Chapter 8

597 20 0
                                    

Deanna Point of View

Paglabas ni Ponggay sa CR, ako naman ang pumasok dahil gagawin ko ang Morning Rituals ko. Medyo binilisan ko lang, kasi kakausapin nga pala kami ni ate Ly.

After 5minutes lumabas na rin ako ng CR, nakita kong nakaupo si Pongs sa kama nya habang nakatingin lang sa Cellphone nyang naka-off.

"Pongs."

"Bakit?"

"Bakit hindi kapa bumababa?"

"Sabay na tayo."

"Natatakot ka noh!"

"Hindi ah!"

"Okay. Tara!"

Hinila ko na yung kamay nya at lumabas na kami ng kwarto. Pagbaba namin, nadatnan namin si ate Ly na nanonood ng TV habang katabi si ate Ells at ate Denden, bali pinagigitnaan nila si ate Ly tas sa kabilang Couch nakaupo ang Jhobea, si Amy, si Gizelle, at si Jia.

"Goodmorning." Nahihiya kong bati.

"Goodmorning WongPong!" Bati nung Jhobea.

"Goodmorning Wong, morning Pongs." Bati ni ate Amy.

"Kumain muna kayo." Sabi ni ate Ells.

Tango lang ang sinagot ko at hinila na papunta sa Dining Area si Pongs, nadatnan naming kumakain mag-isa si Maddie ng Pinya.

"Goodmorning Mads." Bati ko.

"Morning Wong, Pong." Bati nito pabalik at muling kumain ng Pinya.

Binitawan ko na ang kamay ni Pongs at umupo ako sa tabi ni Mads, habang si Pongs ay umupo sa harap ko.

Kumuha lang ako ng unting fried rice at hotdog, habang kay Pongs ay bread lang at hotdog. Kaya pala ang payat ng babaeng 'toh, diet pala sya.

"Yari kayo!" Biglang sabi ni Mads.

"Huh? Kanino?" Takang tanong ni Pongs.

"Kay Ly, bakit ba ang tagal nyo kasing umuwi?" Tanong ni Mads.

"Uminom din kasi ako." Sagot ko.

"Kaya pala napuyat si Donya, Den, at Aly." Sambit ni Mads.

Pagkasabi non ni Mads ay wala ng nagbalak na magsalita kumain at tanging kutsara at tinidor ko na lang ang nag-iingay.

Naunang matapos sakin si Pongs pero hindi pa rin sya umaalis sa pwesto nya at nanatiling nakaupo lang, habang si Mads ay patuloy pa rin sa pagkain ng Pinya, pinaglihi ata ito sa Pinya eh.😂

"Tapos kana Dean?" Tanong ni Pongs.

"Oo, bakit?" Tanong ko.

"Uy! Hinihintay kayo ni Ly sa Sala." Biglang singit ni ate Ells.

"Aayusin lang namin yung pinagkainan namin, ate Ells." Tumango lang sya at umalis na rin.

"Ako ng bahala dyan." Sabi ni Mads.

"Salamat, Mads." Sabi ko. 

Nauna ako maglakad papunta sa Sala, habang si Pongs ay nasa likod ko lang.

Naupo kaming dalawa ni Pongs sa isang couch, kung saan walang nakaupo.

"Ly, ayan na sila oh." Sabi ni ate Denden.

Tumingin naman samin si ate Ly.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Beadel Point of View

Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon