Magkahawak kamay naming pinasok ni Marx ang Ecology Park. Hindi din naman nagtagal at binitawan nya ako. Nilingon nya lang ako saglit. Ngumiti sya at nagpatuloy na maglakad. Paleft side sya habang ako nasa right side. Hindi naman kataasan ang mga dahon kaya malaya kong nakikita si Marx habang sabay naming tinutungo ang gitnan ng Ecology Park.
Dahan-dahan akong naglalakad habang dinadampian ko ng palad ang mga dahon na nadadaanan ko. Nakatingin lang din ako kay Marx all the way na para bang sya lang ang nakikita ko. Lumawak pa ang ngiti ko ng pahagingan nya ako ng tingin na may malaking ngiti.
Saglit nalang at mararating namin ang gitna ng Ecology Park kung saan magtatagpo kaming dalawa. Habang palapit ng palapit, can't take this feeling anymore. Palalim ng palalim ang nararamdaman ko para sakanya.
And this is it. Ilang hakbang nalang at mahahawakan ko na ang kamay nya. I want to hug him super tight.
Magkatapat na kaming dalawa. And I realized how much I love him right now. Thank you lord for giving him to me. Kahit na ilang araw nalang ang meron ako sa mundong ito. Gumawa ka pa rin ng way to make me happy. Thank you so much, lord. The best ka pa rin talaga.
"May nagawa ba akong mali? Why are you crying?" I didn't notice him na nakalapit na pala sya sakin. Naramdaman ko yung pagpunas nya ng luha ko.
Umiling ako ng ilang beses at yumuko dahil medyo nahiya ako. Bakit nga ba ako umiiyak? Tears of joy? Siguro. Dahil sobrang saya ko.
"Hey, Cha. What's wrong? Please tell me. Ayaw mo ba dito? Hindi mo ba nagustuhan? Pagod ka na ba? Gusto mo na bang. . ."
Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil pinatigil ko sya sa pagsasalita gamit ang halik ko sa labi nya. Yes, I kissed him on his lips. Masyado kasing madaldal ang isang to. Pero halata namang shock sya dahil hindi sya nakagalaw agad.
Bumitaw ako sa halik at nakita kong nakatingin lang sya sakin.
"Yan lang pala ang makakapagpatahimik sayo eh." Sabi ko sabay tapik sa pisngi nya ng mahina.
"A-anong ibig sabihin nun?" He asked.
Hindi ko sya sinagot. Tumakbo na ako pabalik sa pinagpasukan namin kanina. Alam kong sumunod sya sakin dahil naririnig kong tinawag nya ako.
"Cha, wait. What was that for? Yung kiss?"
Narinig kong sigaw nya. Mabuti nalang talaga at kaming dalawa lang ang nandito ngayon. Medyo yumuko ako para magtago. Alam kong hinahanap nya na ako ngayon. Nagpapaikot-ikot lang kaming dalawa dito.
Tapos maya-maya pa. Napansin kong tumahimik na sya. Kaya tumayo na ako para tignan sya. Hindi ko sya makita. Nasaan na yun?
Naglakad ako para hanapin sya. Patingin-tingin ako sa paligid but I didn't saw him.
"Marx?" Tawag ko sakanya. "Marx, where are you? Please stop hiding." Sigaw ko. Pero wala pa ding lumalabas na Marx.
Malapit na ako sa dulo ng biglang sumulpot si Marx. Napahinto ako at kinabahan dahil sa gulat.
"Kahit na anong mangyari. Kahit saan ka magpunta. Hahanapin at hahanapin kita, Cha. Lagi mong tatandaan yan." Sabi nya sakin.
Hinawakan mya ako sa magkabilang pisngi. Hinawakan ko naman yung kamay nyang nasa pisngi ko.
"Why?"
He smiled at me. "Dahil mahal kita. At sasamahan kita kahit saan."
"Kahit sa kabilang buhay?" I joked. Pero sineryoso na naman nya.
"Kahit sa kabilang buhay."
Hindi na ako nakasagot dahil hinalikan nya ako. Tapos niyakap nya ako ng mahigpit.
//
Nasa isang chapel kami ngayon ni Marx. Dito ang last destination namin ngayon bago kami bumalik sa resort.
Nakaupo kami ngayon malapit sa harap ng chapel.
"Ang galing ni Lord no? Kaya nyang pagtagpuin ang landas ng dalawang taong magkalayo. . ."
"He has his own way." Sagot ko kay Marx.
"Love can find their way to each other."
"But pain can make their parts away." Sagot ko naman sakanya.
"Pain can make you more stronger." Sagot ni Marx.
"But theres a possibility that pain can take your life away."
Dun na tumingin sakin si Marx. Ano ba namn kasi ang sinabi ko? I don't want to ruin our perfect moment. But I can't help it. Kapag masaya ako, may situation always reminding me how fragile I am right now.
"Hey, don't say that. Everything has a reason." He held my hand and squeezed it. "Kung bakit nagtagpo. Bakit kita nakilala. Kung bakit kailangan natin pagdaanan ang lahat ng yan. . ."
"I know. I know." I smiled at him
We hugged.
Saglit kaming tumahimik para magdasal ng tahimik. Nauna akong natapos. Nakita ko si Marx na nakapikit pa rin sya. Pinagmamasdan ko lang sya hanggang sa matapos syang magdasal.
"Ayos sa dasal ah. Anong pinagdasal mo?" I asked him after nyang magdasal. Sasagot palang sana sya pero pinigilan ko na sya. "Don't. Hehe. Baka hindi matupad ang dinasal mo pagsinabi mo sakin."
Ngumiti lang sya at ginulo na naman ang buhok ko. Sira talaga to. Hays.
"Tara na?" Yaya ko sakanya. Tumango lang sya sakin.
Tumayo na ako at mauuna na sanang maglakad pero nahinto ako ng hawakan na ako sa kamay.
"Pwede ba akong sumabay maglakad?" He asked.
Natawa ako ng bahagya dahil sa kalokohan nya. "Sira ka talaga. Malamang sasabay ka talaga. Isa lang naman ang pupuntahan natin eh. Dami mong alam."
"Hehe. Para naman kiligin ako. Haha."
We both laughed at magkahawak kamay kaming lumabas ng simbahan.
//
"Excited ka ng bumalik kila Nanay?" Tanong sakin ni Marx habang inaayos nya yung gamit namin sa likod.
"Yeah."
"Good." He said.
Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse. Tahimik lang kami habang nasa byahe. Sa 7 days namin na lumayo saglit, naging masaya talaga ako. And I'm very thankful to Marx. Ginagawa nya talaga ang lahat to make me happy.
Last 13 days. Kaya pa!