Chapter 36

110 11 3
                                    

Glaiza's POV


Isang buwan na ang nakalipas simula ng ayain akong magpakasal ni Marx. Isang buwan na. . .isang buwan na at lalo pang lumalala ang kondisyon nya.

Inaayos ang kasal naming dalawa na minsan naman natutulungan nya ako kapag okay ang pakiramdam nya. Lagi ding nakasalo para sakin sila Angge. Sila ang nakikipagkita sa organizer ng kasal namin habang binabantayan ko naman si Marx. Dinidetalye ko nalang sakanila ang mga kailangang sabihin.

"Okay na ba 'to, Cha? Beach wedding na ha?" Tanong ni Angge habang tinitignan nya yung mga pictures na binigay ko sakanya. Picture yun ng kung paano ang ayos ng reception at wedding namin sa beach.

"Yes, Ge. Okay na yan." Napatigil ako sa pagsusulat at tumingin sakanya. "Okay ba yan?" Halos bumagsak ang balikat ko dahil inaalala ko kung ayos ba ang mga details na inabot ko sakanya.

Napahinto din naman sya sa pagtingin at itinuon sakin ang atensyon nya. "You look so pale, Cha. Magpahinga ka muna kaya? Kami ng bahala dito ni Carlo. Parating na rin naman yun."

"Pero. . ."

"Sige na. Hindi ka pwedeng maging haggard sa wedding day mo. Alalahanin mo ha. Next sunday na yun."

I smiled. "Thanks, Ge. Andyan na. . ."

"Hep! Hep! Hep! Okay na Cha. Gets ko na. Alam ko na ang gagawin ko. Hindi mo na kailangang ulitin pa. Pumunta ka na ng kwarto mo at tabihan mo na doon si future hubby mo." Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Angge. Maaasahan talaga syang kaibigan.

Hindi na ako nakipagtalo pa sakanya dahil alam kong hindi din naman ako mananalo. Umakyat na ako ng kwarto. Agad akong napangiti ng makita ko si Marx. Mahimbing na ang pagkakatulog nya.

Kahit siguro mas lumala ngayon ang sakit nya, mas lalo kong napatunayan sa sarili kong mahal ko sya at kakayanin ko ang lahat para sakanya.

Tama nga ang sabi ng iba. Masakripisyo ang pagmamahal. Kahit nakakapagod na minsan, basta mahal mo, hindi mo susukuan. The power of love. I'm still thankful dahil binigay sakin ni God si Marx. Nagkaroon ng kulay ang buhay ko. Mas lalo ko pang ginustong mabuhay nung mga panahong inaakala ko pang may sakit ako.

"Cha. ." Napatingin ako kay Marx. Hindi ko man lang namalayan na nagising pala sya. Nakaupo na sya sa kama at nakatingin sakin. "Bakit ka nakatayo dyan. Tumabi ka na dito sakin para makapagpahinga na tayo parehas. Marami pang guest ang darating sa hotel diba? Tutulungan pa natin si Nanay Cristy."

Bigla akong naluha dahil sa mga sinabi ni Marx. Naaalala nya pang nasa bicol pa rin kami kasama si Nanay.

Ngumiti ako at lumapit sakanya. "Oo. Tutulungan natin si Nanay. Kaya hwag kang mapapagod ha. Lalaban lang tayong dalawa okay?"

Tumango sya ng ilang beses na para bang bata. "Okay." Humiga na sya.

Bagsak ang balikat kong pinagmamasdan sya. Nitong mga nakaraang araw, madalas para na syang bata mag-isip. Hindi na rin nya ako hinihintay sa pagtulog. Ang sabi ng doctor normal lang na maranasan ni Marx ang mga ganung bagay. Lalo na ang mag-isip bata madalas.

Ang kinakatakot ko lang. Paano na ang kasal naming dalawa kung iba ang sitwasyon nya. Natatakot ako para sakanya.




//





"Hi Marx. Kamusta?" Sambit ni Angge pagkapasok nya sa bahay. Sumalubong kasi sakanya si Marx na kabababa lang sa kwarto.

"Sino ka?" Balik tanong naman ni Marx sakanya. Napatingin ako kay Angge at halatang gulat din sya sa tinanong sakanya ni Marx.

"Ay. Kinalimutan mo na ang magandang bestfriend ni Cha?" Pagpapagaan ni Angge sa sitwasyon naming tatlo ngayon.

Napahinto si Marx sa paglalakad ng marinig nya ang sinabi ni Angge. "Kaibigan ka ni Cha?"

"Aha. Kaibigan nya ako. So be nice to me okay. . ."

Biglang lumapit si Marx sakanya at hinawakan sya sa magkabilang braso na agad namang ikinabigla ni Angge.

"M-marx. . . ."

"Samahan mo ako kay Cha. Samahan mo ako sakanya. Gusto ko syang makita. Gusto ko syang makita. Gusto ko syang makita. . ."

Paulit-ulit na sabi ni Marx. Lumapit ako sakanilang dalawa para pigilan si Marx dahil nasasaktan na si Angge sa paghawak nya.

"Sasamahan kita sakanya." Hinawakan ko sya sa braso. Pero himbis na tignan ako. Tinulak nya lang ako kaya na out of balance ako at tumumba. Tumama ang braso ko sa kanto ng mesa. Masakit oo, pero hindi ko ininda yun.

Tumayo ako para pigilan si Marx dahil hindi na nya binitiwan si Angge at paulit-ulit ang sinasabi nyang gusto nya akong makita.

Marx! Nandito lang ako oh. Nandito lang ako! Sabi ng isip ko habang pinapalayo si Marx kay Angge. Tumulo na ang luha ko. Hanggang kailan ba kita makikitang ganito, Marx? Hanggang kailan?

Last 24 hours with YouWhere stories live. Discover now