"Amigahhhhhhhhh."
Pagkapasok namin sa resort, agad na sumalubong sakin si Angge. Niyakap nya ako pagkalapit nya sakin.
"Namiss kita, Amigah! Kamusta bakasyones mo?" Angge asked me.
"Dalhin ko na sa bahay nyo tong gamit mo ha." Sabi ni Marx.
"Ay oo please, Marx. Magchichikahan lang kami nito ni Cha. Thank you." Si Angge na ang sumagot.
Umalis na si Marx. Kami naman umupo sa bench malapit lang sa hotel. Hindi na makapaghintay si Angge sa kwento ko sakanya. Halata naman kasi bigla nalang nya akong hinila dito.
"Ano na, Cha? Make kwento na dali. Habanh free time ko." May pahampas pa sya sa braso ko. Medyo masakit ha. Ang bigat talaga ng kamay nitong babaeng to.
Umayos ako ng upo. Tapos sinimulan ko ng magkwento sakanya ng lahat ng ginawa at pinuntahan namin ni Marx. Habang nagkikwento ako, ngumingiti-ngiti naman sya na akala mo kilig na kilig sa mga sinasabi ko with matching hampas pa sa braso ko at bahagyang pagpadyak. Nahihimas ko na nga lang yung braso kong pulang-pula na sa mga palo nya sakin. Tsk talaga.
"OMG! OMG! OMG! Kayo na, Amigah?" Paghehesterikal nyang tanong sakin.
Tinakpan ko yung bibig nya para patahimikin sya. Dahil nakita ko na si Marx na papalapit samin.
"Hwag kang maingay! Hindi kami okay? It's just that. . . We feel the same way. That's it. Nothing more. Hanggang dun." Sagot ko sakanya.
"Ano parang facebook lang? Mutual, Mutual lang ganun?"
Sasagot pa sana ako pero nakalapit na samin.
"Meryenda daw tayo, sabi ni Nanay. Nandoon sya ngayon sa inyo." Sabi ni Marx.
"Hoy ikaw!" Tumayo si Angge. Kaya napatayo din ako. Knowing her, may hindi magandang mangyayari talaga eh. "May hindi ka pa. . ."
Bago pa makapagsalita si Angge ulit, hinila ko na sya palayo kay Marx. Napakadaldal pa naman kasi nitong si Angge eh. Delikado. Hindi pa ako masyadong sanay na pag-usapan ang samin ni Marx.
"Bakit mo ba ako hinihila? May itatanong lang naman ako e." Sabi ni Angge.
"Nagugutom na kasi ako. Bilis mo." Alibi ko. Tapos mas binilisan ko pa ang hila sakanya.
"Huy, umiiwas sya."
//
Marx's POV
Kalalabas ko lang ng hotel ng bigla akong hilain ni Angge. Nagulat na nga lang ako sa biglaan nyang pagsulpot eh. Tsk. Magkaibigan nga sila ni Cha. Mahihilig manghila ng walang pasabi. Mapagkakamalan pang mga kidnappers tong mga to eh.
Huminto kami sa likod ng puno.
"Ano na naman bang trip mo ngayon Angge?"
"Luh! Hindi trip 'to! May itatanong lang ako." Sumisilip silip sya sa kung saan. Sumilip din ako kung ano yung tinitignan nya. Pero hinila nya lang ako sa damit. "Hwag kang sumilip baka may makakita sayo. Laki pa naman ng. . ."
"Nakita mo na?" Sinamaan nya ako ng tingin sabay hampas sa ulo ko ng kamay nya. Sadista talaga.
"Ang bastos mo!" Sabi nya.
"Bastos ako? Tatanungin lang naman kita kung nakita mo na yung hinahanap mo dyan. Kanina ka pa silip ng silip dyan eh. Dumi ng isip mo. Tsk."
"Siraulo! Malay ko ba. Tsaka wala pa yung hinahanap ko kaya itatanong ko na sayo 'to."
"Hindi tayo talo, Angge. Si Glaiza ang mahal ko at hindi ikaw." I joked. Pero nakonyatan na naman nya ako. Kung hindi lang babae tong kaharap ko pinatulan ko na din to ngayon eh.
