Chapter 1

500 16 0
                                    





"Cha, last set na tayo."

Tawag sakin ng kabanda ko na si Rocco. I waved at him.

"Ma, call you later okay? Last set ko. Bye." I hang up the phone at binalik yun sa bulsa ko. Pumasok ako sa loob ng bar ng may malaking ngiti sa labi. "Alright..." panimula ko. Medyo inaayos ko pa yung mic na gamit ko. "Okay. Lets start. This song Im going to sing is my last song for tonight. Not just for tonight. Maybe...." my lip formed into a small smile. "For the rest of my life...." binitawan ko ang pinakamasakit na salitang ngayon ko lang binitawan. I closed my eyes at pinakinggan ko lang ang mga tao sa paligid ko na iba-iba ang naging reaksyon. May ilan na sumisigaw at ang iba naman pumapalakpak.

"Go on, Cha." Rocco whispered. I wiped my tears away. Parang dumilim ang buong paligid ko. Everything turn into black. And I hate to admit it... but I'm fragile!!

"Okay. And the title of the song is Pag-ikot. Enjoy the night everyone." I play the guitar. I strung it.


Ang pag-ikot...


Di mo na mapipigilan.


Suwayin mo man ang kapalaran.



Walang magagawa.



Yes! Kahit anong gawin mo. Hindi mo mapipigilan ang pag-ikot ng buhay. Sa alikabok ka nagsimula. Sa alikabok ka din babagsak. Bawat lyrics tagos sa puso ko. Ito na ang huling beses na kakanta ako and hopefully not.





//




I opened my eyes. Morning, G. Thank you for another day of my life. I smile. Ganito ko simulan ang araw ko. Kinakausap ang lumikha sa lahat.


Umayos ako ng upo. Binuksan ko yung drawer sa bedside table ko at kinuha ko dun ang planner ko. Nilipat ko ang page hanggang sa huling may sulat dito.


Day 6 na. Last 30 days of my life. Kailangan ko ng ieenjoy to. Pinikit ko ang mata ko. Bakit kasi ako pa? Bakit ako pa ang kailangan na magkasakit? Pero alam kong lahat merong dahilan. Tiwala lang ako sa lumikha


//



"Mamimiss ka namin, Cha." Said Rocco and he gave me a tight hug. Rocco is my great friend since college hanggang ngayong may sarili na kaming banda.

"Sira. Babalik pa ako. Huwag kang mag-alala. Kakanta pa tayo ng magkasama."

"Aasahan ko yan." I know. I feel it. Deep inside.. he's crying. I heard his little sob. "Mag-iingat ka."

"Mag-iingat pa? Mamamatay na nga lang din." I joked. Pero sinamaan nya ako ng tingin. "I know. Its a bad joke. I know. I'm sorry. Rico, ikaw ng bahala sa banda natin ha. Yung kukunin mong bagong vocal make sure na mas magaling sya sakin kasi kung hindi.. susuntukin kita."

He laughed. "Yeah. Yeah. Sige na. Bumyahe ka na. Malayo-layo pa ang tatakbuhin mo."

"May 30 days pa ako, Rocs..."

"Cha." Saway nya sakin.

"Joke." I smiled. "Una na ako ha."

"Bumalik ka agad." I just nod. Sumakay na ako sa bus. Pumwesto ako sa tabi ng bintana kung saan kita ko si Rocco. I waved at him. Sana hindi pa ito ang last. Sana. And for the time. I gave him a glanced. Mamimiss ko ang lahat ng pinagsamahan namin ng banda.

Before I knew it. Napuno na ang bus papuntang bicol. 12 hours din ang byahe namin. Marami pa akong oras to sleep. Kinuha ko yung phone ko sa bag at in-on ang music. Nilagay ko ang earphone sa magkabilang tenga ko. Bago ako pumikit, tinignan ko muna yung katabi ko. Nakasuot sya ng salamin so hindi ko alam kung gising ba sya o tulog. Whatever.


//


"Next station bus stop tayo. Meron kayong 15 minutes para mag-cr o bumili ng makakain nyo."


Nagising ako sa anunsyo ng konduktor namin. Tumingin ulit ako sa katabi ko. Ganun pa din. Maya-maya lang huminto na ang bus. Biglang tumayo yung katabi kong lalaki. Gising pala sya. Tsk.

Bumaba na din ako ng bus para bumili ng makakain ko. Habang nagtitingin ako ng pagkain. Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nasa tabi ko. Sya din yung katabi ko sa bus. Busy din sya sa paghahanap ng makakain nya.

"Sa bus 143 ka din diba?" I said. Medyo kinapalan ko na ang mukha ko. Ilang oras kaming magkakasama sa bus. Boring naman kung hindi kami magkakausap dalawa diba. Hinintay ko ang sagot nya. Peri dedma si kuya. Snobber. Famous siguro. "Glaiza nga pala." I offer my hand. Pero napahiya lang ako. Umalis na sya at bumalik sa bus. Tsk. Bakit may mga ganung tao sa mundo? Hindi nila naaappreciate ang mga bagay sa mundo. Well, hindi naman ako bagay. Baka siguro naniniwala lang sya sa kasabihang.. Don't talk to strangers when your mouth is full. Pero hindi pa naman sya kumakain ah?

Umakyat na din ako sa bus. Nakita ko syang kumakain na sa upuan nya. "Excuse me." Sambit ko. Hindi naman ako bastos like him eh.

Inopen ko yung diet coke na binili ko at ininom. After nun nilabas ko na din yung chicharon. Binuksan ko yun at kumuha ako ng isa. Dahan-dahan ko pang kinagat dahil masyadong malutong. Nakakahiya naman sa famous kong katabi eh. Maingay. Pero waepek tol. Maingay pa din.

"Bakit ba kasi yan ang binili mo kung mahihiya ka din naman palang kainin yan?" Napahinto ako sa pagkain ng marinig ko syang magsalita. Tumingin ako sakanya pero hindi naman sya nakatingin sakin.

"Ako ba ang kausap mo?" Tanong ko. Naninigurado lang.


"3 seater ba to? May kasama ba tayong iba?" Balik tanong naman nya. Napa-ismid ako. Tsk. Loko to ah.


"Eh paborito ko to eh. Bakit ba." I said sabay kagat ulit sa hawak kong chicharon na sobrang lutong.


"Isip bata." Bulong nya.

"What?" I stuttered.

"Wala!"

"Sinong isip bata ha?"


"See? Narinig mo naman pala tinatanong mo pa." Sabi nya.


Masisiraan ako ng bait dahil sa lalaking to. Napailing ako. Hindi ko na sya pinansin. Kumain nalang ulit ako. Bahala na kung mairita sya dahil sa tunog. I don't care anymore.



Sinalpak ko nalang ulit yung earphone ko at nilagay sa kantang pag-ikot. I really love this song. Nagha-humm pa ako habang pinapakinggan yun. Tagos sa puso ko ang kantang to.

Last 24 hours with YouWhere stories live. Discover now