Kinaumagahan, maaga akong ginising ni Marx. May pinahanda syang breakfast for us malapit sa dagat. New environment? Parang dun lang din naman samin eh. Bugok talaga yun. Gumastos pa talaga.
"After natin kumain, magbihis ka na ha. . ." Sabi nya. Ang bossy talaga nito kahit kailan.
"Why?" I asked.
"Aalis tayo."
"And where we going?"
"Just trust me okay? Hindi naman kita ipapahamak eh."
"You won't do that."
"And why?"
"I don't know."nagkibit balikat sya.
This man is so impossible.
So after nga namin kumain. Nagbihis na ako. Baka mamaya pasukin na naman ako ni Marx no. No way. Feeling at home na nga sya sa bahay eh. Pati ba naman sa kubol na to. Ugh!
"Glaiza . . " tawag sakin ni Marx.
Ayan na sya. Ang bilis naman kasi nya kumilos eh. Nakakainis.
Nagmadali na akong lumabas ng kubol. Hindi na ako masyadong naglagay ng kung ano sa mukha ko dahil ang sabi nya sakin. Nakamotor lang kaming dalawa. Oh diba pak? Ang daming sasakyan ni mokong.
"Saan ba tayo ngayon?"
"Misibis bay." He simply answered.
Misibis bay? Oh great. Ang tagal ko na ding hindi nakapunta doon. Aww. Right timing nga ito para maikot ko ulit ang bicol.
//
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Narating namin ang Misibis Bay ng ilang minuto lang. Si Marx naman kasi, kabilis magpatakbo ng motor akala mo hari ng daan.
Habang papalapit kami ng papalapit. Napapangiti ako. Gumagaan ang pakiramdam ko. Ang saya ng pakiramdam. Parang nawala lahat ng nararamdaman ko bigat. Ang saya-saya lang.
"Tignan mo. Nakangiti ka na."
"Yeah." Sabi ko sabay tingin sakanya. "Thank you, Marx for doing this. For making me happy." I sincerely thank to him.
"No worries, G. Para sa happiness mo. Gagawin ko ang lahat."
Bawat salitang lumalabas sa bibig nya. Alam kong nagdudulot ng saya sa puso ko. Hindi ko man aminin pero mahal ko na talaga si Marx. Short time to feel this? Well yun ang sabi nila. Hindi mo magagawang mahalin ang isang taong kakakilala mo lang. But for me? Hindi naman mata mo ang nagmamahal. Puso ko. So kahit na gaano payan ka-short time. Kung nararamdaman ng puso mo na mahal mo talaga sya. Wala ka ng magagawa dun.
"Ang ganda masyado ng mundo para itago at ikulong mo yang sarili mo sa dilim."
Minsan talaga ang lalim magsalita ni Marx. Hindi ko din sya maintindihan minsan.
"Sabi nga nila. Mabuhay ka na para bang wala ng bukas." Dagdag nya pa.
"Siguro kung ito na ang last day ko. Mukhang hindi nalang ako kakanta." Alam kong tumingin sakin si Marx. "Palalayain ko na rin ang sarili ko sa pagkakakulong sa takot. Tama ka kasi. Kailangan kong mabuhay ngayon na para bang wala ng bukas." I looked at him and smiled.
After ng ilang saglit na malalalim na salitang binitawan namin. Pinicturan ako ni Marx sa ilang magagandang shot dito. Ganun din naman ang ginawa ko sakanya kahit pa na ayaw nya.
//
Ang dami pa naming pinuntahan ni Marx. Dadaan din sana kami sa Eco park kanina pero hindi na kami tumuloy dahil biglang nagdilim ang langit. Baka umulan. Nakamotor lang kami.
Nandito lang ako sa loob ng kubol simula kaninang pagdating namin. Ilang oras na din ang nakalipas. Nakakapanibago dahil wala pang tumatawag sakin sa labas. Nakasanayan ko na din siguro na lagi akong ginugulo ni Marx kahit na ano pa ang ginagawa ko.
7pm. . .
Lumabas ako sa kubol at nagdesisyon na puntahan si Marx para ayaing magdinner. Nagugutom na din kasi ako.
Dalawang kubol lang ang pagitan namin. So bago pa ako makarating sakanya. Nakita ko na syang nakaupo sa labas. Nagdahan-dahan akong lumapit sakanya kasi napansin kong nakapikit lang sya.
Nang makalapit na ako sakanya. Pinagmasdan ko ang mukha nyang nakapikit. Bakit dito natutulog ang isang to. Pwede namang sa loob.
Naalala ko yung unang beses kaming magkita. Parang ganito din yun. Ang pinagkaiba nga lang, nasa bus kami at hindi pa kami magkakilala nun.
"Marx." Gising ko sakanya. Kinakalabit ko pa sya ng mahina sa braso. Biceps tol!!!
Hindi natinag. So kinalabit ko ulit sya. Pero hindi na dumilat. Bigla nalang nya akong hinila at niyakap. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa gulat sa ginawa nya. Pero ng may mapansin akong taong dadaan. Kumawala ako agad sakanya.
"Siraulo ka talaga. Tumayo ka nga dyan. Bakit nandyan ka?"
"Lumalanghap ng sariwang hangin." Sagot nya sakin. Tumayo na sya. "Why?" Tanong nya.
"Tatanong ka pa dyan. Anong oras na kaya. Nagugutom na ako."
Bakas naman sa mukha nya yung mataranta. "Oh shocks. Oo nga pal. Sorry, Cha. Tatawag lang ako sa front desk. Papadeliver ako ng food." Sabi nya. Kinuha nya yung phone nya sa bulsan ng short nya.
Hinintay namin ni Marx ang food dito nalang sa kubol nya. Dito na kami kakain.
Habang kumakain kami. Hindi ko maiwasang mapansin ang pananahimik nya. Ano kayang problema nito? Kanina lang umaga ang saya nya. Ngayon naman tahimik. What's wrong, Marx.
"Thank you sa paghatid. Matulog ka na din." Sabi ko. Hinatid nya pa ako dito sa kubol after namin kumain. Kahit sinabi ko namang huwag na. Pero nakakapagtaka talaga ang pananahimik nya kanina pa. Nginitian nya lang ako at hinawakan sa ulo apra guluhin bahagya ang buhok ko. Isa yan sa gustong-gusto kong ginagawa ni Marx sakin.
//
Malakas ang buhos ng ulan kaya hindi kami nakaalis ngayon ni Marx. Nag-stay lang kami sa kanya-kanyang kubol. Sa pagkain naman namin, nagpadeliver nalang sya dito at sakanya.