"Feeler ka masyado! Itatanong ko lang sayo kung kayo na ba ni Glaiza?" Kumunot ang noo ko sa tinanong nya sakin. "Tinanong ko na sya pero hindi sya sumasagot eh. Ano ba talagang estado nyong dalawa?"
Ngumiti ako. "Well, alam ko naman na may feelings sya for me. At ganun din ako sakanya. Kaso kasi. . . Natatakot akong tanungin sya eh. Alam mo naman yun. Tsaka mas masakit pa kayang mareject kesa sa makotongan mo."
"Hahaha. Masakit ba? Sorry."
"Nag-iipon lang ako ng lakas ng loob para tanungin sya. Darating din tayo dyan. Don't worry."
"Siguraduhin mo lang ha! Naku! Boto pa naman kami ni Nanay sayo tapos babagal-bagal ka dyan. Sige na. Mauna na ako. Bye."
Tignan mo ang isang yun. Pagtapos akong hilain dito, iiwanan nalang ako bigla.
//
Glaiza's POV
Habang naglalakad ako sa dalampasigan. May napansin akong dalawang taong nakaupo sa buhanginan. Hindi ako pwedeng magkamali, it was Marx and a girl na hindi ko kilala. Tingin ko naman nag-uusap lang silang dalawa. Halata din sa mukha ni Marx ang problemado sya. Napapahawak pa sya sa ulo nya. Wala akong idea about sa pinag-uusapan nila. Hindi ko naman sila naririnig minabuti ko nalang din na bumalik na sa bahay. Nakakapagod din pala ang maglakad ng maglakad. Pero bago pa man ako makaalis, nakita ko yung babae na niyakap si Marx. Gumanti din naman sya ng yakap dun sa babae. Hindi ko na hinintay na maghiwalay yung dalawa.
Nakaramdam ng kirot sa puso ko when I saw Marx hugging another girl. Pero alam kong wala akong karapatan na masaktan dahil hindi naman kami diba? Pero kasi eh. . . Sinabi nya sakin na mahal nya ako. Tapos biglang ganun? Ang labo naman nya pala. Mukhang hindi sya seryoso sa sinasabi nya sakin!
Nasalubong ko pa si Angge. Nilagpasan ko sya. Tinatawag nya ako pero hindi ako lumilingon. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad na para bang wala akong naririnig. Hays, Cha. Anong nangyayari sayo? Hindi ka dapat maapektuhan. He's not yours. Kaya okay lang yung nakita mo kanina. Okay lang.
//
"Cha, kanina pa kita hinahanap ah."
Nandito ako ngayon sa cottage. Yakap ang gitara ko. Kanina pa ako tumutugtog. Huminto lang ako nung dumating si Angge.
"Huy. Amigah. Ano bang nangyayari sayo? Bakit ang tahimik mo? Kanina ka pa ah? Nung umaga tinatawag kita hindi mo ako pinapansin. Tapos ngayon kakausapin kita. . . ."
"I saw him. . ."
"Sino? Si Marx? Eh lagi naman kayong nagkikita ah?"
"May kayakap na iba."
"Ayuuuuun! Selos!" Sabi nya.
Umupo ako ng maayos. "I'm not jealous. Naiinis lang ako sakanya. After nyang sabihin sakin na gusto nya ako, na mahal nya ako? Biglang ganun? Makikita ko nalang sya na may kayakap na iba. Hindi ba nakakainis yun!"
Hindi na ako nakapagpigil pa. Naiinid kasi ako kanina pa dahil sa naabutan kong eksana kanina.
"Hindi daw. Asus, Cha. Kilala na kita. Alam ko kung paano ka magselos. Hahaha."
"Hindi nga sabi." Kontra ko sakanya.
"Lokohin mo lelang mo. Hahaha."
"Hindi nga."
"Nagseselos ka." Diin nya.
"Sinong nagseselos?"
Sabay kaming napalingon ni Angge sa nagsalita. Si Marx. Tumabi sya sakin.
"Sino ngang nagseselos?" Ulit nya
"Si Cha." "WALA."
Sabay naming sagot ni Angge.
Tumayo na ako at naglakad papasok sa bahay.
"Anyare dun?"
"Selos. Hehe."
Rinig kong sabi nila Marx at Angge. Naiiling nalang ako dahil sa daldal ng kaibigan ko.