaba ng kotse. Tumuloy na ako sa kubol ko. Bago ako tuluyang pumasok doon, napasulyap ako kay Marx na naglalakad. Naningkit ang mata ko, bakit nakahawak sya sa ulo nya? May masakit kaya sakanya? Baka napagod lang sya.










//












2:30 am nagising ako. Pinilit ko namang bumalik sa pagkakatulog pero hindi na ako inantok ulit. So tumayo ako para kumuha ng maiinom ko. Pero napadako ang tingin ko sa bintana ng kubol. Nakuha ng atensyon ko yung taong natutulog sa labas. Nakahiga sya sa ilalim ng puno ng buko. Ang lakas naman ng trip ng taong yun. Pag may bumagsak na buko edi yari sya diba.

Pagkakuha ko ng tubig ko. Naisipan kong lumabas saglit para tignan kung sino yung tao. At laking gulat ko ng makitang si Marx yun. Ano bang trip ng isang to at dito natutulog. Tsk.

"Marx." Mahina kong paggising sakanya. Bakit ba mahina ang boses ko? Eh ginigising ko nga sya.

Hindi na ako nagtry pang gisingin sya dahil gumalaw na sya.

"Cha, b-bakit gising ka pa? Dapat tulog ka na diba? Maaga pa tayong aalis bukas. . ."

"Mamaya." Pagtatama ko sakanya.

Tumayo ako at umupo sa hagdan ng kubol ko. Tumabi din sya sakin.

"Tsaka ano bang trip mo at dyan ka natulog?"

Hindi agad sya nakasagot sakin. May problema kaya sya?

"Ano?" Pag-uulit ko ng tanong sakanya.

"Ha? Ah. . . Eh. . ."

"Ih oh uh?" Biro ko. Para kasing bata eh.

"Baliw. Wala lang. Mas mahangin kasi dito kaya naisipan kong dito nalang muna."

"Sus. Palusot mo. Binabantayan mo lang ako eh no?" I teased him.

Yumuko sya. "Yeah. Sorry."

"Nah it's okay. Sige na. Bumalik ka na doon at baka ikaw pa ang tanghaliin bukas ng gising. Matutulog na din ako." Tinapik ko sya sa balik at pumasok na sa loob.

"Good night, Cha."

"Good morning, Marx."

Napangiti ako. Simple gesture lang ni Marx nararamdaman kong pwede pa rin akong mahalin kahit na fragile na ako.













Eksaktong 6 ng umaga tumunog ang alarm ng phone ko. Pikit mata kong kinapa ang phone ko sa gilid ng higaan. Isang mata lang ang dinilat ko para i-off ang alarm. After mawala ng tunog. Pumikit pa ako ulit for almost 5 minutes then nagdecide na akong tumayo to make coffee. May coffee naman kasi sa bawat kubol.

Ano na kayang ginagawa ngayon ni Marx? Himala yata at wala pa sya ng gantong oras ngayon dito.

After kong magtimpla ng coffee, sumili ako sa bintana and I saw Marx na nakaupo sa buhanginan. Medyo nakayuko sya at nakahawak sya sa ulo nya. Maya-maya pa, napansin kong tumingala sya. Hindi ko alam kung nakapikit ba ang mata nya o nakadilat.

Tumingala din ako at pumikit.

Thank you, Lord for waking me up today.

Lumabas ako ng kubol dala ang tinimpla kong coffee. Lumapit ako kay Marx at iniabot sakanya ang isang mug.

"Aga natin ngayon ah?" Puna nya sakin.

"Tsk. Wag mo ng batiin. Baka hindi na maulit pa." Biro ko sakanya. "Saan tayo ngayon?"

"Eco park."

I smiled. Nakapunta na ako doon. Yun ata ang isa sa paborito kong lugar dito samin. Nakakagaan ng pakiramdam ang makita ang ganoong lugar. Napakarelaxing ng ambiance ng lugar na iyon.

"Excited?" He asked.

I nodded. "Very much excited."

Then nagcheers kami ng coffee namin at sabay kaming humigop sa kanya-kanya naming kape.

Last 24 hours with YouWhere stories live. Discover now