Chapter 26

95 10 4
                                    




1 year later...











Marx's POV









"Tumayo ka na dyan, Kuya. Oras na ng pag-inom ng gamot mo."

Umayos ako ng upo sa kama. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla nalang itong sumakit. Narandaman ko nalang din ang paghawak ng babaeng gumising sakin sa kamay ko.

"Kuya, what happened? Sumasakit na naman ba ulo mo? Tell me." Tanong nya sakin. Pilit nyang inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa ulo ko.

Pero himbis na sagutin sya ay naitulak ko nalang sya bigla. Narinig ko pa ang pagkalabog nya sa sahig. Tinignan ko sya at nakita kong nahihirapan syang tumayo. S-sino nga ba sya? Hindi ko maalala kung sino sya. Mas sumasakit lang ang ulo ko tuwing pinipilit kong alalahanin kung sino sya.

"Kuya. . ."

"L-lumabas ka na. ." Ano nga bang pangalan nya? Nasa dulo na ng dila ko pero hindi ko mabanggit. Ugh! Akma pa sana syang lalapit pero tinaas ko ang kanang kamay ko just to stop her. "Leave." Giit ko. Hindi ko sya matignan. Naguilty ako sa nagawa kong pagtulak sakanya kanina lang.

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan. Maingat akong tumayo at nagpunta ng banyo. Baka sakaling mawala ang sakit kapag naligo ako.





















"Kuya? Kuya, you okay there?"

Nagising ako sa paulit-ulit na pagsigaw at pagkatok ng kung sino man ang nasa labas ng banyo. Tumayo ako at naglakad palapit sa pinto. Binuksan ko yun at bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ng isang babae.

"Kuya. . ."

Agad nya akong niyakap. B-bakit umiiyak sya? Nasisiraan na ba sya ng bait.

"L-lumayo ka. B-basa pa ako. Baka magbasa ka din at magkasakit ka" Pilit ko syang inaalis sa pagkakayakap sakin. Pero mas hinigpitan nya pa ang pagkakayakap nya sakin.

"Kuya, pumayag ka na. Pumunta na tayo ng hospital para makapagpa-check up ka. Hindi masamang maging mahina paminsan-minsan. Alam kong nahihirapan ka na sa kondisyon mo. Maging ako nakakalimutan mo na. Please pumayag ka na." Narinig ko ang mahina nyang paghikbi.

"Ilang oras akong nasa loob ng banyo?" Tanong ko sakanya.

Bumitaw sya sakin at tinignan ako. "D-dalawang oras." Sagot nya.













//














"Sigurado ka bang iniinom mo ang mga gamot na ibinigay ko sayo? Kasi Mr.Topacio, to tell you honestly. Mas lumalala ang kondisyon mo. Hindi ka na dapat aabot pa sa puntong sumasakit ang ulo at nakakapanakit pa."












Naalala ko ang ilan sa mga sinabi ng doctor kanina lang. Napapayag ako ng kapatid ko na magpunta doon kahit ayaw ko ng bumalik pa.

Akala ko magiging maayos pa ang kondisyon ko. Pero mas lalo pa palang lumalala ito habang tumatagal. Ano pa bang pwedeng mangyari sakin sa paglipas ng mga araw? Maaari akong tuluyang mawalan ng ala-ala. Ang pinakamalala, pwede akong mamatay. May takot man sa puso ko pero kailangan kong maging matatag.

"Kuya, pwede ba tayong dumaan sa mall? May bibilhin lang ako." Wika ng kapatid ko. Hanggang ngayon. Hindi ko pa din naaalala ang pangalan nya. Ayaw ko namang itanong dahil natatakot ako na malamang tuluyan ko ng nakalimutan sya. Gusto kong alalahanin ang pangalan nya sa sarili ko lang.

Tanging tango lang ang naisagot ko sakanya.

"Thank you." Sambit nya at ibinalik ang tingin sa bintana.










//












Third Person's POV











Abala si Arra sa paggupit ng mga larawan nilang dalawa ni Marx. Kinuha nya pa ito sa mga album na naitabi nya. Litrato kung saan magkasama silang dalawa at ang mga magulang nila. Ang ilan naman sa litrato na nilabas nya ay nilagay nya sa frame at dinisplay ito sa cabinet sa sala.

"A-a. . . ." Napalingon si Arra ng may marinig syang nagsalita. Nakita nya si Marx na nakatayo sa bukana ng kitchen at nakatingin sakanya.

"Arra, Kuya. Arra ang pangalan ko."pagpapakilala nya. Alam nyang hindi maalala ni Marx maging ang pangalan nya. Naiintindihan naman ni Arra ang kondisyon ng kapatid kaya ginagawa nya din ang lahat para gumaling ito.

Dahan-dahang humakbang papalapit si Marx kay Arra. Umupo sya sa tabi nito at tinignan ang ginagawa nya.

"P-para saan yan?" Tanong ni Marx. Mahina lang ang boses nito pero rinig pa rin ni Arra.

"Ilalagay natin to sa kwarto mo, Kuya."

"B-bakit?"

"Para kapag nakakalimutan mo na ang lahat. Tignan mo lang ang mga picture natin. Para maalala mo parin ako." Maluha-luha ang mata ni Arra habang sinasabi nya iyon kay Marx. "Wait. M-may nakalimutan akong kunin. Dyan ka lang."


Tumayo si Arra at pumunta sa kwarto nya. Kinuha nya ang isang camera sa bag nya at lumabas na din agad. Naabutan nya si Marx na may hawak na isang litrato at pinagmamasdan itong mabuti.



Umupo si Arra sa tabi ni Marx. Inilapag nya ang camera sa mesa at kinuha ang litratong hawak nya.

"Sino sya?" Tanong ni Marx.

"Makikilala mo rin sya, Kuya. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka. Lahat." Sambit ni Arra at saka ibinalik ang litrato ng isang babae na may hawak na gitara habang kumakanta sa isang stage. Muling kinuha ni Arra ang camera at inabot iyon kay Marx.

"Anong meron dito?" Halata sa mukha ni Marx ang pagtataka.

"Keep it. Sabi ko naman sayo diba. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka."

Hindi man maintindihan ni Marx ang sinasabi ng kapatid ay ngumiti na lamang sya.

Agad na binuksan ni Marx ang camera pagkapasok nya sa kwarto para tigna ang laman nito. Kumunot ang noo nya ng makita ang mga lamang litrato nito. Iisang mukha lang ang nakikita nya.

Hindi maintindihan ni Marx ang nararamdaman habang pinagmamasdan nya ang babae sa litrato. Pero isa lang ang sigurado para sakanya. Kilala nya ito.













Cha. . . .mahinang sambit ni Marx. Hindi man sigurado sa pangalang naisip ay alam nyang naging parte ito ng buhay nya.

Last 24 hours with YouWhere stories live. Discover now