Chapter 31

104 11 13
                                    





Pagdating ko sa hospital. Halos tumakbo na ako makarating lang agad sa kwarto kung nasaan si Marx.

Habang naglalakad ako. Hindi mawala sa isip ko yung mga pictures ko sa camera. Ilang taon ng nakalipas ang mga yun.

Bago ako pumasok sa kwarto nya. Huminga ako ng malalim. Gusto kong malaman kung bakit meron syang ganung mga pictures ko.

Pero nagulat ako ng bigla akong may marinig na sigaw galing sa loob. Si Marx.

Taranta akong pumasok sa loob at naabutan kong nasa sahig si Marx at nasa tabi nya si Arra.

Nakaupo si Marx at hawak ang ulo nito. Nakita ko naman na umiiyak si Arra.

"Anong nangyari?" Lakas loob kong tanong kay Arra. Lumapit na din ako sakanila. Binaba ko sa bed ang dala kong bag at saka ko nilapitan si Marx. Una ko syang tinignan bago ko bigyan ng tingin si Arra.

"Sumasakit na naman ang ulo nya." Nakatingin lang sya kay Marx. Bakas sa mukha nya ang sobrang pag-aalala at takot. "H-hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang hirap na hirap na si Kuya sa sitwasyon nya. Hindi lang sya nakakalimot. Panay pa ang sakit ng ulo nya. . ."

"Anong sabi ng Doctor nya?" I asked her.

"It's normal. Sa sakit ni Kuya. .normal lang daw ang sumakit ang ulo nya. Yun daw ang side effects ng gamot nya."

Tumingin ako kay Marx. Nakasandal na sya kay Arra at mukhang nawala na ang sakit ng ulo nya. Nawala na kasi ang pagkunot ng noo nya. Nakahinga ako ng maluwag.

Tumayo ako at tinulungan si Arra na dalhin sa bed si Marx. Hindi naman kami nahirapan dahil nakisama sya samin.

Pagkahiga ni Marx, inayos ni Arra ang kumot nito sakanya. Payapa ng nakatulog si Marx. Ilang minuto din kaming nakatitig lang kay Marx.

Unti-unting nawawala ang galit ko sakanya. Yung galit na nabuo dahil sa pag-iwan nya sakin noon.

"Ate. . ." Naramdaman ko ang paghawak ni Arra sa braso ko.

Tumingin ako sakanya. "Nakita ko na, Arra." Sabi ko sakanya. Binigyan nya ako ng matipid na ngiti. Ngumiti din ako bilang sagot sakanya.























"Paano mo nakakayanan?" Tanong ko kay Arra. Nakaupo kami ngayon sa sofa na katapat lang ng higaan ni Marx. Parehas kaming nakatingin sakanya.

"Kapatid ko sya. Mahal ko sya. At sya nalang ang meron ako. H-hindi ko ata kakayanin kung pati sya mawawala sakin, Ate." Napatingin ako sakanya. Nakita ko yung pagngiti nya sabay pagpatak ng luha nya.

Humahanga din ako sa tatag ni Arra. Dala-dala nya lahat ng bigat.

Umusog ako sa tabi nya para yakapin sya. "H-hindi ka na nag-iisa ngayon, Arra. Nandito na ako. Tutulungan kitang alagaan si Marx."

Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin. "May utang pa akong kwento sayo, Ate."

Natawa ako ng bahagya dahil sa sinabi nya. Pati sya natawa din. Para kaming timang. Kanina umiiyak ngayon naman tumatawa.

"Okay. Now tell me. Bakit may mga pictures ako sa camera ni Marx na nasa gig ako. M-matagal na nya akong kilala?"

Huminga sya ng malalim at hinawakan ako sa kamay. Bakit ba ako kinakabahan.

"Hindi ka lang nya basta matagal ng kilala, Ate."

"What do you mean?" Kumunot ang noo ko.

"Kuya loves you that much. Mahal ka na nya noon pa man. Hindi pa kayo magkakilala mahal ka na nya." Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi nya. M-mahal ako ni Marx noon pa man? Hindi pa kami magkakilala mahal na nya ako?

Last 24 hours with YouWhere stories live. Discover now