Chapter 4

157 9 0
                                    





Last 27 days. Bulong ko sa hangin.




Kababalik lang namin ni Marx galing sa bayan. Naglibot libot kami doon. Nakakapagod pero worth it. Mas okay pala kung wala akong planner. Mas masaya pag nangyayari nalang talaga at hindi pinaghahandaan.




"Ang pag-ikot.. ay hindi mo na mapipigilan. Suwayin mo man ang kapalaran. Walang magagawa...." pagkanta ko. Nakakamis na din ang banda. Sigurado ako. Kung hindi nangyari ang lahat ng ito. Hanggang ngayon kumakanta pa din ako.


"Ang galing mo palang kumanta." Napatingin ako sa likod. Si Marx. Tumabi sya sakin. Nandito kami ngayon sa dalampasigan sa tapat ng bahay namin ni Mama.


"Anong ginagawa mo dito? Ang layo ng hotel dito ha." Nagbato ako ng maliit na bato sa dagat.



"Wala lang. Hindi pa ako makatulog eh. San tayo bukas?" He asked.


Pumulot ulit ako ng maliit na bato at initya yun sa tubig. "Simbahan tayo bukas. Sunday eh."



"Okay. Hindi ka pa matutulog? Anong oras na ah. Dapat nagpapahinga ka na ng gantong oras." I looked at him. Bakit parang concern sya sakin? "Maaga pa tayo bukas diba?"



Nagbawi ako ng tingin sakanya. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko ngayon. "Yeah."



"Tignan mo tong bato." Napatingin ako kay Marx. May hawak syang maliit na bato at saka yun inihagis sa dagat. "Nakita mo yun?"



"Anong meron dun?"




He smiled. "Simple lang. Yung batong inihagis ko. Para syang sakit ng tao. Sya yung nagbibigay ng bigat. At yung tao sya yung dagat. At yung mga tubig na tumalsik nung dumating na sakanya yung bato sya yung buhay ng tao. Akala mo marami pa. Pero hindi na pala. Pakuntin ng pakunti ang talsik hanggang sa tuluyan ng mawala yun ng hindi man lang natin namamalayan."



I just looked at him. Parang may iba sakanya. Alam nya kaya ang tungkol sa sakit ko?




"Ikaw? Kung ito na ang huling araw mo. Anong gagawin mo?" He asked.




Sasakyan ko na nga lang trip nya. "Simple lang. kakanta ako ng kakanta hanggang sa.." I smiled bitterly. "Mawalan na ako ng hangin. Ikaw anong gagawin mo?"



"Makikinig lang sayo." He looked at me tapos ngumiti. "Matulog ka na. Good night, Cha."



Tumayo na si Marx at naglakad palayo sakin. Naiwan akong mag-isa doon at nakatingin nalang sa tubig.


"Chaaaa, pumasok ka na anak." Rinig kong sigaw ni Nanay.


Tumayo na ako. Pero nakakita pa ako ulit ng isang bato pa. Kinuha ko yun at binato sa dagat.


Kung ito na ang huling araw ko. Sisiguraduhin kong lahat ng gusto ko nagawa ko na. Kakanta pa rin ako hanggang sa huling araw ko. Sambit ko sa isip.




//





Katatapos lang ng misa. Pero nasa loob pa rin kami nila Marx at Nanay. Nagdadasal pa kasi si Nanay.



"Pinangarap mo din bang ikasal?" Bulong sakin ni Marx.


Napadilat ako. "Ano bang klaseng tanong yan Marx?"


"Dali na, Cha. Just answer me."


"Alam mo ikaw. Kahit kailan napakadaldal mo." Irita kong sambit.


"Cha, Hijo. Huwag kayong maingay at may mga nagdadasal." Saway samin ni Nanay.


"Ang ingay mo kasi eh."sisi ni Marx sakin.



"Ako pa talaga ang maingay. Sa labas nga tayo."


Hinila ko sya palabas. Alam na ni Nanay kung saan naman ako pupuntahan kapag naiiwan sya sa loob ng simbahan at nagdadasal.



Pumunta kami sa tindahan ng mga kakanin. Bumili ako ng dalawa. Tag-isa kami syempre ni Marx.



"Ano na?"



Kumagat ako dun sa kakanin ko. "Anong ano na?" I said while chewing my kakanin.



"Pinangarap mo ngang ikasal?" He asked.



"Syempre naman oo. Babae din naman ako. At lahat naman ng babae pinangarap yun." I answered him. Totoo naman pinanharap ko din. Pero wala na sa isip ko yun eh. Wala na. "Bakit mo ba natanong?"


"Wala lang. Nasa simbahan kasi tayo eh."



"Pero hindi sa simbahan gusto kong ikasal." I said na parang nagdidaydream ako.


"Saan?"



"Wedding beach ang wedding dream ko. Sana one day matupad. Hehe."



Ngumiti si Marx. Hindi na sya ulit nagtanong ng kung ano pa. Bumalik kami sa simbahan pero si Marx kung ano ano na naman ang naiisip. Hinila nya ako sa pwesto ng matandang babae na manghuhula.



"Naniniwala ka dyan?" I asked him.



"Oo naman. Haha. Sa probinsya namin. Madalas akong magpahula. Pero sabi naman nila nasa sayo pa din ang kapalaran mo. Enjoy mo nalang." Sabi nya. Umupo sya sa upuang nasa harap nung matanda. "Lola, pwede ko bang malaman kung anong magiging kapalaran ko?"



"Tungkol saan ba hijo?" Tanong nung matandang babae.


"Sa... career ko? Lovelife?" Marx said.


"Akin na ang palad mo." Inabot ni Marx ang kamay nya sa lola.



Tinitigan iyon ng mabuti nang matanda. Pinaikot nya pa sa palad ni Marx ang hintuturo nya sabay sabing.. "Natagpuan mo na ang babaeng mamahalin mo hanggang sa pagtanda mo." Para naman akong natuwa sa sinabi ni Lola kaya umupo na din ako sa gilid. "At sa oras na magkasabihan na kayo ng nararamdaman. Huwag mo na syang pakakawalan. Ingatan mo sya. Alagaan." Kumunot ang noo ko."



"Kailan ko po sya makikilala?" Tanong ulit ni Marx.



"Malapit na. Malapit mo na syang makilala." Sagot ng matanda. Tumingin sya sakin tapos...


"Cha, tara na. Umuwi na tayo." Magsasalita pa sana sya pero biglang dumating si Nanay.



"Mauuna na po kami, Lola. Babalikan kita dito sa oras na makilala ko sya. Salamat po." Paalam ni Marx sabay abot ng pera sa matanda. Hindi naman humihingi ng kapalit si Lola. Pero ininsist talaga ni Marx na tanggapin yun.


Bago pa ako makahakbang. Hinawakan ng matanda ang kamay ko. "Ingatan mo sya."


Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Sino ho?"


"Yung lalaking kasama mo. Ingatan mo sya." Napatingin ako kay Marx. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. "Alam kong may pinagdadaanan ka ngayon, anak. Kakayanin mo yan sa tulong nya." Mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa huling sinabi ni Lola. Paano nyang nalaman na may pinagdadaanan ako? Totoo ba to? Nahuhulaan nya talaga kami.


"Mauuna na po ako." Paalam ko kay Lola. Baka kung ano pa ang masabi nya at hindi ko na kayanin pa.





//





Later that night. Nagkita kami ni Angge. And I told her about sa manghuhula kanina. Kahit sya hindi makapaniwala sa sinabi ko. What if totoo lahat ng sinabi nung matanda? Ako kaya yung sinasabi ng matanda na makikilala ni Marx? Pero magkakilala na kami. Imposible.


Napailing ako. Imposible yung mga sinabi ng matanda. Hindi ako yung makikilala ni Marx. Hindi pwede.


Pinikit ko ang mga mata ko. Ayaw ko ng mag-isip ng kung ano.


Last 26 days, God. Good night.

Last 24 hours with YouWhere stories live. Discover now