Chapter 7

596 23 0
                                    

Deanna Point of View

Dumeretso ako sa isang sikat na bar dahil base sa GPS ko ay nandun si Ponggay. Nakita ko syang nakaupo doon sa stool bar habang umiinom ng tequila.

Dahan-dahan naman akong lumapit sakanya at umupo sa tabi nya.

"Jack Daniels!" Order ko sa bartender. He-he-he, iinom din ako.

"Dean." Napatingin ako sa gawi ng boses na tumawag sakin.

"Pongs." Bati ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito.

"Nagre-relax." Cool kong sagot.

"Anong ginagawa nila dun?" Tanong nito.

"Nasa kanya-kanya na silang kwarto." Sagot ko.

"Ma'am ito na'po yung Jack Daniels nyo." Biglang singit nung Bartender. Nilapag nya sa harap ko yung Jack Daniels at baso na may yelo na nakapabilog.

Nagsalin ako atsaka uminom, alam kong nandito ako dahil iuuwi ko si Ponggay at hindi para uminom pero parang may nagtutulak sakin na damayan ko si Pongs sa pag-inom.

"Nakakainis shi Ate nuh!" Lasing nitong sabi. Sabi ko na nga ba may tama na'to eh.

"Lasing kana." Sabi ko at tinungga yung nasa bote.

Whoah! Mukhang kailangan ko ng isayaw 'toh.

"Pongs! Sayaw tayo!" Aya ko.

Ngiti lang ang sinagot nito, inalalayan kona ito tumayo dahil pagewang-gewang na ito. Nung nasa gitna na kami ng dance floor ay kanya-kanya na kaming sayaw, rock kasi yung sayaw eh.

Maya't-maya napagod na rin ako sa pag-sayaw at medyo okay na'ko kaya hinila kona si Ponggay at hindi na ito pagewang-gewang maglakad.

Nang makaupo kami sa Stool bar, kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone ko at in-on yun.

50missed calls and 10 text. Fuck! 9:30PM na pala. Yari kaming dalawa ni Pongs nito.

"Pongs! Uwi na tayo, magsasara na sila ate Ly." Sabi ko at nagiwan ng pera muna bago ko hinila si Pongs palabas ng bar.

Inalalayan ko na sya papasok sa kotse ko, kukunin nalang namin yan bukas. Pagpasok ko sa driver seat, kinabitan ko muna ng seatbelt si Pongs bago ko pinaandar yung kotse ko.

After minutes of driving nakarating na din kami at natanaw ko agad sa Main Door si ate Ly, ate Den, Tey, at si Donya.

Bakit hindi pa sila natutulog?

Pinatay ko muna yung makina ng kotse ko bago ako bumaba ng driver seat, umikot na'ko at inalalayan bumaba si Ponggay dahil tulog na ito at mukhang lasing na lasing talaga. Buti ako hindi ganoon kahalata.😂

Nakita naman kami agad nila Ate kaya mabilis silang pumunta sa kinaroroonan namin at kinuha sakin ni Tey at Donya si Ponggay.

"Dean bat ang tagal nyo?" Tanong agad ni ate Ly. Shit! Ano kayang pwedeng dahilan.

"Ah . . . eh . . ."

"Ano na Dean?" Tanong naman ni ate Den.

Napatingin naman ako kay ate Ly at nakatingin lang sya sakin ng diretso habang seryoso ang mukha kaya't umiwas ako ng tingin.

"Dean lumapit ka nga sakin!" Utos ni ate Ly kaya't lumapit nalang ako.

Nagulat ako ng bigla nyang hilahin yung kwelyo ko at nilapit ang lips nya sa lips ko, parang 3inches nalang ang pagitan. Bigla naman akong napaatras dahil baka malaman nyang uminom ako, sure akong yari ako!

"Dean, umamin ka." Sabi ni ate Ly habang seryoso ang boses at mukha. Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok dahil sa nakikita ko ngayon.

"Baby! Anong aaminin ni Dean?" Tanong ni ate Den at kumapit sa braso ni ate Ly.

"Uminom kaba Dean?" Tanong ulit ni ate Ly. Shit! Sabi na nga ba eh.😔

"Sorry ate Ly." Pagpapaumanhin ko.

"Akala koba susunduin mo lang si Pongs, bakit uminom ka din?" Tanong ulit ni ate Ly.

"Nadala lang ate Ly." Pagdadahilan ko.

"Bukas mag-uusap tayong tatlo nila Ponggay, cge na matulog kana." Sabi nito at pumasok na. Wala naman akong nagawa at napabuntong hininga nalang dahil inis ako sa sarili ko.

Pumasok na'ko at duemretso sa kwarto, nakita ko si Ponggay na nakahiga. Bigla namang may pumasok kaya't napatingin ako dun.

"Teh Ells, anong ginagawa mo rito?" Tanong nito.

"Pupunasan at papalitan ng damit si Ponggay." Seryosong sabi ni ate Ells.

"Ako nalang!" Shit! Bakit koba nasabi yun?

"Cge, salamat." Sabi nito at inabot na sakin yung hawak nyang towel at planggana tas umalis na.

Umupo naman ako sa gilid ni Ponggay at sinimulan na syang punasan. Nang matapos ko syang punasan, dahan-dahan kong inangat ang t-shirt nya. Bawat taas ko ay napapalunok ako, pa'no ba naman kasi! Ang Hot nya. Jusq ko'po, layuan nyo ko tukso at baka ma-rape ko ito.

Whoooo!! Ang init ah.🔥

Matapos kong punasan ang katawan nito, sinuot ko na sa kanya yung sando. Whooo! Buti nakapagpigil ako.😂

Inayos ko muna yung ginamit ko bago ako natulog.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Ponggay Point of View

Uupo sana ako pero biglang kumirot yung ulo ko.

"Aray!" Daing ko.

"Inom pa." May narinig akong boses kaya't unti-unti kong binuksan ang mata ko.

Nakita ko si ate Ells na may hawak na tubig at gamot habang nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Inumin mo 'toh." Inalalayan nya ko umupo atsaka inabot sakin yung gamot at tubig. Matapos kong inumin yun, nilapag ko muna yun sa side table.

"Okay kana?"

"Oo, ate Ells."

"Bakit kaba uminom?"

"Wala, nasan sila ate?"

"Nasa baba, kumakain ng breakfast."

"Walang training?"

"May meeting si Coach eh."

"Aray!" Napatingin naman ako sa gawi nung nagsalita. Nakita ko si Dean na nakahiga habang hawak ang ulo.

"Oh! Inumin mo 'toh." Inabot ni ate Ells yung isa pang baso na may laman na tubig at isang gamot. Dalawang baso kasi yung nakita kong hawak nya kanina at dalawa rin yung gamot.

Uminom din ba si Dean?

"Bumaba na kayo tsaka kakausapin pala kayong dalawa ni Aly." Huling sabi ni ate Ells at lumabas na ng kwarto.

"Uminom ka din ba Dean?" Tanong ko.

"Oo, hindi moba naaalala?"

"Ang naaalala ko lang ay nakita kita sa tabi ko." Sagot ko.

"AHAHAHAH!"

"Anong nakakatawa?" Takang tanong ko.

"AHAHAHAH! may muta ka kasi." Sabi nito habang nakahawak sa tyan dahil sa sobrang tawa nya. Mautot ka sana.😂

"Che!" Pagtataray ko.

Tumayo na'ko at kinuha ko muna yung towel ko bago ako pumasok sa CR para gawin yung Morning Rituals ko.

After 5minutes natapos na din ako kaya lumabas na'ko ng CR at si Dean naman ang pumasok sa CR.

Tutal pareho naman kaming kakausapin ni ate Ly, sabay nalang kaming baba ni Dean.

★End of Chapter★

Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon