Ponggay Point of View
2 months na kaming walang pansinan ni ate Tey, buti nga kinaya ko eh.
Sa loob ng 2 months na yun ay marami ng nangyari, katulad ngayon . . . bestfriend ko na si Dean.
Sya kasi yung naging sandalan ko nung mga panahon na hindi kami nagpapansinan ni ate Tey. Sa kanya ko lahat sinasabi ng mga problema ko.
Tungkol naman dun sa Arrange Marriage na yan, hindi ko tinatopic yan or tinatanong kila Mom at Dad dahil ayoko marinig ang sagot nila.
Mas naging close ko din sila ate Bea at ate Jho, lalong-lalo na si Dani kaso mas close talaga kami ni Dean.
Speaking of Mika pala isang buwan na rin ang nakalipas mula nung mag-enroll sya sa DLSU, Katulad ko ay volleyball player din sya.
"Pongs!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Nakita ko si Dean na may dalang gatorade, 30minutes break kasi namin eh. Actually mamaya pa matatapos 'tong training namin.
Laban na kasi namin sa August kaya todo training kami, lalo na kaming tatlo nila Dani at Dean dahil rookie kami. Actually halos magkasabay lang din pala kami ni Dean kaso nauna lang sya mag-try out.
"Oh!" Sabay abot sakin ng Gatorade.
"Salamat." Kinuha ko yung gatorade at ininom. Buti nalang andito si Dean, baka kung wala ay wala akong inumin, naiwan ko kasi yung gatorade ko kanina sa ref eh.
Umupo naman ito sa tabi ko . . . . .
"Wala kaba talagang balak kausapin ang ate Tey mo?" Actually pang limang beses nya na yang tanong sakin ngayong araw.
"Hindi ko alam, ayoko munang isipin yan." Sabi ko.
"Hindi kaba nahihirapan?" Napatingin ako dito.
"I mean hindi kaba nahihirapan? Sa iisang dorm kayo nakatira at i-isang team tayo." Seryosong sabi ni Dean. Ang cute nya talaga kapag naka-serious face sya.
"Guys! Tapos na ang 30minutes break!" Sigaw ni ate Ly.
Hyst! Salamat buti nakaligtas ako kay Dean.
Aaminin ko nahihirapan ako pero wala eh, parehong mataas ang pride namin.
Tinabi ko muna yung gatorade ko bago ako pumunta sa gitna, nagwarm-up muna kami ni Dean, sya kasi yung partner ko sa mga drills eh.
After 3 hours natapos na rin yung Training namin na patayan. Grabe! Akala ko hihimatayin ako kanina.
Umupo muna ako sa bleachers dahil halos lahat sila ay nagsha-shower, papahuli nalang ako.
"Pongs!" Napatingin ako sa gilid ko, nakita ko si Basti na pawis na pawis habang papunta sa kinaroroonan ko.
"Oh basti, anyari sayo?" Tanong ko ng makalapit sya.
"Nagtry-out." Huh?
"Anong sports?" Alam ko wala naman itong hilig sa sports ah.
"Men's volleyball." Sagot nya.
"Akala koba wala kang hilig sa sports." Sabi ko habang nakacross-arms.
"Wala nga pero nung makita kitang mag-training nainggit ako kaya nagtry-out din ako sa Men's volleyball." Paliwanag nya.
"Okay, so isa ka sa napili?" Tanong ko.
"Yeah, bukas lilipat na'ko ng dorm." Hindi sa dorm namin ah, ibang dorm yung kanila.
Nakita ko naman na lumabas na ng shower room si ate Therese kasama si ate Jia.
"Una na'ko, basti." Tumayo na'ko at nagsimula na maglakad papunta sa shower room.
Pagpasok ko dun, naabutan ko si ate Amy, Gizelle, ate Ly, ate Denden, at si Ana na nagsusuklay ng buhok.
"Oh Pongs, ngayon kapa lang magsha-shower?" Tanong ni ate Ly nung makita ako.
"Opo." Sagot ko.
"Oh sya, mauuna na kami ah." Sabi ni ate Ly.
Nang makalabas na sila pumasok na'ko sa isang cubicle at nagsimula na mag-shower.
After 10minutes natapos na din ako at dito na rin sa loob ng cubicle ako nagbihis. Paglabas ko ay nakita ko si Dean na naghuhugas sa sink, pumunta rin ako dun at nagsuklay.
"Hindi kapa pala umuuwi." Sabi ni Dean.
"Nagpahuli kasi ako mag-shower." Sagot ko.
"Pauwi kana din ba?" Tanong ni Dean.
"Oo, bakit sasabay ka?" Mula kasi ng maging mag-bestfriend kami ay lagi syang sumasabay sa'kin.
"Oo." Tumango nalang ako.
Matapos kong ayusin yung buhok ko, sinukbit ko na yung gym bag ko sa shoulder ko.
"Dean, tara na." Nagsimula na'ko maglakad at ramdam kong nasa likod ko lang si Dean.
Nang makarating kami sa tapat ng kotse ko ay pumasok na'ko sa shotgun seat pero bago yun ay hinagis ko muna yung susi ng kotse ko kay Dean.
Pagpasok ni Dean sa kotse ko ay nilagay nya muna yung gym bag nya sa back seat atsaka nagsimula mag-drive.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Therese Point of View2 months na kaming hindi nagpapansinan ng kapatid ko at aminado akong namimiss ko na yung kakulitan ng kapatid ko.
Napansin din nila Mom at Dad na hindi kami nagpapansinan ni Ponggay kaya one time ay kinausap ako ni Dad at tinanong nga kung bakit daw hindi kami nagpapansinan ni Ponggay.
Sinabi ko naman ang lahat kay Dad pati na rin kay Mom ang plano ko at sumang-ayon naman sila dun.
Napapansin ko din na lagi magkasama si Dean at Ponggay, para ngang may something sakanila eh. Kung meron man ay magiging masaya ako, lalo na kung si Dean ang makakatuluyan ni Ponggay. Mabait si Dean at mapagmahal kaya boto ako sa kanya.😊💖
"Ineng wala kaba talagang balak pansinin yang kapatid mo?" Biglang tanong ni Ella liit.
"Parehas kasi kayong mataas ang pride eh." Sabi naman ni Cap.
"Kaso mas mataas ang pride ni Pongs." Sabi naman ni ate Denden.
"Guys hayaan nalang natin sila, away magkapatid yan." Singit ni Amy.
"Tama!" Sang-ayon ni Ana.
"Okay." Tugon ni ate Ells.
Maya-maya dumating na rin yung dalawa kaya nagkayayaan ng kumain ng Dinner.
Marami akong makakain ngayon dahil si Aly ang nagluto, magaling kasi magluto si Aly eh.
Katulad dati ay kumakain kaming lahat at tanging kaming dalawa lang ni Pongs ang hindi nakikipagharutan sa mga teammates namin.
Para lang kaming hangin dito sa gilid . . .
Halos lahat ng teammates namin ay kanya-kanyang landian at kwentuhan atsaka harutan.
★End of Chapter★
BINABASA MO ANG
Bestfriend turn to a Lovers(GXG) || #Wattys2018
Fiksi PenggemarRead at your own Risk! Warning: Plagiarism is a crime.