Marx's POV
Nandito ako ngayon sa cottage malapit kila Glaiza. Nakasilip lang sa bahay nila. Nakabukas pa yung ilaw kaya sigurado akong gising pa si Glaiza or si Nanay.
Kaninang umaga, sinundan ko sya kila Angge. Naabutan ko syang kumakanta na. Nagsasayaw ang mga magulang ni Angge sa gitna. Nakikisabay ang mga bisita sa pagkanta at ang ilan naman sumasabay sa pagsayaw sa gilid habang pumapalakpak ng mahina.
Sa dinami-dami ng tao doon, si Glaiza lang ang nakikita ko. Sya lang yung naririnig ko. At habang pinapanuod ko syang kumanta, ang saya, ang sarap sa pakiramdam na makita syang ginagawa ang first love nya. Ang pagkanta.
"Kung ako sayo ligawan mo na." Hwag na kayong magtanong kung sino ang nagsalita sa likod ko. "H . . ."
"Shhh." Magsasalita pa sana sya pero pinigilan ko sya. Tinakpan ko yung bibig nya at nagtago.
Nakita ko kasi si Glaiza na sumilip sa bintana. Kaya dali-dali akong bumaba ng konti para makapagtago. Dinamay ko na din ang isang tong nasa tabi ko.
"Ano ba." Busal ni Angge tapos tinanggal nya yung kamay ko sa bibig nya. "Pasilip-silip ka dyan tapos magtatago ka pag sumilip din sya."
"Wag kang maingay." Saway ko sakanya.
"Hay naku Marx! Tigilan mo nga ako. Ang labo nyong dalawa. Gusto mo sya. Halata naman na gusto ka din nya. Bakit di nalang maging kayo?"
Ang daldal talaga ng isang to kahit kailan. Hindi naman sa nakakairita ha. Totoo lang sya at taklesa din minsan magsalita. Pero in a nice way naman.
"Hindi kasi ganun kadali yun, Ge."
"Kayo lang naman ang nagpapakumplikado sa lahat eh. Why don't you give it a try?"
"Sira ka ba? Alam mo naman diba. Feeling delata nga sya."
She rolled her eyes. "Hay naku. Ewan ko sa inyong dalawa. Ang labo nyo."
"Yung kaibigan mo kasi eh."
Umayos na ako ng upo ng patay na yung ilaw sa bahay nila. Hanggang dito lang naman ako eh. Yung pasilip silip sa kanya. Binabantayan sya sa malayo. Okay na ako dito. Nakakasama sya.
//
Glaiza's POV
Busy ako sa pag-iisip ng pwede kong isulat sa planner ko. Ilang araw nalang . . . This is it.
Ano pa bang pwedeng gawin para sa mga susunod na araw? Wala na din akong maisip dahil unti-unti ko ng nararamdaman yung paghina ng katawan ko eh. Nararamdaman ko ng tinatraydor ako ng sakit ko.
I closed my eyes and dinama yung hanging dumampi sakin. Sariwang hangin. Mamimiss ko din ito.
I slowly open my eyes with a smile on my lips. No one can see how fragile I am right now. No one
When my eyes totally opened. Nanlaki ang mga mata ko. Si Marx nasa harap ko na. May ngiti sa labi at nakatingin sakin. Mata sa mata.
I looked away ng matauhan ako. Ano ba naman kasing ginagawa ng mokong na to dito.
"Ginagawa mo?" He asked.
"Nag-iisip ng pwedeng isulat sa planner ko." I answered, awkwardly. Ano ba naman yan Cha. Bakit ka naiilang? Seriously? Wala ka dapat ikailang sakanya. Sya lang yan. . Yes sya lang yan. . . I looked down. Hindi ko sya kayang tignan.
"Marami na."
Himbis na sagutin sya. "Hmm." Pinakita ko sakanya yung page na kanina ko pa gustong sulatan ng plan ko kaso wala akong maisip na isulat. Ang hirap kasi eh. "Kita mo? Ang dami diba?" Sarcastic kong sagot sakanya.