Glaiza's POV
Ganun siguro talaga sa buhay. Darating ang malalaking pagsubok sa buhay mo ng hindi mo inaasahan. Ang kailangan mo lang maging matibay. Dahil kung mahina ka, siguradong matatalo ka ng kahit na anong pagsubok pa yan.
Katulad ng sakin. Dumating ang sakit ko sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Ni wala ngang senyales na may sakit na pala ako. Kung hindi pa ako nagpacheck up sigurado akong mamamatay nalang ako ng hindi pa nila nalalaman.
Si Marx, yung sakit na matagal na pala nyang iniinda. Hindi lang sya nagsasabi dahil ayaw nyang kaawaan sya. Hindi ko din naman sya masisisi dahil maging ako ganun din ang gagawin ko.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga lang at nagpapahinga. Kakagising ko lang at si Marx na agad ang nasa isip ko.
Agad akong tumayo para makapagbihis na. Gusto ko syang puntahan. Gusto ko syang alagaan. Gusto ko syang makasama. Kahit sa huling araw ko sya ang gusto kong makasama.
Last day. Oo last day ko na. At bukas? Hindi na ako sigurado sa dadatnan ko or may madadatnan pa ba ako. Magigising pa ba ako. May takot sa puso ko na baka hindi na ako magising bukas. Nakakatakot na ipikit ang mga mata ko.
After kong maligo at mag-ayos. Kinuha ko na ang phone ko at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si Nanay sa sala at abalang nanunuod ng tv.
Lumapit ako sakanya at hinalikan sya sa noo. "Good morning, Nay."
Humarap sya sakin at nakita ko ang napakalapad nyang ngiti. Ito ang mamimiss ko kapag nawala na ako.
"Magandang umaga sayo, Cha. Kamusta ang pakiramdam mo? Aalis ka ba?" Tanong sakin ni Nanay.
Umupo ako sa tabi nya at niyakap sya. Naiiyak ako pero kailangan kong pigilan to. Ayaw kong ipakita kay Nanay na pinanghihinaan na ako ng loob ko. Kahit ito na ang huling araw ko. Gusto kong maramdaman na normal pa rin ang lahat.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap kay Nanay ng maramdaman ko ang tuluyang pagbagsak ng mga pasaway na luha ko.
"Okay lang yan, C-cha." Wika ni Nanay na halatang umiiyak na din. Kahit hindi ko sya nakikita. Alam ko. .ramdam kong umiiyak na sya. At mas lalo ko pang napatunayan na umiiyak sya dahil may tumulong basa sa braso ko.
"N-nay, natatakot ako. P-paano kung. .kung hindi na ako magising bukas? Paano ka na? Si Angge. Si M-marx. . .N-nay." Sa sobrang pagluha ko. Gusto ko ng magfreak out ngayon. I can't breath. Lumalabo na din ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy na bumabagsak sa mga mata ko.
Hindi ko ata kayang kontrolin ang mga traydor na luha ko. O baka dahil ngayon ko lang nailabas tong bigat na nararamdaman ko.
"Cha, maging ako ay natatakot sa pwedeng mangyari. Pero pwede bang hwag na natin isipin ang bagay na yun?" Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Nanay ng gumalaw sya. Humarap sya sakin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi at iniharap nya ako sakanya. Ngayon ko lang nakita ang mapupulang mata ni Nanay ng dahil sa pagluha nya. "N-natatakot din akong gumising isang umaga na wala ka na sakin, Cha. Nanay mo ako. At mas masakit para sakin na nakikita kang ganito." Pinunasan nya ang mga luha ko. "Kaya hwag ka ng umiyak dyan. Hanggat gising ka at kasama kami. Wala ka dapat ikatakot."
Hindi na ako nagsalita pa. Muli ko lang niyakap si Nanay. Kung pwede lang na ganito kami hanggang sa makatulog ako ay gagawin ko.
//
Marx's POV