Chapter 9

581 18 0
                                    

Ponggay Point of View

Tahimik kaming nanonood ngayon dito sa Sala, habang si ate Ells naman ay kumakain ng Pizza na binili ni Dean kanina.

"Okay ka lang ba?" Pabulong na tanong ni Dean sakin.

"Oo naman." Sagot ko.

"Parang ang lungkot mo kasi eh." Sabi nya pero pabulong.

"Parang lang yun." Sabi ko at tumawa ng mahina.

"Share nyo naman yung pinagbubulungan nyo dyan." Biglang singit ni ate Ells.

"Wag mo silang istorbohin besh, nanliligaw si Dean eh." Biglang sabi ni ate Den kaya't nasamid si Dean. AHAHAHA!😂

"Totoo yun, Pongs?" Tanong ni ate Ly habang nakangiti.

"Hindi po, friend lang kami." Sagot ko.

"Ang dami mong alam teh Ells." Sambit ni Dean ng maka-recover sya.

"Denial." Asar ni ate Ells.

Bigla namang dumating si ate Tey kaya tumingin na'ko sa pinapanood namin.

"Hi Guys!" Bati ni ate Tey.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nakaupo si ate Tey sa tabi ni ate Ells.

"Hi Tey." Rinig kong bati ni ate Ly.

"San ka galing, Tey?" Tanong ni ate Ells.

"Sa bahay, bumisita lang." Sagot ni ate.

"Andun padin ba sila James?" Tanong ni ate Denden.

"Oo, naghaharutan nga sa Sala nung naabutan ko eh." Sagot ni ate Tey.

"Mukhang inlove na inlove sila sa isa't isa noh!" Sabi ni ate Ells.

"Yeah, masaya ako para sakanila." Sagot ni ate Tey.

"Kelan ba sila uuwi ng U.S?" Tanong ni Jia.

"Sa Friday." Sagot ni ate Tey.

"Sasusunod na araw na pala." Sabi ni ate Ly.

"Pongs!" Tawag ni ate Jia.

"Bakit?" Tanong ko.

"May gagawin kaba ngayon?" Tanong nito.

"Wala naman po, bakit?" Tanong ko.

"Samahan mo naman ako sa Mall." Sabi ni ate Jia.

"Cge po, ngayon naba?" Tanong ko.

"Maliligo muna ako." Sabi nito.

"Cge po, maliligo rin po muna ako." Tumayo na'ko at pumunta na sa kwarto.

Kinuha ko muna yung towel ko, bago ako pumasok sa CR at naligo na.

After 20minutes natapos na rin ako maligo at magbihis kaya bumaba na'ko, nakita ko si ate Jia na nakaupo sa Sofa habang katabi si ate Tey.

"Ate Jia." Tumingin naman sya sa gawi ko habang nakangiti.

"Okay kana ba?"

"Opo." Sabay nginitian ko ito.

"Let's go." Tumango nalang ako.

Ginamit namin ang kotse ni ate Jia. Buong byahe namin ay tahimik lang kami at walang nagbalak na magsalita.

Nang makarating kami sa loob ng mall, dumeretso kami sa isang salon dahil may date daw si ate Jia at yung boyfriend nya na si Miguel kaya kailangan daw maganda sya.😂

Matapos nyang magpa-ayos ng mukha at buhok, dumeretso kami sa isang dress shop. Nakaupo lang ako sa isang couch, habang sya ay namimili ng susuotin nya at parang ako yung tiga comment sa susuotin nya.

Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon