Chapter 6

637 20 0
                                    

Alyssa Point of View

Kakatapos lang ng Training namin ngayon at sobra ang pagod ko, pinahirapan kasi ako ni Coach Tai kanina dahil hindi ako naka-attend nung nakaraan ng Training.

Habang nagpapahinga ako dito sa bleacher, biglang may kumalabit sakin kaya't hinatak ko iyon paupo sa tabi ko dahil akala ko si Den pero hindi pala. Si Kiefer pala, shit! Lagot ako.😱

"Hi Aly."

"Hi Kiefer."

"Pwede ba kitang mayaya mag-dinner?"

Naramdaman ko naman na may nakamasid samin kaya't nilibot ko ang tingin ko, napahinto ako ng tingin sa pinto ng shower room dahil nakita ko dun si Den na masama ang tingin kay Kiefer--este samin pala.

"Aly."

"Huh?"

"Mukhang may problema ka ah."

"Wala."

"Eh bakit parang balisa ka?

"Pagod lang ako, ano nga pala yung tinatanong mo kanina?"

Nakatuon pa rin ang atensyon ko kay Den kahit si Kiefer ang kausap ko.

"Pwede ba kitang mayaya mag-dinner?"

"Sorry, birthday kasi ng pinsan ko kaya pupunta ako mamaya sa bahay ng couz ko."

"Sayang! Pero okay lang."

"Sorry talaga, next time."

"Okay, una na'ko."

"Ingat."

"Ikaw rin."

Matapos ng usapan session namin, napatingin ako ulit sa pinto ng shower at wala na dun si Den. Hmmm. Nasan na kaya yun?

Mamaya kona lang sya kakausapin, hindi pa'ko nagsha-shower eh. Tumayo na'ko at naglakad papunta sa shower room habang bitbit ang gym bag ko. Haluh? Ako nalang pala ang tao rito sa BEG.

Mga 5minutes lang ako nag-shower dahil baka hinahanap na'ko ni Denden myloves.💕

Nang makarating ako sa Dorm, wala akong nakitang den at tanging si Ella lang ang nandito sa living room.

"Ella!" Tawag ko at umupo sa tabi nya.

"Oh Ly! Bakit ngayon ka lang?"

"Niyaya kasi ako ng dinner ni Kiefer pero tinanggihan ko."

"Kaya pala umiiyak si Den habang nagda-drive kanina." What?! Umiiyak ang myloves ko? Shit! Bwis*t naman!

"Nasan si Den?" Natataranta kong tanong.

"Nasa kwarto nyo, kinocomfort ni Jia." Tumayo na'ko at umakyat habang dala-dala ang gym bag ko.

Nung nasa tapat na'ko ng pinto, rinig na rinig kona ang hikbi ni Denden.

Shit! I'm dead.😱

Kumatok muna ako, pinagbuksan ako ni Jia.

"Oh Ly! Bat ngayon ka lang?" Tanong ni Jia.

"Napatagal kasi yung pahinga ko." Sagot ko.

"Weh? Are you sure?" Paninigurado nito.

"Oo nga, nasan pala si Den?" Tanong ko.

"Nasa kama nya at umiiyak, bahala na kayo dyan. Baba muna ko." Paalam ni Jia at lumabas na.

Pumasok naman ako sa kwarto, nilock ko muna yun para walang makaistorbo samin. Dahan-dahan kong binaba sa sahig yung gym bag ko at Dahan-dahan rin akong lumapit kay Denden.

Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon