Deanna Point of View
Nandito kami ngayong dalawa ni Ponggay sa gilid nang pool at nakayakap parin ako sa kanya, nakaback-hug pa rin ako sa kanya.
Yung mga teammates namin ay kanya-kanyang saya dun sa gitna nang pool.
Ang lambot talaga nang katawan nya . . .🔥
"Deans pwede muna ba akong bitawan?" Tanong ni Ponggay.
Mga 15 minutes narin akong nakaback-hug sa kanya. "Ayoko, dito ka lang." Ma-awtoridad kong sabi.
"Pero Dean baka may mag-picture satin at ipost sa IG tas makita pa nang girlfriend mo." Bigla ko naman naalala si Michelle.
Hyst!
Ano ba talagang kailangan kong gawin?
Gulong-gulo na'ko!
Ayokong saktan si Michelle pero mas lalo syang masasaktan kung paniniwalain kong mahal ko sya.
"I don't care." Sabi ko nalang.
Hindi naman sya nagsalita . . .
*
*
*
*
*
Nakalipas ang isang oras ay medyo nagdidilim na rin kaya umahon na'ko at inalalayan ko naman umahon si Ponggay. "Thank you." Sabi ni Ponggay at ngumiti.Ngumiti lang ako sa kanya. "Dean pwede mo nang bitawan yung kamay ko." Sabi nya at akmang tatanggalin yung kamay ko sa kamay nya.
Hinigpitan ko naman lalo yung paghawak ko sa kamay nya para malaman nyang ayaw ko syang bitawan.
Hindi ko na sya pinagsalita pa at hinatak ko na sya papunta sa mga ka teammates namin na ngayon ay nasa resto na ng hotel na 'toh.
Nadatnan namin silang nakaupo sa dulo kaya pumunta din kami doon. Maraming kumakain din dito na naka-swimsuit pa kaya okay lang kahit naka-swimsuit pa din kami.
"Andito na pala sila eh." Sabi ni ate Ly.
"Wow! Kailangan holding hands talaga." Asar ni ate Jhowjhow.
Binitawan ko na yung kamay ni Ponggay at umupo na sa tabi ni ate Amy habang si Ponggay ay umupo sa tabi ni ate Denden.
"Guys buffet resto 'toh kaya kumuha kayo kung anong gusto nyo." Sabi ni ate Ly.
"Ate Aly sino may sagot nito?" Tanong ko.
"Sino paba? Edi si Beadel." Sabi ni ate Ly.
"What?!" Napatayo si ate Bea sa gulat.
"Cge na Bea ikaw na magbayad, mayaman ka naman eh." Sabi ni ate Ly.
Malamyang umupo si ate Bea ulit at bumuntong hininga muna. "Fine! Ako na ang magbabayad." Sabi nya kaya nagningning yung mga mata namin.
Actually lahat naman kami mayaman kaso nga lang puro kuripot kami.😂
Naunang tumayo si ate Ells habang hatak-hatak si ate Amy at pumunta na silang dalawa sa mga pagkain.
Sa tingin ko may something si ate Ells at ate Amy.
Tumayo na rin ako para kumuha nang pagkain, pagbalik ko ay nakakuha na silang lahat.
"Guys mag-pray muna tayo." Sabi ni ate Aly.
Tumango nalang kami at nagsimula na magdasal.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang tumunog yung cellphone ko. "Mga ate sagutin ko lang po 'toh." Sabi ko.
Ngumiti naman sila sakin, sign na sang-ayon sila.
Medyo lumayo ako sa table namin. Tinignan ko yung tumatawag sa cellphone ko at nakita ko si Michelle ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018
FanfictionRead at your own Risk! Warning: Plagiarism is a crime.