Naalimpungatan ako ng biglang huminto ang bus namin. Medyo maliwanag na din naman. Tinignan ko ang oras sa suot kong wrist watch. 6:30 am. May 6 hours pa kaming byahe. Tumingin ako sa bintana. Nandun ang ilang pasahero. Mukhang nasiraan ang sasakyan namin. Pag minamalas ka nga naman oh. Babalik na sana ako sa pagkakasandal ko ng mapansin ko yung katabi ko na naglalakad-lakad sa gilid.
Halos isang oras na din kaming nakahinto sa gitna ng kawalan. May mga dumadaan na bus pero hindi naman yun papuntang bicol. Kaya hindi din ako makalipat ng bus. Bumaba na din ako ng sasakyan sa pagkainip ko. Dala ko ang mga gamit ko. Baka sakaling may mapadaan na papuntang bicol.
Palakad-lakad ako sa gilid ng kalsada ng mapansin ko na naman yung lalaki. Nakaupo nalang sya sa tabi. Kagabi nya pa hindi tinatanggal yung suot nyang shades. Feel na feel nya. Tsk.
Nang makaramdam ako ng pagod. Umupo nalang din ako sa tabi. Nilabas ko yung planner ko. Day 7, last 29 days. Magiging worth it kaya ang lahat ng to? Magiging makabuluhan kaya ang natitirang araw ko sa mundong to? Wala pa akong nasusulat na ibang plan sa ibang araw. Saka nalang siguro pag nakauwi na ako samin. Dun ko naman talaga balak mamatay. Sa pamilya ko.
Habang naghihintay matapos gawin ang bus. Sa kabilang dulo ng daan may napansin ako na bridge. Mukhang maganda doon. Ngumiti ako at nilabas ang phone ko. Gusto kong magpicture doon. Lumapit ako sa bridge. Pagsilip ko sa baba napa-wow ako. Wala sa sarili kong umakyat ako sa taas. Gusto ko yung shot ko nasa taas ako at kuha ang baba. So pinilit ko talagang gawin yun. Binaba ko na din yung gitara ko dahil mahirap umakyat ng may dala.
Ayun na eh. Ayun na. Konti nalang makukuha ko na yung shot ng biglang...
"Miss! Miss!!" Sa gulat ko ng may sumigaw napayakap ako sa poste ng bridge. Lokong lalaking 'to ah. Muntikan pa akong mahulog dahil sakanya.
"Hoy a-anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!" Binuhat ako nung lalaki pababa. "Kaya ko naman sarili ko eh."
"Magpapakamatay ka ba?" Tanong nya sakin.
Tinignan ko sya ng masama. "Tanga ka ba? Bakit ako magpapakamatay?"
"Ewan ko sayo. Malay ko ba kung sawa ka na sa buhay mo." Sagot nya sakin.
"Siraulo! Ilang araw nalang ang itatagal ng buhay ko tapos pagsasawaan ko pa? Tsk."
Halata sa mukha nya yung shock sa sinabi ko. Natahimik lang sya.
"Aalis ba ang bus." Sigaw nung konduktor.
Kinuha ko na yung gitara ko at pumunta na sa bus. Bakit ko ba sinabi yun sakanya. Hindi naman kami close dalawa.
Habang nasa byahe kami, tinignan ko yung mga picture ko kanina. Perfect yung iba. May isa lang talaga na hindi dahil sa pakielamero kong katabi. Kainis. Nagblurr ang lahat! Asar! Wala na akong ibang kuha sa bridge na yun. Kasalanan to lahat ng lalaking katabi ko ngayon. Kasalanan nya to.
"What?" He said. Napansin nya siguro akong nakatingin sakanya.
"Kung hindi mo ako pinakaelaman kanina..."
"Kung hindi kita pinakielaman kanina wala ka na sana dito sa tabi ko ngayon. You owe me. Dapat magthank ka pa sakin." I can't believe this! Ang hangin nya.
"You know what. There's no reason to be thankful. Dahil sayo kaya hindi ko nakuha yung gusto kong shot kanina dun sa bridge. You ruined everything. You ruined my happiness." I said with disbelief. He is so jerk! Argh!
"Wow. As in wow. Seriously? Natatawag mo ng happiness yun? Ang babaw mo namang tao." He's smirk.
Nauubusan na ako ng pasensya sa taong 'to. Ayaw ko na. Kung sya lang din naman ang makakasama ko sa mundong to. I'd rather to die than live with him.
After ng ilang oras huminto ulit ang bus. Stop over again. Ilang oras nalang huminto pa tong bus. Can't wait na makauwi na ulit samin. Makita si Nanay. The only reason why I wanted live more. Kung bakit lumalakas ang loob ko sa kabila ng lahat.
//
"Finally, bicol!" I said, with full of smile. Sa tuwa ko gusto ko pang yakapin ang buong bicol. Sariwang hangin. Hindi tulad ng sa maynila.
"Ma'am bayan po?" Tanong sakin ng isang lalaki.
"Opo..." magsasalita palang sana ako ng biglang dumaan sa harap ko yung lalaking katabi ko sa bus.
"Bayan, Manong." He said sabay sakay sa motor na nakahinto sa harap ko.
Hanggang dito ba naman daw inaasar nya pa rin ako! Ako yung kinakausap ng lalaki eh.
"Ma'am, sabay ka na." Tumingin sakin yung lalaki.
"Hindi na manong. May susundo sakin. Thank you." I said.
//
Huminto anng trike na sinakyan ko sa tapat ng resort where my Nanay working. Dito na din sa loob ng resort kami nakatira. Great! No stress. Just fresh air. What I needed the most. Ma-eenjoy ko pa ang natitirang araw ko.
Pumasok ako sa loob ng resort. And I saw my bestfriend Angge talking to someone. Maybe guest nila. But the tall guy she was talking with right now is familiar.
"Cha?" The familiar voice caught my attention. I look back and saw my Nanay. I felt a liquid in my eyes na babagsak na. God! How I missed her. She run towards me. "Namis kita, anak." She gave me a tight hug. Na sobrang tagal kong hindi naramdaman.
"Kamusta ka na, Nay? Namis kita sobra." I said,
"Okay ako. Ikaw? K-kamusta ka?" I paused. Hindi nya nga pala alam ang tungkol sa sakit ko. No one knows. Maliban lang kay Rocco.
"I'm okay." I lied. Well, half truth, half lie.
"Cha? Omgeeeee, amigah! Kelan ka pa nakabalik? Rak star na rak star ang datingan ah?" Angge said na parang rakstar ang dating nya.
"Kamusta ka na, Angge?"
"Eto maganda pa rin. Mas gumaganda nga lang." She answered
"Nothing changed." I murmured
"Ay alam mo yan, Cha. HAHAHA."
Then we both laughed.
We talked so much random stuff with Nanay while having our late lunch. Like how Angge and her past relationship how ended. And to see Angge now, I know she's now fully moved on to that guy named JL. And she told me din her new suitor name Carlo. Her puppy love. Aw. I believe in destiny. I believe in love. I just don't like the thing "commitment". Siguro ngayon. Ayaw ko na. Ayaw ko na. Stop na muna ako sa pain na pwede kong maramdaman. I'm not ready yet.
Nang umalis na si Nanay. Niyaya ko si Angge sa tabing dagat. Kailangan kong sabihin sakanya ang sitwasyon ko. Para naman kahit sya lang ang nakakaalam hindi ako mahirapan if ever atakihin ulit ako.
"Ano?" Sigaw nya.
"Shhh. Hinaan mo naman boses mo. Baka may makarinig sayo." I said while putting my finger to her lip. "Hindi pa 'to alam ni Nanay. So please. Keep my secret okay? Hindi nya pwedeng malaman."
"T-teka nga, Glaiza! Ano ba to? Joke? Ginu-good time mo na naman ba ako ha? Kasi kung oo. Hindi nakakatuwa."
"I wish I am, Angge. Pero hindi eh. Matagal ko ng nararamdaman to. At nung nagpacheck ako. Binigyan na ako ng taning ng doctor."
"Teka lang! Wait. Saglit. Pwedeng ipaprocess mo muna sa utak ko lahat ng sinabi mo? Kasi, Cha.. hindi ko maisip eh. Kailan pa? Bakit? Paanong nangyari? Bakit hindi mo sabihin kay, Nanay?"
"Look, Angge. Pag sinabi ko 'to kay Nanay. Sigurado akong hindi nya kakayanin."
"At kailan mo balak sabihin? Sa last day mo? Cha naman." Napahawak pa si Angge sa noo nya.
"Alam kong mahirap paniwalaan, Anggre. Pero please. Make it a secret. Walang dapat na makaalam. Please."
She took a deep breath. It's hard for me to keep this to Nanay. Pero ayaw kong sayangin ang ilang araw ko dito sa mundo ng parehas kaming nalulungkot. Kung last day ko na ngayon. I'll make the most of it. Gagawin ko lahat para sumaya si Nanay.