Deanna Point of View
Andito ako ngayon sa Sala dahil maglalaro daw kami, pero hindi pa kami nagsisimula dahil inaantay pa namin si ate Jia at Ponggay.
"Ang tagal naman nila!" Reklamo ni ate Ells.
"Tinawagan ko na, pauwi na daw sila." Sabi ni ate Ly.
"I'm home!!" Biglang may sumigaw kaya't napatingin kami sa gawi nung sumigaw, nakita namin si ate Jia tsaka si Pongs.
"May dala kayong pagkain?" Tanong agad ni ate Ells.
"Besh! Kakarating lang nila tas pagkain agad ang hanap mo sa kanila." Sabi ni ate Denden.
"Walang siraan ng trip besh." Sagot ni ate Ells.
"Sorry Ella liit pero wala akong dalang pagkain." Sabi ni ate Jia.
"Ayt! Lumayas kayo ulit at ibili nyo ko ng pagkain." Sabi ni ate Ells habang nakaturo sa dalawa. Baliw talaga!😂
"AHAHAHAH!!" Tawa ni Beadel.
"Anong tinatawa mo dyan Bea?!" Tinignan nya ng masama si ate Bea.
"Wala naman teh Ells." Sabi ni ate Bea habang pinipigilan ang pagtawa.
"Jia, Ponggay umupo na kayo dito." Sabay turo ni ate Ly sa isang couch.
"Besh hindi ako makakasali sa laro nyo, monthsary namin ni Miguel kaya hindi ako makakasali." Sabi ni ate Jia.
"Okay, dito kaba matutulog Jia?" Tanong ni ate Ly kay ate Jia.
"Pagtapos namin magcelebrate kila Mama na'ko tutuloy." Sabi ni ate Jia.
Tumango lang si ate Ly at si Ponggay naman ay naupo sa tabi ko.
"Guys boring kaya gusto kong maglaro tayo." Sabi ni Cap.
"Anong laro Ly?" Tanong ni ate Amy.
"Spin the bottle!" Sabi ni ate Ly at nilagay sa center table yung bottle na hawak nya.
"Sinong mauuna?" Tanong ni ate Denden habang nakayakap kay ate Ly.
"Ako!" Sabi ni ate Ells at inikot na ang bottle.
Tumapat naman ito kay Kath.
"Truth or Dare?" Tanong ni ate Ells.
"Truth." Sagot ni Kath.
"Sino ang first love mo?" Bigla naman namula ang tenga ni Kath. Whahahaha!!😂
"Si . . . ano . ."
"Uy narinig nyo yun! Si 'ano' daw ang naging first love nya." Sabi ni ate Ells at nagtawanan naman kami.
"Si Anton." Sagot ni Kath.
"Sinong Anton?" Takang tanong ni Tey.
"Si Asistio." Bigla naman nanlaki yung mata ni ate Ells.
"Gosshhh!!" Tili ni ate Ells.
"Whaaa! Crush ko yun!!!" Tili ulit ni ate Ells.
"Spin muna Kath, wag nyo ng pansinin yang kabaliwan ni Ella liit." Sabi ni ate Ly.
Natawa naman si Kath, nang maikot na ni Kath yung bottle ay tumapat kay ate Denden.
"Truth or Dare?" Tanong ni Kath kay ate Denden.
"Dare." Sagot ni ate Denden.
"Sayawan mo si Cap ng lap dance sa harap namin." Bigla naman naghiyawan yung mga teammates namin.
"Huwat?! Iba nalang." Sabi ni ate Denden.
"Gawin muna Denden." Asar ni ate Ells.
"Patugtog kayo ng love me like you do para feel na feel ni Denden sumayaw." Sabi pa ni ate Ells.
Nang tumugtog na yung Love Me Like You Do, bumuntong hininga muna si ate Den bago sumayaw ng lap dance kay ate Ly. Habang si ate Ly lunok ng lunok ng laway nya at medyo pinagpapawisan na.
Nang matapos na sumayaw si ate Denden ay naghiyawan kami.
"Ang galing sumayaw ni Denden!!" Sabi ni ate Ells.
"Pwede ka ng sumali sa got talent ate Den!" Sabi ni ate Jho.
"Grabe pinagpawisan sayo si Cap!" Sabi ni Ana.
"Ang hot mo dun ate Den." Sabi ni Jules.
Inikot naman ni ate Den yung bottle at tumapat ito sa'kin.
"Truth or Dare?" Tanong ni ate Den.
"Truth." Sagot ko.
"May gusto kaba kay Pongs?" Tanong ni ate Den kaya't muntik na kong masamid.
"W-wala." Utal kong sagot.
"Ayt paktay! Nauutal." Asar ni Maddie kaya't tinignan ko sya ng masama pero nagpiece sign lang sya.
"Guys alis na'ko." Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si ate Jia sa gilid ni ate Ly.
Whooo! Ang ganda ni ate Jia, bagay na bagay sa kanya yung Red Dress na suot nya.
"May igaganda kapa pala Jia." Sabi ni ate Ells.
"Ikaw ate Ells may itataba kapa pala." Bawi sa kanya ni ate Jia.
"Boom! Basag." Hirit ni Beadel.
"Che! Umalis kana." Sabi ni ate Ells kay ate Jia.
"Bye." Huling sabi ni ate Jia bago lumabas.
Bigla ko naman naalala yung kotse ni Pongs. Hindi pa kasi namin nakukuha dun sa pinagiwanan namin eh.
"Pongs." Lumingon naman ito sakin.
"Bakit?" Tanong nito habang nakangiti.
"Kunin na natin yung kotse mo sa bar." Sabi ko.
"Shit! Oo nga pala, tara." Sabi nito.
Tumayo na kaming dalawa at lumapit kay ate Ly.
"Ate Ly." Tawag ko.
"Bakit Dean?" Tanong ni ate Ly habang nakatingin samin ni Pongs.
"Papaalam po sana kami." Sabi ko.
"San kayo pupunta? Gabi na." Sabi nito.
"Sasamahan ko'po si Ponggay na kunin yung kotse nya sa bar." Sabi ko.
"Oh, cge mag-ingat kayo." Ngumiti lang ako ng tipid at hinila ko na si Ponggay palabas.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Ponggay Point of ViewNang makarating kami sa Bar ay may nilapitan na lalaki si Dean at kinausap nya iyon. Narinig ko naman na nagpasalamat sya dun sa lalaki, yun ata yung nagbantay sa kotse ko.
Maya't-maya lumapit na sakin si Dean habang hawak yung susi ng kotse ko.
"Okay na." Inabot nito sakin ang susi at kinuha ko naman iyon.
"Salamat Wong." Sabi ko.
Ngumiti lang ito sakin at pumasok na sa kotse nya. Pumasok na rin ako sa kotse ko at nagsimula na mag-drive pabalik ng dorm, actually nasa harap ko si Dean habang ako ay nasa likod nya.
Maya't-maya nakarating na rin ako sa tapat ng Dorm, nakita ko naman na naglalakad na si Wong papasok sa loob ng Dorm kaya't inayos ko na ang pag-park ko atsaka bumaba ng kotse para pumasok na rin sa Dorm.
Pagpasok ko dun ay wala sila sa Sala kaya pumunta ako ng Dining Area at dun ko sila nakita.
"Pongs andito kana pala, kumain kana." Sabi ni ate Ly.
Ngumiti lang ako kay ate Ly at umupo na sa tabi ni Dean.
"Bat ang tagal mo ata?" Tanong ni Dean ng makaupo na'ko.
"Hindi ah, magkasabay lang kaya tayo." Sabi ko.
Hindi naman ito umimik pa kaya't nagsandok na'ko ng kanin at kumuha lang ako ng unting kare-kare.
★End of Chapter★
BINABASA MO ANG
Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018
FanficRead at your own Risk! Warning: Plagiarism is a crime.