Chapter 31

491 14 0
                                    

Beadel Point of View

Nagising ako nang maramdaman ko ang araw sa mukha ko. Tatayo na sana ako pero biglang kumirot ang ulo ko kaya napahiga ulit ako habang hawak ko ang ulo ko.

Naparami kasi ang inom namin ni Jhoana kaya masakit ang ulo ko.

Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko sa side table at tinignan iyong oras.

Haluh?!

6:5AM na pala!

Binalik ko na ulit sa side table ko yung cellphone ko at tumingin sa kabilang kama.

Nakita ko dun si Jhoana na nakatagilid habang natutulog.

Pinilit kong tumayo dahil may training kami, lumapit ako kay Jho at niyugyog sya.

"Jho gising."

Tinalikuran ako nito. "I-inaantok p-pa'ko." Sabi nya in antok voice.

Dapat pala hindi na kami uminom.

"Beh may training tayo." Bigla naman itong napaupo sabay hawak sa ulo nya.

Malamang kumirot yung ulo nya.

"Mauna kana sa CR Beh." Sabi nya.

"Cge." Sabi ko at tumayo na.

Pumasok na'ko sa CR habang dala-dala yung towel na kinuha ko sa gilid nang kama ko.

After 7 minutes lumabas narin ako nang CR at pumasok naman si Jhoana.

Nagbihis na'ko nang t-shirt ko at yung short kong pang-training.

Saktong pagbihis ko ay ang paglabas ni Jhoana sa CR.

"Beh una na'ko sa resto ah." Sabi ko habang sinisintas yung sapatos ko.

"Cge Beh." Sabi nya.

Matapos kong ayusin yung shoes ko ay lumabas na'ko nang kwarto habang nakahawak sa ulo ko dahil hanggang ngayon ay kumikirot pa rin.

Nadatnan ko sa resto silang lahat sa resto na kumakain.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Ponggay.

"Anyare sayo Beadel?" Tanong ni ate Ells.

"Wala po." Sambit ko.

"Bat nakahawak ka sa ulo mo?" Tanong ni ate Ly.

"Wala, masakit lang." Sabi ko. "Nasan pala si Coach Tai at Coach Sherwin?" Pag-iiba ko nang topic.

"Nandun na sila, kagabi pa." Sagot ni ate Denden.

Sasagot sana ako pero biglang dumating si Jhoana kaya nanahimik nalang ako at katulad ko ay nakahawak din si Jhoana sa ulo nya.

Umupo si Jhoana sa tabi ko. "Ano bang nangyari sa inyong dalawa at pareho pa kayong nakahawak sa ulo nyo?" Tanong ni ate Aly.

"Siguro nag-sex kayo noh!" Singit ni ate Ells.

Binatukan naman sya ni Cap. "Besh bastos mo, may mga bata rito oh!" Sabi ni ate Denden.

Natawa naman si ate Ells. "Hindi na bata yan, gumagawa na nga rin sila nang baby eh." Sabi ni ate Ells habang nakatingin kila Pongs at Deanna.

Nagtawanan naman kami dahil nakita namin na namula si Ponggay habang si Dean ay nagpipigil nang tawa.
*
*
*
*
*
Matapos namin mag-breakfast kanya-kanya na kaming balik sa kwarto para kunin yung gym bag namin.

Yung iba naman ay dumeretso umalis na dahil dala na nila yung gym bag nila.

"Beh kila ate Ly nalang tayo sumabay." Sabi ni Jho.

"Wag na Jho, may kotse naman na pinadala dito si Dad." Sabi ko.

Past few days kasi nagta-taxi lang kami papunta dun sa Field.

"Okay." Tugon nya at lumabas na.

Kinuha ko muna yung gym bag ko at cellphone atsaka sinundan si Jhoana.

Tumunog naman yung phone ko, senyales na may nag-text kaya tinignan ko iyon.

"Ms.Isabel nandito na'po ako sa labas nang hotel." Text sakin nung naghatid nang car.

Binulsa ko na yung cellphone ko at sinundan na ulit si Jhoana.

Nang makarating kami sa Lobby may lumapit agad sakin na lalaki kaya napahinto rin si Jhoana.

"Kayo poba si Ms.Isabel?" Tanong nito.

"Yes, I am." Sagot ko.

"Here's your key Ms.Isabel." sabi nito at inabot sakin ang susi.

Tinanggap ko naman iyon. "Salamat." Sambit ko.

Ngumiti naman ito sakin, sa palagay ko nasa 50s na ito. "Nasa labas na'po yung BMW." Sabi nito. "Aalis na'po ako." Tumango nalang ako.

Pagkaalis nito ay lumabas narin kami ni Jhoana, nakita ko dun sa gilid ang BMW ko.

Pinagbuksan ko si Jhoana sa passenger seat at pumasok naman sya kaya sinara ko na iyon at pumasok na din sa driver seat.
*
*
*
*
*
Buong byahe namin ay tahimik lang kami dahil narin busog si Jhoana kaya hindi masyado nagsasalita.

Nang makarating kami sa Field pinarada ko na agad yung kotse ko at saktong papasok narin sila Ponggay at Wong kaya sumabay na kami sa kanila.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Jhoana Point of View

Kakatapos lang nang training namin ngayon at aminado akong 4 days na kong pagod na pagod.

Plus uminom pa kami ni Beadel kagabi kaya natriple pa yung pagod at sakit nang ulo ko.

Nakalimutan ko kasi kanina uminom nang gamot para sa hangover kaya medyo masakit pa rin ang ulo ko.

Ito naman si Beadel ay parang energetic na engertic dahil nagawa pang makipaglandian sa mga kalaban namin.

Oppss!

Baka isipin nyo nagseselos ako.

Hindi po ako nagseselos dahil ang tingin ko po kay Beadel ay hanggang bestfriend lang.

Inaamin kong bisexual ako pero mas gusto ko pa din ang lalaki, actually nga may nanliligaw sakin eh pero hindi ko pa sinasagot dahil kailangan ko pa nang time atsaka masyado pa akong busy sa mga acads ko at player pa'ko.

Malapit na din kasi yung laban namin kaya todo training kami.

"Kapagod!" Sabi ni ate Ells.

Nandito kasi kami ngayon sa bleacher dahil yung iba naming teammates ay nakikipag-kwetuhan sa mga kalaban namin.

Actually hindi naman namin sila kalaban, friendly game lang talaga ang ginagawa namin.

"Ate Ells nag-shower kana?" Tanong ko.

"Doon nalang ako magsha-shower sa hotel." Sabi nya.

Tumango nalang ako, maya't-maya naisipan ko na din mag-shower dahil papagabi na.

£ΠD ØF ¢H∆₱†£R

Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon