Chapter 27

427 17 0
                                    

Ponggay Point of View

Kakatapos lang nang training namin at wala akong class ngayon dahil absent ang teacher namin.

Andito ako ngayon sa isang coffee shop dahil niyaya ako mag-snack ni Basti.

"So . . kamusta ka naman?" Tanong nya.

"Okay lang naman, ikaw?" Tanong ko.

Two weeks din kasi kaming hindi nagkita dahil may nagbakasyon sila nang pamilya nya.

"Okay lang, masaya naman dahil kahit pa paano na kasama ko yung pamilya ko." Nakangiti nyang sabi.

"Great, balita ko sa America kayo magte-training ah." Sabi ko.

"Yeah, diba kayo sa Korea?" Tanong nya.

"Yup." Sagot ko at humigop nang kape.

"Kamusta naman kayo?" Tanong nya.

"Sinong kayo?" Balik tanong ko.

"I mean kayo ni Dean, kamusta na?" Tanong nya.

"Maayos naman ang pagiging mag-bestfriend namin." Sagot ko.

Tumawa naman ito kaya tinignan ko sya nang 'nagtataka look'. "Alam kong gusto mo sya Pongs." Sabi nya habang nakangiti.

Muntik ko naman maibuga sa mukha nya yung kape na iniinom ko. "Wala akong gusto sa kanya." Deny ko agad.

Ngumiti ito sakin nang nakakaloko. "Are you sure Pongs? Iba kasi ang nakikita ko sa mata mo." Sabi nya.

Nilapag ko muna yung coffee ko bago sumagot sa kanya. "Wala naman talaga Basti." Sabi ko.

"Don't deny Pongs." Sabi nya.

"Tsk, change topic." Sabi ko.

"Fine, baka mapikon kapa." Sabi nya.

"So kelan ang alis nyo?" Pag-iiba ko nang topic.

"Next week, kayo?" Balik tanong nya.

"Sasusunod na araw na." Sagot ko.

Bigla naman tumunog yung phone ko kaya nagpaalam muna ako sa kanya na sasagutin ko lang ito sa labas ng Coffee Shop.

*Ate Therese Calling*

"Hello."

"Bat napatawag ka ate?"

"Nasan ka?"

"Coffee Shop."

"May importante ka bang ginagawa Pongs?"

"Wala naman, bakit?"

"Puntahan mo naman si Rex sa ateneo oh."

"San dun?"

"Canteen."

"Anong sasabihin ko?"

"Sabihin mo puntahan nya ako sa Condo ko."

"Okay."

"Salamat."

*Calling Ended*

Bumalik na ulit ako sa loob. "Sorry Basti pero i have to go." Sabi ko at sinukbit na sa shoulder yung bag ko.

"Why?" Tanong nya.

"May inuutos kasi si ate Tey  sakin eh." Sabi ko.

"Okay."

Lumabas na'ko nang coffee shop at nagtungo sa Ateneo. Saktong pagpasok ko sa gate nang Ateneo ay nakasalubong ko si Dean at yung girlfriend nya na kung makakapit sa kanya ay parang tuko.

Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon