Chapter 3

183 13 0
                                    

Later that night. I decided to walk at the seashore. I brought my planner with me. Baka may maisip akong pwedeng gawin para sa mga natitira kong araw. Syempre hindi mawawala ang plan ko with Nanay and Angge.

Yung alon. Yung dagat. Yung tubig. Para akong iniimbitahan na lumusong. Nakakaengganyo ang tunog ng alon ng dagat. Mas nakakaakit nga ang dagat tuwing gabi. Nakikita ko ang reflection ng maliwanag na buwan sa tubig.

Wala sa sarili kong binitawan ang planner ko sa buhanginan at dahan-dahan akong lumusong sa dagat. Sobrang lamig ng tubig. Habang palayo ako ng palayo. Nararamdaman ko ang lakas ng alon. Halos hindi ko na din kayanin. Pabalik na ako sa dalampasigan ng bigla akong hampasin ng malakas na alon sa likod at nawalan ako ng balanse. I tried to keep calm habang nasa ilalim ako pero bigla akong pinulikat. What should I do now? Is this the end for me? Napatingin ako sa taas kung saan kitang-kita ko mula sa ilalim ang maliwanag na buwan. Kung ito na ang last.. hahayaan ko na ito sayo. Ayaw ko na ding mahirapan sa mga susunod na araw. I slowly close my eyes...

"Miss! Miss! Gumising ka." I heard a panicking voice beside me. "Hey, do you hear me? Wake up." The voice is familiar. A guy on the bus.

I slowly open my eyes and I saw a face who look so worried.

"Glad, you're alive." He said.

Umupo ako ng maayos at ramdam ko pa ang hingal ko.

"Bakit ba tuwing makikita kita lagi kang nagbabalak magpakamatay?" He asked. "Sawa ka na ba sa buhay mo?"

"I told you, Mister. Wala akong balak magpakamatay. Sa bridge, gusto ko lang talagang kumuha ng magandang view and then you came and grab me and acting like you are a hero. At ngayon, pinulikat lang ako."

"I'm not acting like a hero. Ayaw ko lang ng nakakakita ng mga taong...."

"Sabi ko na sayo. Hindi ko sasayangin ang natitirang araw ko sa mundong to."

"Careful next time." He said.

I stood up. "This time. There's a reason to be thankful na. Thank you. I owe you this one. Maybe tomorrow. We can catch up and I treat you for lunch."

"Hindi ako naniningil." He said.

"Thank you again. Goodnight. I'll go back to my room na. And you better. It's cold here. Baka magkasakit ka. Konsensya ko pa."

Hindi ko na hinintay na magsalita sya. Naglakad na ako papasok sa kubol namin ni Nanay. Siguro guest sya dito. Small world nga naman. Yung taong hindi ko inaasahan na magliligtas ng buhay ko. Sya pa.

After kong magpalit ng damit at magpatuyo ng buhok. Humiga na ako. And I don't know why, I'm still thinking about the guy on the bus. Who rescued me kanina lang. Destiny rin ba 'to? Same place lang ang pinuntahan namin. Hays. Glaiza, stop overthinking. Hindi yan makakatulong sa plan mo. Speaking of plan. Yung planner ko. Naiwan ko sa buhanginan. Oh no. Baka tinangay na yun ng alon. Hala! Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kubol. Pumunta ako sa dalampasigan kung saan ko iniwan yung planner ko. Pero wala na yun. Tangin bakas nalang ng tubig ang nandito. Baka inabot ng alon. Baka hindi gusto ni God ang magplano ako para sa buhay ko. He has a big plan for me. Yun nalang ang susundin ko. I'l go with the flow nalang.

//

"Good morning." I greeted him. The one up there. "Thank you for waking me up." My eyes is still close.

"Cha, gising ka na ba? May naghahanap sayo sa hotel." Rinig kong sambit ni Nanay.

Tumayo na ako. Kukunin ko sana yung planner ko pero naalala kong nawala nga pala ito last night. Last 28 days. I just took a deep breath.

Last 24 hours with YouWhere stories live. Discover now