Marx's POV
"Huy bakit nandito ka?" Gulat akong napalingon sa gilid ko. Si Bela. "Nandun sila ah? Bakit nagsosolo ka dito?"
Tumingin ako kay Glaiza kasama sila Angge at Carlo. "Ah. Wala. Sumakit lang ulo ko bigla. Nagpahangin lang ako. Ikaw bakit nandito ka?"
"Ah. Sinundan kita. Hehe. Sorry feeling close ha." Napakunot ang noo ko.
"Bakit mo ako sinundan?" I asked.
"Wala lang." Nagkibit balikat sya. "Napansin ko kasi kanina pa na tahimik ka lang. Tapos napapahawak ka sa ulo mo. Masakit pala. Kaya pala. Pero alam mo. Familiar ka sakin eh. Parang nakita na kita. Alam mo yun? Kaso hindi ko naman maalala kung saam kita nakita. Hays. Hayaan mo na nga yun. Balik na ako doon ha. Baka hinahanap na ako ni Insan eh." Tumayo sya at pinagpag ang likod nya. "Sunod ka na doon ha. Bagay kayo ni Glaiza."
Napangiti ako sa huling sinabi nya. Alam ko namang bagay kaming dalawa. Bagay na bagay.
//
Glaiza's POV
Kanina ko pa napapansin si Marx na tahimik lang. Bigla din syang nawala nung pagkatapos naming kumanta ni Bela. Medyo natagalan bago sya bumalik. Nung tinanong ko naman sya, sinabi nyang galing lang syang banyo. Hindi na ako nagtanong pa.
Nung makumpleto ulit kami sa cottage. Ang dami pa naming napagkwentuhan. Si Arra naman bumalik muna sa hotel room nila ni Marx para magpahinga. Sinabihan ko ng sa kwarto ko nalang muna pero tinanggihan nya. Baka daw matagalan syang gumising dahil sa pagod at puyat nya. Dala-dala nya kasi dito sa Bicol ang ang trabaho nya sa manila. Napupuyat sya dahil sa mga trabahong ini-email sakanya ng company nila. Hindi ko nga maintindihan bakit hindi nalang sya babalik sa manila para hindi sya masyadong mahirapan. Sabi nya lang mas gusto nyang makasama ang kapatid nya. Sweet si Arra. Nakikita ko yun sakanya kapag magkasama sila ni Marx. Todo ang asikaso nya dito.
"Cha, okay ka lang?" Tanong sakin ni Angge.
Ngumiti ako. "Yeah. May iniisip lang. But don't worry I'm fine."
"Okay. Kapag masama na ang pakiramdam mo sabihan mo lang kami ha. Para makapagpahinga ka.."
"Yeah. Sure."
//
Nagpaalam na muna samin sila Carlo at Bela. Magpapahinga na din muna sila. Sinamahan sila ni Angge sa hotel rooms nila. Kami naman ni Marx naiwan lang sa cottage.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ko ulit kay Marx. Ilang beses ko ng tinanong sakanya yan kanina. Pare-parehas lang naman ang sagot nya. Kaso hindi kasi ako mapalagay.
Ngumiti si Marx at pinisil ang ilong ko. "Okay nga lang ako. Sumakit lang ulo ko. Ikaw okay ka lang? Hindi ka pa ba pagod?" Balik tanong nya sakin.
"Medyo inaantok ako. Pero gusto kong dito nalang tayo. Mahangin."
"Okay. Ikaw ang boss eh."
Inayos ni Marx ang pagkakaupo nya. Para makaayos ako ng higa ko. Nakaunan lang ako sa dibdib nya. Naririnig ko yung tibok ng puso nya. Ang sarap pakinggan. Parang sinasabi nun na mahal nya talaga ako. Hay naku Glaiza. Nababaliw ka na naman.
Pinikit ko ang mga mata ko para damahin ang oras na kasama at kayakap ko si Marx. Sa mga yakap nya pakiramdam ko sobrant ligtas ako.
Nagising ako sa ganun paring pwesto namin ni Marx. Tumingin ako paitaas para makita ang mukha nya. Natutulog din sya. Hindi kaya nahihirapan na sya sa pwesto namin? Kanina pa kaming ganito. Hindi ko man lang naramdaman ang kahit na anong paggalaw nya.
Maya-maya lang napansin ko ang paggalaw ng nakapikit nyang mga mata. Umayos na din ako ng upo. Hinawakan ko sya sa pisngi at ginawaran ng halik sa labi.
Nakita ko yung pagsilay ng ngiti sa labi nya kahit nakapikit pa sya.
"I love you, Marx. Thank you for everything." Bulong ko sakanya at muli syang hinalikan.
"Anything for you, Cha. Mahal na mahal kita."
Wala na akong hihilingin pang iba. Sapat na sakin ang nakasama ko si Marx kahit sa huling sandali lang ng buhay ko.
//
Kakatapos ko lang makausap si Rocco sa phone. Pinadala pala sa apartment nya ang resulta ng medical ko noon. Gusto nyang sabihin sakin ang resulta pero ayaw ko ng marinig pa. Para saan pa na sasabihin nya yung result kung alam ko na namang mamamatay lang din naman ako. Ayaw ko na. Ipapamukha lang sakin ng papel na yun na ilang araw na lang ang buhay ko.
9 days. Oo 9 days nalang ang buhay ko at sobrang natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Si Nanay, Angge at Marx, silang tatlo sobra na yung pagbabantay sakin niyong mga nakaraang araw. Si Nanay, gumigising ng maaga para icheck ako. Natatawa na lang nga ako kapag pinipisil nya ako sa braso tuwing umaga. Pampagising nya daw sakin.
Si Angge naman. Lagi akong sinasamahan sa nga pinupuntahan ko. Kulang nalang hanggang sa pagligo ko kasama ko din sya eh. Naiintindihan ko naman yung sobrang pag-aalala nila sakin. Pero sana hwag naman yung pinapaalala nila sakin na malapit na. Malapit na.
Si Marx naman, ewan ko ba doon. Napapadalas ang sakit ng ulo nya. Pero kahit masama na ang pakiramdam nya pinipilit nya pa ring sumama samin sa mga lakad namin ni Angge. Nagpacheck up na din sya at normal lang daw na sakit ng ulo kasi napapadalas ang pagpupuyat nya. At kahit hindi nya sabihin, alam kong dahil sakin yun. Alam kong lagi syang nasa labas ng bahay namin tuwing gabi. Sinasabi sakin yun ni Angge. Nakikita nya si Marx na nakatingin lang sa bahay namin.
Sobra ang pagpapasalamat ko sa mga taong yun. Sobra ang pag-aalaga sakin.