"Kuya. ." Napabalikwas ng bangon si Arra ng may marinig syang kumalampag sa kabilang kwarto. Nakatulog na rin sya sa kakahintay kay Marx na bumalik.
Agad syang bumangon. Hindi na din nya naisuot ang slipper sa kakamadaling makita kung anong nangyari sa kapatid nito. Lumabas sya ng kwarto nya at agad na nagtungo sa kwarto ni Marx.
Pagkabukas palang nya ng pinto ay agad syang nag-alala sa naabutan. Nakaupo si Marx sa sahig sapo ang ulo nito. Kalat-kalat na din ang unan sa lapag at basag na salamin at lampshade.
Tuluyan ng pumasok sa loob si Arra. Agad nyang nilapitan si Marx. Wala naman syang nakitang kahit na anong sugat sa kamay nito.
"What happened to you, Kuya? B-bakit ngayon ka lang bumalik? Saan ka ba galing? Kanina pa ako nag-aalala sayo. Hindi kita matawagan. Hindi ko alam kung saan kita pupuntahan. Kung saan. . ."
"SHUT UP!!!!"
Napahinto si Arra sa pagsasalita ng biglang sumigaw si Marx. Nakaramdam sya ng takot pero mas pinili nyang intindihin ang kapatid dahil sa kalagayan nito.
Madalas na nagagalit si Marx kumpara noon. Mas napapadalas na din kasi ang pananakit ng ulo nya.
Tumayo si Arra at nagpunta sa bedside table ni Marx. Binuksan nya ang isang drawer at kinuha doon ang gamot na iniinom nito. Nagtaka sya dahil halos 1 month na ng bilihin nila iyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong bawas.
Tumingin sya kay Marx. "Bakit hindi ka umiinom ng gamot mo, Kuya? Anong gusto mong mangyari sayo? Ha?" Maluha-luha si Arra habang pinagmamasdan si Marx na sapo-sapo pa rin ang sariling ulo nya.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo, Kuya. Bakit hindi mo matulungan yang sarili mo! Kung ayaw mong kinakawaan ka ng iba. Tulungan mo yang sarili mo." Tumayo si Arra at naglakad papuntang pintuan. "Mahal kita, Kuya dahil kapatid kita. Pero nakakapagod na din kasi." Tumalikod sya at akma ng isasara ang pintuan ng marinig nyang nagsalita si Marx.
"Cha. . .Cha. . ."
Tuluyang bumagsak ang luha ni Arra ng lingunin nya ulit si Marx. Bumagsak na ito sa sahig. Naalarma si Arra ng mapansin nyang nakapikit si Marx.
"Kuya! Kuya, wake up." Paggising ni Arra dito. Pero hindi gumigising si Marx.
Agad nyang dinampot ang cellphone ng kapatid at tumawag doon para humingi ng tulong.
//
Glaiza's POV
It's saturday. Nandito ako ngayon sa hospital para magpacheck up. Oo wala akong sakit. Pero mas gusto ko yung sigurado ako laging safe ako. Ayaw ko ng maulit yung noon.
"All cleared, Ms. De Castro. Nothing to worry." Ngumiti sakin yung Doctor. Tumayo sya at nakipagkamay sakin.
"Thanks Doc Rhi. Next month ulit." Nakangiti kong sabi sakanya.
"No problem, G. Basta pag napunta ako sa gig mo. Free drinks ko ha. Hahaha." She said with a laughed.
Natawa din ako dahil sa sinabi nya. "Ang yaman-yaman mo na Doc. Nagpapalibre ka pa rin sakin hanggang ngayon. Kuripot ka talaga." I laughed.
Then she giggled. "Haha. Just joking, G."
"What's up guys?" Sabay kaming napalingon sa pinto ng may magsalita.
"Hindi mo ba alam kung paano kumatok?" Pagtataray ni Rhian pero naglakad naman sya palapit dun sa pumasok. Hinalikan nya pa ito sa labi. Oh sweet.
"Well it's my fiancee's office. Hi, G."
"Hi Gael. Osya. Bago pa ako makakita ng live show dito. Aalis na ako." Paalam ko sakanila.
"Sira ka talaga. Sige na. Ingat ka."
"You too, guys." Bago ako tuluyang lumabas ng office ni Doc Rhi. Nilingon ko ulit sila and saktong paglingon ko. Hinalikan na naman ni Rhian si Gael. "Ahmf, guys." I terrupted them.
Kumunot namana ng noo ni Doc Rhi dahil sa ginawa ko. Si Gael naman napangiti lang. "What now, G? Go away. Cleared ka na diba?"
"Ito naman mainitin masyado. Relax. Gusto ko lang kayong payuhan as your loyal patient and good friend." Kumunot na din ang noo ni Gael. Nakakatawa ang itsura nilang dalawa. Haha. "Gumamit kayo ng proteksyon ha."
"Owww." Sabi ni Gael at halos mapatakip ng bibig.
"Ugh! Get lost, De Castro or else!!!" Inis na pagbabanta sakin ni Rhi. Hahaha.
"Bye!" Bago pa sya makalapit sakin lumabas na ako ng office ni Doc Rhian.
Naiiling nalang ako habang naglalakad. Naiisip ko silang dalawa. Buti pa sila masaya sa lovelife nila. They getting married na nga diba. Hays. Kanina nangingiti ako, ngayon naman bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Napadaan ako sa waiting area. Umupo ako saglit doon. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim at napaisip. What if namatay ako? Aalis pa rin kaya si Marx o magstay pa rin sya sa tabi ko kahit wala na akong buhay? Kasi kung ganun man, parang mas gusto ko pa ngang namatay nalang ako kesa naman ganito. Yeah, buhay nga ako. Pero I feel like I'm incomplete.
Pagdilat ko ng mga mata ko. May nakita akong isang pamilyar na babae. I know her. Nakita ko na sya. Si Arra. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yun.
Napatayo ako agad at sinundan sya. Nakita ko syang naglalakad papunta sa mga private rooms. Dahan-dahan akong sumusunod sakanya. Ayaw kong malaman nyang nakita ko sya. Pero anong ginagawa nya dito? Napahinto ako ng pumasok na sya sa isang kwarto. Lumapit ako at tinignan ang room number na pinasukan nya.
Room 243 bulong ko sa sarili ko.
Sumilip ako sa pinto. Salamin kasi ang gitna nito at medyo maliit lang pero sapat para makita ang nasa loob.
Kinabahan ako bigla ng makita ko si Marx na nakahiga at tulog. Anong nangyari sakanya? Bakit nandito sila? Sya ba talaga ang nakita ko sa bar last night?
Nagtago ako sa gilid ng makita kong lumingon ng bahagya si Arra sa pinto. Hindi nya ako pwedeng makita dito.
Ano bang gagawin ko? Papasok ba ako? Magpapakita sakanila? O aalis nalang? G, mag-isip ka ng maayos.
Ilang saglit lang. Hindi ko na namalayan na naglalakad na ako palayo sa kwarto nila. Hindi ko pa ata kayang harapin si Marx ngayon.
Unti-unti nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang gusto ng pumatak. Ano ba, G! Hindi ka dapat umiiyak ngayon.
"Ms.De Castro?" Napaangat ako ng tingin ng may tumawag sakin. Si Doc Rhi. Kita ko sa mga mata nya yung pag-aalala. Kaya naman pinunasan ko agad ang luha ko. "Bakit ka umiiyak?" Tanong nya sakin pagkalapit nya.
"W-wala, Doc. Mauuna na ako. Bye."
Naririnig ko pang tinatawag ako ni Doc. Pero mas binilisan ko pa ang paglakad. Lakad pa ba ang ginagawa ko o pagtakbo na? Tama ba na umalis ako?
Not now, G. Not now!