Hindi ko alam kung bakit nagpunta pa ako dito sa hospital kung saan ko nakita si Marx.
Nakatayo ako ngayon sa pinto at pinagmamasdan lang sya habang inaasikaso sya ng isang nurse.
Gusto ko syang lapitan. Pero parang may pumipigil sakin. Natatakot akong malaman kung anong nangyayari sakanya. Kung bakit sya nandito. Ang huling pagkakaalam ko. . .may sakit sya. Oo may sakit sya pero pagaling na. Pero bakit nandito sya?
Nakita kong tapos na yung nurse sa ginagawa nya. Nagmadali akong maglakad para makalayo pero nagulat ako ng makasalubong ko si Arra.
"Ate Cha?" Alam ko ngayon na nagtataka sya or nabigla ng makita ako. Halata sa mukha nya na hindi nya inaasahan na nandito ako. Kahit ako naman. Hindi ko inaasahan na makikita ko sya.
Wala akong balak na magpakita sakanila. Ang tagal na simula ng umalis si Marx doon at iwan ako dahil alam nyang mamamatay din naman ako. Pero nagkamali sya sa pag-iwan sakin. Dahil buhay ako. Buhay na buhay at nakatayo pa ngayon sa harap ng kapatid nya.
"B-bakit nandito ka? P-paanong mong nalaman na nandito si Kuya?"
"H-hindi si Marx ang pinunta ko dito." Nag-iwas ako ng tingin sakanya. Hindi ko kayang tignan si Arra. Napalapit na sya sakin. Para ko na syang kapatid at hindi dapat ako nagagalit sakanya.
"Ate, alam kong. ."
"Drop it, Arra. A-ayaw kong makarinig ng kahit na anong paliwanag. A-alis na ako."
Nilagpasan ko sya pero napahinto ako ng marinig ko syang magsalita ulit sya.
"Masaya akong makita ka ulit, Ate. Hindi na ako nakapagpaalam sayo nung umalis kami. Pero maniwala ka. Alam ko. .alam kong buhay ka. Alam namin na buhay ka."
Gusto ko syang lingunin. Pero ayaw kong makita nyang umiiyak ako. Alam nilang buhay ako? Pero paano?
Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko kaya naman otomatikong napatingin ako sakanya. Inabot nya sakin ang isang camera.
Tinignan ko lang sya. Bakit hindi ko kayang magsalita at tanungin sya kung para saan to. Pero mukhang nabasa na nya ang isip ko.
"Baka sakaling makatulong sayo para malaman mo kung gaano ka kamahal ng Kuya. At kapag handa ka ng malaman ang lahat. Nandito lang ako, Ate. Dahil sigurado ako na wala kang makukuhang sagot ngayon kay Kuya dahil sa sakit nya. Tawagan mo lang ako. Umaasa akong magiging okay ka. Alam kong nasaktan ka ni Kuya dahil sa biglaan nyang pang-iiwan sayo ng walang dahilan. Pero Ate, he has a reason. Hihintayin kita, Ate Cha."
Walang salitang niyakap ako ni Arra habang patuloy na pagbagsak ng luha ko.
Ilang saglit lang. .humiwalay na ako sakanya. Hindi ko na kaya. Naglakad na ako palayo sakanya. Hindi na ako nakapagpaalam pa.
Bakit ba ako umiiyak? Bakit parang may hindi ako alam? Ano bang dapat kong malaman?
Nasalubong ko pa sa paglabas si Doc Gael. Tinawag nya ako pero hindi ko sya nilingon. Ayaw kong may makakitang umiiyak ako.
Pagkalabas ko ng hospital. Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay namin. Habang nasa byahe kami. Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko yung mga sinabi ni Arra kanina lang. Patuloy din sa pagbagsak ang mga luha ko na agad ko namang pinupunasan.
Pagkahinto ng taxi. Nagbayad ako agad at bumaba. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita ko si Angge with Carlo na nanunuod sa sala. Tatayo na sana si Angge para lapitan ako pero agad akong umakyat sa taas para pumunta sa kwarto ko.
"Glaiza! Okay ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Angge. Katok sya ng katok. "Cha. Buksan mo to."
"Okay lang ako, Ge. Magpapahinga muna ako. Mamaya bababa din ako."