Glaiza's POV
"Ano? Anong icancel ang wedding? Glaiza naman! Okay na ang lahat. Kayo nalang ni Marx ang hinihintay para matuloy na ang wedding of the year. Tapos icacancel? Hindi naman ata pwede."
Sunod-sunod na lintanya ni Angge. See? Kahit sya nagulat ng sabihin ko ang sinabi ni Arra sakin last night.
"Relax, Ge. Hindi naman ako pumayag eh. . ."Huminto ako saglit at napaisip. "Hindi pa."
"Anong hindi pa? Don't tell me may balak ka? Naku sinasabi ko na sayo Glaiza De Castro ha! Wag na wag mong sasayangin ang effort ko dyan sa kasal na yan. FO na tayo pag ginawa mo yan. Naku nanggigigil ako sayo!"
Hindi ko alam kung seryoso ba sya o nagpapatawa na. But knowing Angge. Ayaw na ayaw nya talagang nasasayang ang mga effort nya. Sino bang may gusto diba?
"Ano ba yang girlfriend mo, Carlo. Parang nakalaklak ng sandamakmak na energy drink."sabi ko habang naiiling nalang.
"The truth is. .yes! Kanina pa milo ng milo yang bestfriend mo eh. Haha."pag-amin naman nya.
Kaya pala.
"Kidding aside. Don't get me wrong, Cha. I think Arra has a point."
"Pati ba naman ikaw, Carlo? Gusto mo bang maghiwalay tayo?"may pagbabanta sa tono ni Angge. Sira talaga to.
"Relax, babe. Ang kay Arra lang naman kasi, unfair ang wedding para kay Cha. Kasi Marx is sick. He can't remember everything. And wedding day nila yun. Ikaw ba gusto mong ikasal na malungkot ka?"
Hindi na ako ang kausap ni Carlo ngayon. Si Angge.
"Syempre ayaw ko."sagot naman nya.
"Yun! Iniisip ka lang din ni Arra for sure."he was referring to me.
Nagkatinginan kami ni Angge. Parang binabasa namin ang nasa isip ng isa't-isa.
"Tuloy ang kasal bukas!"
Hindi kami nakasagot ni Carlo dahil umalis na si Angge. Mang-iwan daw ba.
"May saltik ang bestfriend mo minsan."naiiling na sabi ni Carlo habang pinapanuod namin na magwalk-out si Angge
"Hindi lang minsan. Madalas."pagtatama ko sa sinabi nya at tumawa kaming dalawa.
Parang pinagkaisahan namin si Angge. And then I realized na ang tagal ko ng hindi nakakatawa ng ganito.
"HOY KAYONG DALAWA DYAN TATAWA-TAWA PA KAYO! BAKA MAGKADEVELOPAN PA KAYO DYAN HA!" Sigaw ni Angge. Naiiling nalang kami ni Carlo sa bestfriend ko.
"Buti natatagalan mo sya noh?" I was referring to Angge na ngayon ay nakapasok na ng bahay.
"Mahal ko eh."sagot ni Carlo sakin.
"You think Angge is the one?"
"Since day one."nagflushed bigla yung ngiti ni Carlo na malalaman mo talagang inlove sya kay Angge.
I smiled. I'm happy for the both of them. I'm happy for my bestfriend. She found the one.
Susunod na sana si Carlo kay Angge pero pinigilan ko sya.
"Yes?"there's a questioning look on his eye.
//
Everyone is busy preparing for the wedding. Well except to Arra. Nakatingin lang sya sakin.
"I know what your thinking, baby. I'm fine. Okay?"
"Ate."
Lumapit ako sakanya. Hinawakan ko sya sa pisngi. "Don't worry. Everything will be fine. I need you now, Arra. Please be there for us. For your Kuya. Pwede ba yun?"
"I'm sorry for being rude last night. Ikaw lang din naman ang iniisip ko eh. Kuya is sick. At alam ko ang pagod mo sa kasal nyo."
I bit my lower lip. Pinipigilan kong maiyak. Not now please!
"Ate, whatever happens in the future. Nandito lang ako para sa inyo ni Kuya."
I hugged her. "I know and thank you for letting me know how you feel for this wedding."
"Thank you for loving my Kuya."
Then we hugged.
//
I'm wearing a plain white dress and handing a bouqet. Nakaplay ngayon ang song na napili ko for our wedding. Kahit maputi na ang buhok ko, nung pinapili ako ni Angge ng wedding song namin, yan agad ang pumasok sa isip ko kaya ora-orada yan agad ang sinabi ko sakanya. Walang second choice. Yun na yun. Oh I love this song.
Everyone is eyeing me. Naglalakad ako ngayon papunta sa harap ng altar. Habang naglalakad ako, nakikita ko sa harap si Marx na nakatingin din sakin. Hinihintay nya akong makalapit sakanya. I saw him smiled at ngumiti din ako pabalik kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Ano ba yan Cha. Be happy. Marx needs you now. Be strong!
"Thank you, Cha."napukaw nalang ang atensyon ng may magsalita. Si Carlo. "Thank you for this day. I owe you." He hugged me.
"Ingatan mo ang bestfriend ko ha."
He nodded. "Oo naman."
Hindi tuloy ang kasal namin ni Marx. Instead, sila Angge at Carlo ang ikakasal ngayon. Tama si Arra. Marami pa namang araw na makakasama ko si Marx. Hihintayin ko syang gumaling. Hihintayin ko ang araw na yun.
Nakakatuwang isipin na isa si Angge sa mga nagpakahirap para sa araw na to. Sya din pala ang ikakasal. Mixed emotion. Sobrang saya ko ngayon na may halong konting lungkot.
Lumapit ako kay Marx at hinawakan ko sya sa kamay.
"I love you, Marx."I mouthed.