Chapter 8

103 11 0
                                    


Kanina pa ako nahihilo. Naglalakad ako pauwi sa bahay namin at medyo malayo na ang hotel sa kinalalagyan ko para bumalik pa. Hindi ko na din maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong naduduwal na nahihilo. Parang umiikot na ang paningin ko o ang paligid ko. Babagsak na ata ang katawan ko. Sobrang init. Pawis na pawis na din ako. What happen to me.

So bago pa ako bumagsak sa kinatatayuan ko. Gumilid nalang muna ako at umupo sa tabi na may silong. Wala din kasing cottage na mapagsisilungan. Ang taas ng sikat ng araw.

Habang tumatagal, unti-unting dumidilim ang paningin ko. Sumasakit. Pasakit ng pasakit ang ulo ko.

And before I know it. . . Nawalan na ako ng malay-tao.








//







Nagising nalang ako ng nasa loob na ako ng sarili kong kwarto. Paano ako nakarating dito?

"Hay sa wakas naman, Cha. Gising ka na. Aba. Kahapon ka pa nakahiga at natutulog dyan. Nakauwi na tayo lahat-lahat hindi ka man lang nagising." Si Nanay.

Kahapon pa ako natutulog?

"Ano pong nangyari?" Umayos ako ng upo sa kama ko.

"Cha, kailan mo balak sakin sabihin ang tungkol sa sakit mo?" I stop for a while and bit my lower lip. "Galing tayo sa hospital kahapon. Dahil nakita ka ni Marx na walang malay. Ginigising ka nya pero hindi ka magising. At doon ko nalaman ang sakit mo. Paanong nangyari yun, anak?"

"Na-nay. . ." I uttered. "I'm sorry."

I hugged her. Yun nalang kasi ang nasabi at alam kong gawin sa mga oras na to.

"Tell me. Paanong nangyari yun, Cha? Paano kang nagkaroon ng sakit at may . . Ta-taning na ang buhay mo? Ilang araw nalang? Gaano nalang katagal?" Sunod-sunod na tanong ni Nanay sakin.

I looked down. Pinipigilan ko yung luhang gusto kong kumawala kanina pa. I squeezed my Nanay's hand. Paano ba 'to? Paano bang sabihin na . . . 18 days nalang ako . .

"Anak, nandito si Nanay. Nandito ako." Niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"Sorry Nay. Natakot lang akong sabihin sayo."

"Kailangan ko nalang bang tanggapin? Wala na bang magagawa dyan, Cha?" I know how hard it is for Nanay. Pero mas mahirap to para sakin dahil nakikita ko syang nasasaktan.

"Maging masaya nalang tayo Nanay. Maging masaya habang magkasama pa tayo. Habang nandito pa tayo."

"Cha. . ."

Yun nalang ang nasabi ni Nanay saka ako niyakap ulit. Rinig ko na ang mahinang paghikbi nya.








//








Papunta ako ngayon kay Angge. Dadalhin ko sakanya yung pinabili nyang mangga kahapon sa palengke. Ewan ko nga ba dun. Daig pa ang naglilihi. Ang daming pinabili tapos sigurado akong sya lang din naman ang uubos nito eh.

"Ako na. . ." Hindi ako agad nakasagot at binitawan ko nalang yung dala kong plastik ng mangga. Si Marx. "Mainit ah. Bakit ka naglalakad sa gitna ng init." Binuksan nya yung dala nyang payong.

"Wow. Boy scout?" Natatawa kong sagot sakanya. Haha. Sino ba naman kasi ang nasa beach tapos may dalang payong.

"Mainit kasi." Sagot nya.

Naiiling nalang ako sakanya.

"Thank you nga pala sa pagsama kay Nanay nung nahospital ako." I said tapos nagpatuloy na sa paglalakad.

Last 24 hours with YouWhere stories live. Discover now