Parehas kaming nakaupo ngayon ni Angge sa cottage. Katatapos lang din namin kumain ng lunch.
"Amigah, ano ng plano mo?" She asked.
Nakatingin lang ako sa dagat. "Tulad ng dagat. Sabay sa alon lang."
"Tulad ka din ng dagat. Lalim mo eh. Haha."
I laughed. "You know me, Angge. Haha."
Then we both laughed. Natigil lang kami sa tawanan ng may marinig kaming nagflash ng camera. We looked back and saw Marx na nakatingin sa camera na hawak nya.
"Hoy! Burahin mo nga yan." Pilit kong kinukuha sakanya yung camera. Iniikot nya pa yun sa likod nya.
"Hahaha. Bakit ba, Cha. Picture lang yun. Don't worry hindi naman yun lalabas sa kahit na anong social media eh. Your secret is safe."
"Tse. Safe, safe ka dyan! Akin na yan."
"Haha. No. This is my camera."
Tumakbo sya palayo samin so sinundan ko sya.
"Hoy kayong dalawa nagmomoment na naman kayo dyan." Sigaw ni Angge. Nakita ko syang sumunod samin.
Huminto kaming dalawa ni Marx sa dalampasigan kung saan naaabot ng tubig dagat ang paa namin.
"Swimming kaya tayo?" Suggest ni Angge samin.
"Why not? Tara." Pag-sang ayon naman ni Marx.
Magtatanggal na sana sya ng damit pero pinigilan ko sya.
"Seriously? Magsiswimming ka ng dala yang cam mo?"
"Sus. Water proof to. No worries. Tara na." Tuluyan ng tinanggal ni Marx ang damit nya at lumusong na sa tubig. "C'mon, Cha, Angge. Ang sarap ng tubig."
Para syang bata na tuwang tuwa sa pagligo sa dagat.
"Aminin mo. Ang hot ni Marx diba? Bagay kayo, Amigah." Angge said with her animatedly eyes.
"Sus. GGSS lang naman sya no."
"Deny pa. Tara na nga. Baka maubos pa ang pandesal ni Marx sa kakatitig mo dyan."
Bumalik ako sa reality ng hawakan ako ni Angge sa kamay at hilain sa tubig. Nagpatihila nalang ako sakanya na lumusong sa tubig.
Nagtatampisaw kami sa dagat ng gantong oras. Sobrang tirik ang araw. Pero enjoy naman.
After namin magtampisaw sa dagat umahon na kaming tatlo.
"Huuuuu, Life. I love you." Sigaw ko. Nakataas pa ang dalawang kamay ko. Sobrang naenjoy ko yung time ko with Angge and Marx.
"I love you too."
I got back in to reality when I heard Marx said that. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Ayieeeeh. Lumalablayp na si Amigah. Ahaha." Kinikilig na sambit nya
"Tse. Ewan ko sa inyong dalawa."
Iniwan ko na silang dalawa at nagpatiuna na akong bumalik sa cottage.
//
"Good morning."
Napatigil ako sa pag-uunat ng biglang may magsalita. Si Marx.
"What are you doing here?" I asked.
Kakagising ko lang tapos sya ang maabutan ko dito sa bahay.
"Ah yun nga pala. Pinapunta ako dito ni Nanay Cristy. Kanina pa kasi kita hinahanap eh."
"Ano na namang kailangan mo?"
He smiled. Sabi na nga ba may kailangan na naman ang isang to. Feeling close na din kay Nanay eh. Tiwala din naman sakanya si Nanay.
"Samahan mo naman ako oh?"
"Saan na naman?"
"Ito naman ang aga-aga nakasimangot. Magtoothbrush ka muna kaya?"
Napasinghap ako sa sinabi nya. Tinakpan ko yung bibig ko at babalik na sana sa kwarto pero hinarap ko sya ulit para ambahan ng suntok. Epal eh. Nakakainis!
//
Nakasakay kami ngayon sa motor ni Marx. Hiniram nya itong motor sa isang katiwala sa resort. Kanina pa kami naglilibot dito sa bayan may ilan na rin kaming nahintuan na kainan at kumakain saglit.
"San mo pa ba balak pumunta?" I asked him habang umaandar kami. Sinasalubong ng hangin ang mukha ko. Badtrip to ah.
"Just seatback and relax okay? Uuwi din tayo bago maglunch. No worries."
Nanahimik nalang ako. Dahan-dahan lang din naman sya sa pag dadrive kaya nakakarelax talaga.
Huminto kami sa simbahan. Pumasok kami sa loob. Wala masyadong tao dahil wala namang simba ngayon. Pero bukas pa din para sa mga taong gustong magdasal.
"Magdadasal ka?"
He just smiled at umupo na sa isang chair. I sat next to him. Nakita kong nakapikit lang sya. Mukha ngang nagdadasal sya. So I shut my mouth closed at pumikit na din.
Everyday with him.. I feel so much happiness. I looked at Marx. He's silently praying. But sometimes, he is so annoying. Pero nararamdaman kong bawat araw ko nagiging worth it. Kahit pala wala na yung planner ko okay na kasi you gave him to me. Thank you, Lord.
"Is this yours?" I looked at him. He handed me a black notebook which is planner. Nagtaka ako.
"Paanong napunta sayo 'to?" And then I remembered the night na muntik na akong malunod. I was shock. All this time nasakanya lang yung planner ko?
"Anong sakit mo? Bakit binibilang mo nalang ang araw mo? Would you mind to tell me?" He said. I just stared at him.
I looked away. I bit my lower lip and my eyes started watery. "Lupus." I answered him.
"Lupus? Wait, anong klaseng sakit yun? Bakit ngayon ko lang narinig ang ganung sakit? Mukha ka namang walang sakit. Look at you..."
"Lupus. Isang traydor na sakit. Unti-unti nyang pinapahina ang katawan ng isang tao hanggang sa hindi na namamalayan ng ilan na paubos na pala sila."
"Bakit may taning ka? Bakit alam mo kung kailan ka mawawala?"
"Actually, hindi naman exactly one month ang sinabi ng doctor sakin eh. Pwedeng mas mahaba pa or mas maiksi. Who knows? Only the man up there." Tumingin ako sa dulo ng simbahan. I wiped my tears away. "Oh wag mo akong kakaawaan ha? Masaya ako sa kung anong mangyayari sakin. Ito yung gusto ni God."
"Of course not. Sobrang lakas mo nga eh. Hindi halatang may sakit ka. Pero Cha, sorry kung binasa ko yang planner mo. Kailan mo balak sabihin kay Nanay Cristy yan?"
"I don't know. Huwag na muna natin pag-usapan 'to. I just want to enjoy my life. Let's go."
Hinila ko na sya palabas ng simbahan.
"Give me the key." Sambit ko.
"What? Wait, you know how to drive?"
"Sumakay ka pa." Then kinuha ko na yung susi sakanya.
//
"Wow. Para na akong aatakihin sa sobrang bilis mo magdrive ng motor. Sanay na sanay ka ha."
"Is that a compliment or what?" I asked.
"Of course its a compliment. You nuts!"
"Me what?"
"Just kidding. Pero napabilib mo ako dun, Cha. You're really a brave lady."
"Well, if that so. Thank you, Mr.Topacio." I smiled.
After namin mag usap sa church at nakiusap na samin-samin muna ang secret ko. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko sakanya. Medyo nabawasan ang inis at init ng ulo ko sakanya.
"You are so welcome, Cha." He smiled.