Chapter 45

519 18 0
                                    

Deanna Point of View

Nandito kami ngayon sa resto nang resort namin dahil nagugutom na daw ang baby ko. Late na kasi kami nagising kaya hindi sya nakapag-breakfast.

"Ano ba kasing ginawa nyo? Bakit ngayon lang kayo nagising?" Asar ni ate Ells.

Kanina pa kasi sila tanong ng tanong kung bakit daw ngayon lang kami nagising.

"Siguro gumawa yan ng ano!" Asar ni ate Amy.

"Wala nga po kaming ginawa, natulog lang kami." Sambit ko.

"AHAHAHAH! Tigilan na nga natin sila." Buti naman nagsalita na si Cap.

Nang matapos kaming kumain dumeretso kami sa pool. Hanggang ngayon ay kami-kami pa lang rin ang tao dahil sa bukas pa ito bubuksan.

Nakasando at short lang ako habang si Ponggay ay naka-swimsuit. "Dean hindi kaba maliligo?"

"Ikaw nalang muna, doon muna ako kila ate Ly ah." Paalam ko.

Tumango lang ito kaya iniwan ko na, kasama nya naman si ate Denden at Dani kaya okay lang iwan ko sya.

Pumunta na'ko sa gawi nila ate Ly at ate Bea. "Oh Dean, nasan yung girlfriend mong Jolly?" Tanong ni ate Beadel.

"Nagswi-swimming po, kasama si Dani at ate Denden." Sambit ko.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa naisipan ko nang balikan si Ponggay.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Ponggay Point of View

Nakauwi na lahat nang teammates namin, hindi na sila nagpagabi pa dahil maaga ang training bukas.

Nandito kami ngayon ni Dean sa gilid nang pool, naka-back hug sya sakin. "Baby D hindi paba tayo papasok?"

"Mamaya na." Mahina nyang sabi.

Nakaisip naman ako nang kapilyahan kaya nagsimula ako lumayo sa kanya. "San ka pupunta?"

"Sa puso mo baby D." Malandi kong sabi.

Kita ko naman ang paglunok nya. "Bumalik ka dito Ponggay." Nagsimula na rin sya lumangoy papunta sa gawi ko kaya mas binilisan ko ang pag-langoy. "Gotcha!"

Shit!

Nahabol nya ako.

Ang bilis pala lumangoy nitong kumag nato.

Humarap ako sa kanya at sinukbit ko ang dalawa kong kamay sa batok nito. "Baby D al----" Hindi na natapos yung sasabihin ko dahil mabilis nyang sinakop yung labi ko.

Ngumisi muna ako bago tumugon sa halik nya. Gotcha! Naakit ko din sya.

Shit!

Parang may nagliliyab na apoy kahit nasa gitna kami ng pool.

Pinakawalan nya na yung labi ko. "Sinimulan mo . . tatapusin ko." Nakangisi nyang sabi.

Umahon na kaming dalawa at nagtungo sa kwarto namin. Pagpasok pa lang namin ni Dean ay sinandal nya agad ako sa wall at hinalikan, yung paa nya na rin ang ginamit nya para isara yung pinto.

Hanggang sa makarating kami sa kama ay hindi pa rin nya binibitawan yung labi ko.

Gosh!!

Halos hindi na'ko makahinga, maya't-maya pinakawalan nya na rin yung labi ko pero nanatili lang sya sa ibabaw ko. "I love you Pauline Gaston." Bulong nya at masuyong hinalikan ang noo ko.

"I love you too . ." Tugon ko.

Sinimulan nya na ulit akong halikan sa labi at mabilis ko naman iyon tinugunan, habang naghahalikan kami ay nararamdaman kong lumilikot yung isang kamay nya sa likod ko.

Goshh!

Ngayon ko na ata isusuko ang bataan!

Para kay Dean kayang kong ibigay lahat . . ganun ko sya kamahal.

Sandaling pinakawalan ni Dean yung labi ko at pinaupo ako. Dahan-dahan nyang tinanggal yung swimsuit bra ko, nang matanggal nya iyon ay nakaramdam ako nang hiya kaya tinakpan ko iyon.

Nakita ko ang pag-ngisi nya. "Don't shy baby, beautiful view." Sabi nya at tinanggal ang kamay ko atsaka pinahiga ako then pumwesto na ulit sya sa ibabaw ko.

Muli namin pinagsaluhan ang matamis na labi at katawan na mainit.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Deanna Point of View

Bandang 5:30AM ay nagising na'ko dahil nakaramdam ako nang lamig, napatingin ako sa tabi ko at nakita ko syang natutulog nang mahimbing.

Sobrang saya ko ngayon, hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang saya ko. Unang-una masaya ako dahil sinagot nya na'ko, pangalawa masaya ako dahil ako ang nakauna sa kanya.

Dahan-dahan akong tumayo at pinulot ang mga damit namin na nagkalat-kalat. "San ka pupunta?"

Napatingin ako sa gawi ni Ponggay at nakita ko syang nagkukusot nang mata habang tinatakip yung kumot sa hubad nyang katawan.

Sinuot ko muna yung swimsuit panty ko at kinuha yung isang unan para itakip naman sa dibdib ko. "Maaga pa, matulog kapa ulit."

"Once na nagising na'ko . . hindi na'ko ulit makakatulog." Sabi nya at dahan-dahan umupo.

"Okay, maghihilamos lang ako." Pumasok na'ko sa CR at ginawa yung morning rituals ko.

After 5 minutes natapos na rin ako at nakasando na'ko at short. Lumabas na'ko nang CR, nadatnan ko si Ponggay na naka-swimsuit na ulit at naka-dekwatro sa bed.

"Pauline magCR kana para makapag-breakfast na tayo."

"Maya nalang, masakit pa." Mahina nyang sabi pero sapat na para marinig ko.

Anong masakit pa?

"Anong masakit?" Kunot noong tanong ko.

"Down there." Saad nya.

Ah . . . gets ko na.

Masakit yung ano nya . . basta yung ano nya yun.



€ΠD ØF ¢H∆₱†€R

Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon