Chapter 32

111 12 4
                                    

"Okay! Okay fine! I'll tell you na. Just stop the pangungulit lang, Cha." Sabi ni Rocco sabay taas ng dalawa nyang kamay hudyat na sumuko na sya sa pangungulit ko sakanya.

Kanina ko pa kasi sya tinatanong kung kilala nya si Marx or nakakausap man lang.

"Kilala mo ba sya?" I asked, again.

Umiling si Marx. "Hindi. Hindi ko sya kilala. But the truth is. ." Nakatingin lang ako sakanya.

"What?" Iritado kong tanong sakanya ng ang tagal nyang sumagot.

"Mainipin ka bata."

"Roccooooo!"

"HAHAHA. Fine! Hindi ko sya kilala. Pero one time kasi, habang naggi-gig tayo napansin ko syang panay ang kuha ng pictures sayo. Then after nating kumanta. Nilapitan ko sya. Tinanong ko if kilala ka ba nya but he answered a 'No'. I want to ask him kung bakit panay ang kuha nya ng picture nya sayo pero bago ko pa maitanong yun nagsalita na sya at sobra akong nagulat sa sinabi nya." Huminto na naman sya. Hays, Rocco! "Sabi nya. . 'I'm sorry. Nagagalingan lang akong kumanta sa girlfriend mo.' Yun ang sinabi nya. Natawa pa ang ako nun eh. Then sinabi ko na hindi kita girlfriend at dun na nya inamin sakin na may gusto sya sayo."

Unti-unting nabubuo ang mga puzzles sa utak ko. Napatingin ako sa gilid. Napaisip. Matagal ng gumagawa ng effort si Marx for me. Bakit hindi ko man lang napansin ang mga iyon.

"And one more thing, Cha. Tutal alam mo na naman ang lahat. Sasabihin ko na din sayo to."

Napatingin ako sakanya. "May hindi pa ako alam na ginawa nya?"

"I think so?" Kunot noo nyang tanong sakin.

"Then what is it?"

"Remember the night na tumugtog kami sa resort kung saan kayo nag-stay? Sa bicol?"

Napatingin ulit ako sa gilid. Inaalala ang sinabi ni Rocco. At biglang pumasok sa isip ko yung gabing hinila ako ni Marx papunta malapit sa hotel para manuod ng banda at sila Rocco nga iyon.

"Wait. .hwag mong sabihing. . ."

"Yes! Si Marx ang may gawa nun. Humingi sya ng favor sakin. Tumugtog daw kami doon para sayo. Dahil namimiss mo na ang band. Hindi naman ako nagdalawang isip sa favor na yun ni Marx. Para sayo eh. Alam mo naman ako! Kaibigang tunay. Si Marx ang may gawa ng lahat ng iyon. Hindi lang basta nagkataon na may event doon at kami ang nakuha para kumanta. Ginawa ni Marx lahat ng iyon just to make you happy at hindi naman naging failed ang lahat ng plan nya. Sumaya ka naman noon diba?"

Napakagat labi ako. Pinipigilan ko yung luha ko na pumatak. Sobra na yung ginawang effort ni Marx para sakin. Pero ako bakit parang wala pang nagagawa para sakanya?

"He really loves you, Cha. Kitang-kita ko yun nung magkasama kayong dalawa."

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa na syang pumatak. Sa sobrang saya.

Gumagawa sya ng effort ng hindi ko man lang napapansin dahil busy ako sa buhay ko na akala kong malapit ng mawala. Pero ang totoo . . mas malala pa ang nararamdaman nyang sakit sakin.



//




"Kamusta ang Kuya mo?" Tanong ko kay Arra pagkadating ko sa hospital.

Nakaupo lang sya sa tabi ni Marx habang hawak ang kamay nito. "He's fine. Sabi ng Doctor kanina pwede na syang lumabas bukas."

Napansin kong parang matamlay si Arra. Lumapit ako sakanya at kinapa ang noo nya. Mainit si Arra.

"May sakit ka." Pag-aalala ko sakanya.

"I'm fine, Ate." Tumingin sakin si Arra at nginitian ako. "Thank you dahil nandyan ka for Kuya. Aaminin ko, hindi ko na kakayanin to ng mag-isa."

Hinawakan ko sa magkabilang pisngi si Arra at hinarap sakin. Umiiyak na sya. "Hindi ka na ngayon mag-iisa para alagaan ang Kuya mo. Lagi na akong nasa tabi mo ngayon. I promise." I smiled at her saka sya niyakap. Humiwalay din ako agad sakanya dahil sa init na nararamdaman ko sa katawan nya. "But for now. Take a rest, Arra. Nagkakasakit ka na. Pinapabayaan mo ang sarili mo. Magpahinga ka na. Ako ng bahala dito. Umuwi ka na muna."

"Thank you."

Tumayo si Arra. Kinuha nya yung bag nya sa sofa saka lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ni Arra. Umupo ako sa tabi ni Marx. Nakatingin lang ako sakanya. Ngayon nya ako kailangan. At may lakas na ako ng loob ngayon to live dahil wala na yung kinakatakutan kong sakit ko noon. Yung inaakala kong sakit ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Marx. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa sitwasyon namin.

Bakit kasi ganun? Nung sya yung nandyan for me, ako yung natatakot na magmahal. Pero ngayong nandito ako at handa na, sya naman yung nagkasakit.

I'm here now, Marx. Hindi ako mawawala sa tabi mo no matter what.

Hindi ako aalis sa tabi nya.












Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong humahawak sa ulo ko. Nakatulog na pala ako sa sofa. Pagdilat ng mga mata ko nakita ko si Marx na nakatingin sakin. Nakangiti sya na para bang okay sya.

Pero agad akong napaayos ng upo ng maalala kong may sakit sya.

"M-marx. . .okay ka lang ba? Y-you need anything?" Taranta kong tanong sakanya.

Nakangiti syang umiling as his answer. Umupo sya sa tabi ko. "Cha."

Parang tumalbog ang puso ko ng tawagin nya ang pangalan ko.

"Naaalala mo ako?" Maluha luha kong tanong sakanya. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan yun.

Pero hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko sa sunod nyang sinabi.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang babaeng mahal na mahal ko."

Nawala lahat ng pangamba, takot at lungkot na nararamdaman ko sa mga oras na nakikita ko syang nahihirapan. Nawala lahat.

Hinawakan nya ako sa pisngi at dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sakin para halikan ako sa noo.

Ito yung namis ko sakanya. Yung pagpaparamdam nya sakin how much he loves me. How much he care for me. At kahit na may nararamdaman na syang hindi tama. .mas inuuna nya ako.

"Thank you for staying, Cha. Don't leave. Please." Halos pabulong nalang nyang sabi.

"I promise not to leave. Nasa tabi mo lang ako lagi."

We hugged each other. Sana ganito nalang si Marx lagi. Yung hindi nahihirapan. Hindi nasasaktan. Hindi nakakalimot. Sana ganito nalang kami.

Last 24 hours with YouWhere stories live. Discover now